.14

156 53 19
                                    


._.





"Hindi mo pa nayayakap Demi. Bakit parang ang laking kasalanan sa'yo ng anak ko?" Singit ng Nanay ni Caleb na nagpahinto sa'kin at napaisip. Tila sinakal ang puso ko ng marinig iyon, sa bibig pa mismo ng nanay pa ng lalaking gustong-gusto kong mahalin.

Saka ako tumingin sakaniya at maluha-luhang tinitigan siya.

"Umiyak ka kapag naalagaan mo na." dagdag niya habang namumula sa galit. Ganito ba sila kawalang puso para sabihin sa'kin yon? Ano bang tingin nila sa'kin at sa buhay ng batang nawala?

"Never judge a situation you've never been in." Nag-ngingitngit ngipin kong balik sagot sakaniya. "Hindi porket wala akong matandaan ay ganyan na ang gagawin niyo sa'kin. Anak ko parin 'yon, anak ko parin ang nawala. Anak parin namin!" Mas malakas na sigaw ko sakaniya habang duro siya, saka ko hinawakan ang nuo ko. "I just realized that... I lost someone because I was trying to please someone to comeback." Natatawa kong sabi at turo sa sarili ko.

Saka tumatawang tumingin sakanila. Tumingin ako kay Caleb at marahas na binawi ang kamay ko sakaniya at lumayo sakaniya habang hawak ko ang kamay ko. Dinadama ko ang bawat patak ng mainit na luha ko na bitbit ang sakit at pandidiri sakaniya.

"You're the biggest lier, Caleb na nakilala ko." Sunod-sunod na rumagasa ang luha sa pisngi ko matapos sabihin 'yon. Patuloy parin ako sa paglalakad ng paurong...

"Stand up, Caleb." Agad siyang itinayo ng magulang niya at nangunang lumabas ang mag-ama at naiwan si Miss. Darcie. Galit siyang tumingin sa'kin at tinitigan ang mata ko na tila sinusubsob ang buong pagkatao ko.

"Ito ang dahilan kung bakit ayoko sa'yo. You little pathetic shrimp." Bago siya umalis ay kinuha niya ang isa sa mga vase at malakas na ibinato 'yon sa pader dahilan para mabasg iyon at magkalat ang mga parte ng vase sa sahig kung saan ako nahinto.

Tuluyan kong naibagsak ang katawan ko sa sahig at tuloy-tuloy na umiyak, hindi ko alam bakit kailangan nilang gawin sa'kin 'to. Bakit pinagkakaitan ako ng katotohanan? Ramdam ko ang bawat papasok ng mga matatalim na bagay sa katawan ko pero tila binabalewala ko 'yon dahil mas higit ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

"Jusko, tumayo ka riyan, Anak ko." emosyonal na sabi ni Mama sa'kin habang pilit akong tinatayo sa mabubog na sahig, tumulong ang mga kaibigan ko na itayo ako at iupo sa kama ko, dumurugo ang bawat parte ng binti ko at talampakan at palad ko, gusto kong maramdaman ang sakit pero nangingibabaw ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at humagulhgol.

"Sa dinamirami ng tao. Bat ako?" humahagulgol na tanong ko sakanila pero walang sumagot, ngunit isa isa nila akong niyakap, pinaparamdam ang init ng pagmamahal at sinasabing nandito sila sa buhay ko kahit na anong mangyari.

Humiwalay si Mama sa pagkakayakap at hinawakn ang pisngi ko saka niya pinunasan ang luha ko, saka niya hinalikan ang nuo ko ng matagal bago lumabas at tumawag ng nurse para ipaalis ang mga bubog na nakadikit parin sa'kin, nawalan ako ng nararamdaman na sakit sa mga oras na 'yon dahil hindi ko parin maproseso ang mga nangyayari, ang ayos-ayos namin kanina.

Anong bang ginawa ko? bakit kailangan mangyari to?

Tumayo ako pero agad akong hinawakan ng mga kaibigan ko, marahas kong binawi ang kamay ko at patuloy na umiiyak na tumingin sakanila.

"Ano bang ginawa ko? Hindi naman ako pumatay." Mahinang bulong ko.

"Demi, Please. Rest." Naiiyak na inaabot ni Ava ang kamay ko pero patuloy kong inilalayo 'yon.

"Ngayon sumisiil sa puso ko." Kumunot ang nuo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko pinansin ang awa sa mga mata ng kaibigan ko, walang patumpik-tumpik na lumapit si Zeihl sa'kin at mahigpit akong niyakap. "Ngayon ko nararamdaman yung sakit. Ngayon nananakal yung sakit sa'kin." Tumingala ako kay Zeihl at nagmamakaawa siyang tinignan.

I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon