.6

110 57 12
                                    


._.

"Hey, drink water." Kinuha ko ang basong inabot at ininom lahat ng tubig.

Nang biglang malakas na nabuksan ang pinto at pasuray-suray na pumasok si Mama na napakadungis. Agad siyang sinalubong ni Caleb at inalalayan paupo sa bagong linis at bihis na sofa. Agad namang humiga si Mama...

"Ma?" Kalbit ko sakaniya, sinisiguro kong tulog na siya bago ko siya linisan dahil kapag nasa wisyo ay baka mag-away kami. Nang masigurong tulog siya at nagpatulog ako kay Caleb na buhatin si Mama papasok sa kwarto para hilamusan siya.

"Geez, your mother is heavy." Nahihirapang bulong niya sa'kin. Natawa ako at tumingin sakaniya matapos naming maihiga si Mama sa kama.

"Labas na. Sige na!" Tulak ko sakaniya, tsaka ko inilock ang pinto at inumpisahan na ang paglilinis kay Mama, pinasuot ko siya ng puting tshirt at pajamas na kulay pula, ipinusod ko rin ang mahabang straight na buhok niya at hinayaan na siyang matulog sa kwarto.

"Nasaan naba 'yon?" Napatingin ako sa kusina ng marinig si Caleb na may hinahanap. Nalukot ang mukha ko saka tahimik siyang nilapitan.

"Hoy!" Malakas na tawag ko sakaniya.

"Tangin!"

"Sige ituloy mo?" Agad na natutop niya ang bibig at mahinahong tumingin sa'kin. "Ano bang hinahanap mo?"

"Yung caldero."

Itinuro ko ang caldero gamit ang hintuturo ko, agad naman kumalma ang mukha niya at kinuha ang caldero. Saka niya sinimulang maghiwa, nagugulat naman akong napaayos ng tayo.

"Hoy! Hoy!" Nagugulat kong bulyaw sakaniya, inosente siyang tumingin sa'kin habang naghihiwa parin. Mas lalong nanlaki ang mata ko. "Ano ba! Masusugat ka niyan eh!" Agad akong lumapit sakaniya para kunin ang kutsilyo.

Tumingala ako sakaniya at napatitig sa gulat niyang mukha. Paulit-ulit kong pinitik ang kamay ko pero nakatitig lang siya sa'kin ng gulat.

"Uhm."

Nang magbalik siya sa realidad ay lumayo ako ng kaunti saka tumingin sakaniya.

"Ayos kalang? Pumunta ka ata ng another dimension." Biro ko pero hindi naalis ang pagiging seryoso sa mukha niya. "Hoy! Gago, ayos kalang?"

Mabilis siyang tumingin sa'kin saka ngumiti. "Of course! But, let me cook."

"Ano bang iluluto mo?" Pangiiba ko ng usapan.

"Your favorit- I mean Torta." Nakangiti niyang sabi.

"Hoy! Paburito ko'yon. Maganda yan, tignan nga natin kung masarap ka magluto." Nakangiti kong pangbubwisit saka naglakad paupo sa narang upuan sa dining table, kung saan din siya naghihiwa. Nagsalukbaba ako habang tintignan siyang kumilos.

"Baka hindi ako sa kutsilyo masugat." Nangunot ang noo ko sa biglaan pagsasalita nya habang nangingiting nililinis ang giniling saka 'yon pinatuyo. "Baka sa titig mo."

Malakas akong natawa at naiiling na hinampas siya. Pero natigilan kalaunan dahil napaisip ako sa ginawa ko.

"Hala, sorry."

Natawa naman siya at umiling.

"It's okay. Just sit there. And wait for the food." Hinawakan niya ang balikat ko at pinilit akong umupo sa upuan saka nakangiting tumalikod at nag-umpisa ng magluto.

His familiar gestures, movements and smile were the first things I noticed, he seemed to be used to this kitchen.

The familiar smell, his familiar movements in the kitchen suddenly peeked into my mind.

I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon