.5

135 61 13
                                    

._.

Nagising ako hindi dahil sa palaging sumasalubong sa'kin, ngayon ay nagising ako dahil sa amoy ng ulam.

Gaya ng dati ay uupo muna ako at tutulala sa hindi ko malamang parte ng mundo saka tatayo at iinom ng tubig, naghilamos lang ako at lumabas na ng kwarto para dumiretso sa kusina.

"Good Morning, sister." Malaking ngiti ang sinagot ko kay kuya saka naupo sa maliit na counter table. "Here."

Matapps niyang mailapag ang dalawang putaheng ulam ay naupo narin siya at nagsimula nakaming kumain, ang dating tahimik kong almusal ay puro tawa na dahil sa mga kwento ni kuya.

"Oo, uuwi ako sa bahay ni Mama." Sagot ko sa tanong niya.

"Bakit?" Tumingin ako sakaniya at uminom.

"Kailangan kong maglinis, tapos ay parang nagiging basura ang bahay niya." Simpleng paliwanag ko.

Tumango siya. "I'll go with you."

Ngumiti ako at pumalakpak. "Pero wag kang magexpect sa bahay na 'yon ni Mama."

Tumango siya.

Matapos ang pagkain ay pinauna na'kong mag-ayos ni kuya dahil alam niya kung gaano ako kabagal pagdating sa pag-aayos ng sarili.

"Just wear something comfortable, after we visited Mother, I'm gonna find you another condo." Nang marinig 'yon ay mabilis kong sinuot ang kulay itima na tshirt ko at lumabas ng kwarto.

"Ano?! Hoy Kuya, maayos pa ang lagay ng condo ko no!" Sigaw at duro ko sakaniya sa malayo part.

"I know, hindi naman natin aabandunahin ang condo mo. I'm gonna live here." Napatanga ako at naguguluhan na lumapit sakaniya habang pinapatuyo ang buhok ko.

"Bakit hindi nalang ikaw ang bumili ng bagong condo?" Umiling siya.

"This is why I sold my car. I want to give you another decent Condo." Napasimangot ako.

"Ayos nanaman ako dito." Lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko.

Saka siya bumuntong hininga. "Alam ko naman 'yon, I jusy want to give you the things you deserve."

"Kuya naman eh."

"Sht. Just don't stop me from spoiling you." Dahil sa walang magagawa ay tumango nalang ako. Ayoko namang pigilan si kuya dahil alam kong namiss niya lang ganituhin kami.

Napatayo ako mula sa sofa ng tumunog ang doorbell. Naglakad ako patunhong pinto ay hindi at binuksan agad ang pinto.

Nakangiti namang bumungad sa'kin si Caleb, niluwagan ko ang pagkabukas ng pinto at pinapasok siya. Agad naman siyang prenteng umupo sa pang-isahang upuan at tumingin sa'kin. Pabuntong hininga kong inalis ang tingin sakaniya at isinara ulit ang pinto.

"Gusto mo ng juice? Kape o tubig?" Alok ko sakaniya habang inililigpit ang mga hamit ko sa lamesa.

"Nah, just you." Nandidiri ko siyang tinignan ng masama at huminga ng malalim saka siya tinalukaran para ibalik ang mga gamit ko sa vanity mirror.

"Hintayin lang natin si Kuya, medyo mabagal siya kumilos." Tumango lang siya. "Ikukuha lang kita ng juice."

Tumalikod ako at pumunta sa kusina, open ang kitchen namin kaya kitang-kita ang visitors area, kaya nakikita morin ang pupunta sa kusina at kung anong ginagawa niya. Nakatingin lang sa'kin si Caleb habang nagtitimpla ako ng juice.

"Eto oh." Bago ko pa mailagay sa lamesa ang baso ay naramdaman ko ang pagpihit ng ulo ko sa sakit.

"You okay?" Ramdan ko ang paghawak ni Caleb sa braso ko para hindi ako tuluyang mapatapak sa sahig, pero patuloy parin sa pagkirot ang ulo ko.

I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon