SPG SCENE ALERT! PLEASE, LEAVE IF YOU'RE BELOW 18.
.-.Pagod kong tinignan ang kisame at pilit na pinipigilan ang sariling umiyak. Madilim na, tahimik na ang paligid at tanginang ako nalang ang gising, nakahiga ako sa kama habang hawak ang palad at nakatulala sa kisame at kinukwestion ang sarili ko.
Mariin akong pumikit at agad na kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil nag-umpisa ng tumulo ang luha ko.
Umupo ako at inalis ang kumot saka ko tinignan ang orasan, naglakad ako papasok sa banyo at isinuot ang makapal na jacket ko. Itinali ko rin ang buhok ko at tinitigan ang sarili sa salamin. Namumugtong mga mata, namumulang pisngi at ilong, pagod ang sarili ko. Pagod ako pero mas pagod ang isip ko.
Lumabas ako at tahimik na tinahak ang hallway palabas ng Ospital saka napapikit ng maramdaman ko ang hangin, nag-umpisa na'kong maglakad sa daang hindi ko alam kung saan papunta.
Naglakad lang ako ng naglakad at hindi pinapansin ang direksyon na tinatahak ko, kagat parin ang pang-ibabang labi habang iniikot ang paningin sa kapaligiran. Sobrang tahimik, malakas akong bumuntong hininga at hinayaan na ang sariling umiyak ng maingay habang naglalakad sa tahimik na daan.
Napahawak ako sa tuhod ko ng hindi na kayanin ng sarili ko ang nararamdaman ko. Nagsalampak ako sa sahig at niyakap ang mga paa ko at umiyak ng umiyak sa gilid ng daan, at tinitignan ang mga malimit na sasakyan na dumadaan.
Pero natigilan ako at napasinghot ng may kamay na sumulpot sa mukha ko at tila inaabot ako, iniangat ko ang sarili ko at tuluyang nawalan ng reaksyon ng makita ko ang nagmamakaawa niyang mata, namumulang mga tenga. Mabilis akong tumayo at niyakap ang sarili saka mabilis na naglakad palayo sakaniya. Mas lalong umalon ang emosyon sa puso ko at parang gusto nalang lumabas nito sa dibdib ko, hinawakan ko ang dibdib ko at mas mabilis na naglakad pa hanggang sa maging takbo na ang ginagawa ko.
"Dem, please. Talk to me." Huminto ako at lumunok saka dahang-dahang humarap sakaniya.
"What? what kind of lies again?" Tumagilid ang tingin ko sakaniya saka ko itinakip sa mukha ko ang palad ko para pigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
"Please, intindihin mo ako." Umiiyak at nagmamakaawa niyang agad sabi saakin. Tumingin ako sakaniya at malakas na tumawa.
"What about me?" Tila napapaaos na tanong ko sakaniya habang tinuturo ko ang sarili ko. "Paano ako? Paano ako kung iintindihin parin kita?"
Humagulgol ako at sinabunutan ang sarili ko. "Nandon na, Caleb eh. Nandito na'ko para tuluyang itulak ang sarili ko na mahulog sa'yo eh. Nandito na." tila sinasabi ko sakaniya ang level ng pagpigil sa sarili ko habang itinataas ang kamay ko. Kinagat ko ang pang-itaas na labi ko habang rumaragasa ang luha ko at nakatitig sakaniya.
Habang siya ay nakayuko at gumagalaw ang parehong balikat dahil sa umiiyak siya.
"Ang kapal-kapal ng mukha mo." mariin at nanggigigil na dagdag at duro ko sakaniya.
Now I have realized that all the crying, accumulating dreams that I can't understand are all I have experienced. I am the one in the dark dreams, I am the flesh of my painful cries. And I was hurt. Now I'm literally feeling the tiredness that my brother told to me. Yes, I can feel all the mix emotions I have released from my forgotten memories. All the pain, tiredness, fun, and anger. I can feel it. It's all rippling in my heart. My forgotten memory, forgotten joy, forgotten pain and forgotten tears. All of that was what I had felt before but now, I can feel it again.
BINABASA MO ANG
I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]
Ficción GeneralIsland Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy, how pain's felt. And forgot to love. It was hidden, not until I was inloved. There's a certain time...