.7

114 55 10
                                    


._.

"Rich?" Humarap si Kuya kay Caleb saka tumayo at naglakad palapit sa'min habang tinutupi niya ang manggas hanggang siko niya.

"Yip?"

"Who's Steffany?" Ang hindi seryosong mukha ni Kuya kanina ay naging seryoso at saka nanahimik.

"Just our niece." Saka na siya tumalikod. "I'm gonna go outside first."

Matapos ang buong araw ay nagkanya-kanyang uwi ang mga kaibigan ko, dahil sa marami rin silang ginagawa. Wala rin si Kuya dahil may tumawag sakaniya ng biglaan sa trabaho, kaya si Caleb ang natira dito.

"I'm just gonna check your medicine." Ngumiti siya saka lumabas na. Sakto namang pumasok ang doctor.

"Hi, hija." Nakangiti niyang pagbati, itinali niya ang buhok niya at chineck ang dextrose ko.

"Good Eve, Doc." Tumango lang siya. "Doc?"

"Yes?"

Naglakas loob ako at nagtanong. "Normal po ba 'yung nanakit yung ulo tapos may biglang papasok na senaryo na hindi ko naman alam na ginawa ko or kami?" Pinaghawak ko palad ko saka kinakabahang tumingin sakaniya.

"For those like you who have had traumatic experiences before, of course, that's normal." Ngiti niya habang nageexplain. "About that accident."

Tumingin ulit ako sakaniya. "Yes Doc?"

"What part of that accident do you remember?" Tumingin naman ako sa painting na nakasentro sa wall at higaan ko, tinitigan ko 'yon.

"Wala gaano, Doc eh. Pero nag-iisa 'yung, tumatakbo ako. After non, wala ng sumunod." Muli akong tumingun sa Doctor ko ng marinig siyang bumuntong hininga.

"You should recover those memories, there's a lot of asnwers there." Nagtataka akong tumingin sakaniya pero tanging ngiti at haplos sa buhok lang ang isinagot niya. "I'm gonna go."

NANG makaalis ang doctor sa kwarto ko ay nahiga ako at tumitig sa kisame. 

Bakit parang ang hirap sagutin ng diretso ang tanong ko?

Sino si Steffany?

Anong nangyare bago yung aksidente?

Marahas na buntong hininga ang ginawa ko ang nagside ng higa, natutok naman ngayon ang paningin ko sa bintanang nakabukas ang kurtina at kita ang nagtataasang mga buildings.

Halatang hapon narin.

"Hey." Napatingin ako sa pinto at bahagyang ngumiti ng makitang si Caleb 'yon. "Sit, dinala ni Mama yung foods mo."

"Ha?" Tumingin ako sa likod niya ng may pumasok na ginang na nakapulang bestida na hapit sa katawan, may shape pa siya at hindi halatang may anak na. Makinis ang balat at maputi, nakasandals lang siya ng itim pero malakas ang dating niyon, may kwintas na triple nag desenyo, nakalugay ang mahaba at itim niyang buhok, at nakaclip sa harapan.

"Hi, sweetheart." Lumapit siya sa'kin at niyakap ako, habang yakap ako ng ginang ay napatingin ako kay Caleb na nakangiti lang. "Okay na ba ang pakiramdam mo?"

"Ah? Ah-opo." Nag-aalinlangang sagot ko.

"That's better. Your Kuya is kinda busy, may work siya kaya kami kuna ang magbabantay sa'yo. Your mother naman, still sleeping." Nakangiti niyang paliwanag, habang nilalapag ang mga pagkain sa bedtable na nasa harapan ko. "Papunta narin si Anthony. Happy eating!"

Tumango ako at ngumiti, pinagmasdan kong naglakad ang ginag papunta sa visitors sofa at nakipag kwentuhan at tawanan kay Caleb.

"Oh, By the way. My name is Mira, but you can call me Tita Lexus." Nangunot ang noo ko ng maging pamilyar ang palayaw na sinabi niya.

I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon