.12

122 56 14
                                    


._.

NALINGAT ako ng maramdaman ang mahinang pag-galaw ng katabi ko. Iminulat ko ang mata ko at agad na tumigin sa katabi ko pero natigil ako ng makitang si Caleb 'yon, halatang malalim ang tulog niya dahil kahit na gumalaw ako ay hindi siya nagising. Unan-unan niya ang sariling braso habang ang isang braso ay nakahawak sa kumot ko, parang sinisigurado niyang hindi siya lumalagpas sa pwesto ko.

Medyo madilim at tanging ang TV ang siyang nagbibigay ilaw sa'ming dalawa ngayon, tumingin ulit ako sakaniya atsaka ako tumagilid para mas malaya kong makita ang mukha niya. Nang natitigan na siya ng buo ay pinaghawak ko ang palad ko at ipinatong ang pisngi ko at tuluyan na siyang pinagmasdan.

"Pamilyar ka..." mahinang bulong ko, iniangat ko ang kamay ko dahan-dahang hinawakan ang matangos niyang ilong. "sino kanga ba sa buhay ko bago ang aksidente?"

Dagdag ko...

"I'm your langga...before the accident." nakapikit niyang sagot sa tanong ko na dapat ay ako lang ang nakakaalam. Nahigit ko ang paghinga ako at tumingin lang sa mga mata niyang kamumulat palang ngayon...

"ha?"

Natutulalang sagot ko. Pilit kong pinapasok sa sarili ko ang sagot niya sa tanong ko. Umupo ako at pinalupot ang sarili sa kumot ko at natulala sa mga paa ko, pinapasok sa kokote ko ang kaninang sagot niya.

'I'm your langga...before the accident.'

Napalunok ako at napailing saka tumayo at dumiretso sa kusina ng kwarto ko at agad na uminom ng tubig. Saka agad kinuha ang gamot ko para inumin 'yon dahil nanakit nanaman ang ulo ko.

"You okay?" Hinawakan niya ang likod ko habang tinatanong 'yon. Huminga ako ng malalim saka tumango sakaniya 'saka humarap ng nakangiti.

Sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa ay muntik ko ng mahalikan siya pero agad napaurong ang ulo dahil sa kahihiyan. Tatawa-tawa lang siya habang umiiling na lumayo saakin.




After 1 month sa isla ay naisipan nanaming bumalik ng Maynila dahil sa mag-uumpisa na ang 2nd Exam namin, need ko lang ipasa 'yon. Pagkatapos kong maipasa 'yon ay siguradong ibibigay na'ko us intern sa ospital.

"Salamat." Nakangiti kong pagpapasalamat kay Caleb ngaihatid niya'ko sa bahay ko.

"For what?" Tanong niya habang abala sa pag-aayos ng polo niya. Ngumiti ako at lumapit sakaniya saka ko hinawakan ang polo niya at ako na ang-ayos. "Wag kang ganyan, kinikilig ako."

Mahina akong natawa at tumutok lang sa polo.

"Ano bang ginagawa ko?"

"Ang lapit mo sa'kin eh. Tangina." Mas lalo akong natawa ng tuluyang mamula ang mga tainga niya. "Dem."

"Hmm?"

"I..."

"Hi mga pashneang nilalangs. Nandito ako dahil gutom na gutom ako, punyawa. Sarap sakalin ng nagtitinda sa karinderya eh." Maingay at nagrereklamo amg entrada ni Nikolle na pumutol sa sasabihin ni Caleb.

"Gago, panira ka talaga ng moment." Naiinis na sabi ni Caleb kang Nikolle at paismid na inalis ang tingin sakaniya.

"Nagmomoment ba kayo? Pasensya na, pero wala talagang pakeelam yung tyan ko sa moment mo. Tabi!" Malakas niyang pinalo sa braso si Caleb at umupo sa counter bar habang nagpapacute sa'kin. "Hehe."

"May salad sa ref, tapos sa oven may nakapaloob na adobo." Nakangiti kong sabi kay Nikolle na malakas namang pumalaklak at bumelat kay Caleb bago kumilos.

"Ano nga yung sinasabi mo?" Agad kong tanong kay Caleb.

"I said, I like you." Natawa lang ako dahil paulit-ulit niyang sinasabi 'yon. Siguro ay isang daang beses na niyang sinabi 'yon saakin ng nasa Cebu kami. Pero hindi ako nagsasawa.

I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon