._.
Nagpatong lang ako ng floral polo at nagpahatid sa airport at nauwi na. Matapos ang byahe ay dumiretso ako sa condo ko't kinuha ang bag ko, hindi na'ko nagpalit dahil sa ayos lang naman ang hindi nauuniporme.
"Tara na." Salubong sa 'kin ni Jake sa pinto at sabay kaming pumasok sa room ng Test room namin, naupo ako sa pinaka-unahan kung saan katabi ko si Lira. Randam ko ang mga mata ng mga kaklasi ko na nasa'kin. Binaliwala ko 'yon at muling nagreview bago magstart ang exam.
"Ang ganda niya sa suot niya no?" Rinig kong bulong ng nasa likod ko, halos sila ay pareho ng ibinubulong sa mga katabi nila. Napatingin ako kay Lira ng padabog niyang inilagay ang tumbler niya sa desk niya at masamang tumingin sa 'kin. Inosente ko siyang tinignan at ang kanyang suot.
Purple and white 'yon, purple na pala na hindi lumalagpas sa tuhod at mahabang puting medyas na hanggang tuhod na may guhit na purple. Ang top naman niya ay puting sando sa loob na nay bulaklak sa gitna, at pinatungan niya ng purple cropped blazer na mukhang galing sa chanel. Nakapares 'yon sa black-high heeled sandals. At may maliit na purple purse, nakabagsak din ang mahabang buhok niya at nakabanda ng puti. Maganda si Lira, hindi ko ikakaila 'yon pero masama ngalang ang ugali.
"I'm still pretty." Tumayo siya at kinuha ang nagriring na cellphone. Saka lumabas.
Umirap ako't nagtext kay Ava na babalik ako ng Bohol after 2 weeks dahil sa unang exam palang 'to. Marami silang gagawin sa Bohol dahil sa trabaho ni Ava, siya rin ang tumulong sa 'kin sa pag-aaral ko maliban kay Kuya. Halo ituring akong kapatid ni Ava kaya malaki ang utang na loob ko sakaniya.
Matapos ang ilang minuto ay nagsimula na ang test, halos lahat naman ay nasagutan ko, maliban sa mga math problems na naging prublema ko sa buhay. Nilagpasan ang ko mahigit limang math problems at dumiretso sa ibang exam subjects.
Matapos ang limang minuto ay natapos ang buong exam at isa-isa nakaming pina-uwi. Ipapaskil sa bulletin board ang nakapasa at ang highest sa lunes, kaya tumawag na'ko kay Ava ng pauwi nako at nasa taxi na.
"Hey."
"Sorry ah, sa'n ba sana pupunta kanina?" Tanong ko habang nakasandal ang ulo ko sa bintana ng taxi...
"Sa Other hotel ni Zanth, for checking lang naman. How's your test?" Tanong niya na parang ngumunguya, maingay din ang linya niya kaya alam kong kasama niya ang mga gago.
"Ayos naman, kaya lang may lima o higit pa sa lima ang hindi ko nasagutan sa math." Reklamo ko sakaniya, natawa naman siya.
"That's fine. Kailan ang balik mo dito?"
"After 2 weeks. Then, uuwi din agad ako non." Pumayag si Ava at ibinaba na ang tawag, nakangiti akong sumandal sa sandalan saka tumitig sa dinadaanan naming mga gusali.
"Salamat po." Isinara ko ang pinto ng sasakyan ng matapos akong magpasalamat. Pumasok ako sa entrance at kumayaw sa mga Receptionists. Ngumiti sila at kumaway pabalik bago ako pumasok sa elevator at pindutin ang floor ko.
Pagod kong inalis ang pagkakatali ng buhok ko at binuksan ang Condo ko gamit ang keycard. Pagkasara ay inalis ko ang sandals ko saka isindi ang ilaw. Palubog palang naman ang araw kaya medyo may init pa sa buong tinitirahan ko. Pumasok ako sa kwarto at inalis lahat ng damit ko, at tinitigan ang sarili sa salamin.
Napakagandang diwata naman talaga nito.
Matapos bigyan ng compliment ang sarili ko ay kinuha ang towel robe. Saka pumasok sa bathroom dahil sa pakiramdam na nanlalagkit ako. Maglilinis rim ako dahil sa sobrang gulo na ng buong condo ko.
"Wala na pala akong napkin." Bulong ko sa sarili ng makitang wala ng laman ang sanitary container ko. Bumuntong hininga ako at mabilis na nagbihis. Sinuot ko na ang Silk termo longsleeve pajamas ko. Kulay black 'yon na may kulay puting disenyo sa bawat huling parte ng tela, then, I put a clam on my hair to make my nape comfortable. Maraming buhok naman ang nagsihulog sa harapan.
BINABASA MO ANG
I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]
Genel KurguIsland Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy, how pain's felt. And forgot to love. It was hidden, not until I was inloved. There's a certain time...