._.NANG matapos ako sa pag-aayos ng gamit ko ay agad 'yong kinuha ni Caleb para isakay sa sasakyan namin.
Itinali ko ng pusod ang buhok ko at ipinatong ang kulay itim na long blazer sa puting croptop ko. Saka 'yon pinarisan ng kulay itim na leggins, at puting rubber shoes. Saka ko kinuha ang shoulder bag ko at lumabas na para sumunod sakaniya, pero sinigurado ko munang nakalock ng maayos ang bahay.
"Ready?" Bungad na siya sa'kin ng maisarado ko ng maayos ang gate.
Pagsakay ko ay agad akong ngumiti sakaniya. "Kanino sasabay si Mama?"
"Dadaanan natin siya. Tara na." Isinara ko na ang pintuan ng kotse at isinuot ang seatbelt atsaka hinayaan si Caleb na magkaroo ng katahimikan habang nagmamaneho.
Habang nasa byahe ay naisipan kong kunin ang isang chip sa likod pero nagdalawang isip na buksan 'yon. Tsaka ako nagtataka sa sarili ko.
"Hey." Napaharap ako kay Caleb ng tawagin niya 'ko saka manipis na ngumiti. "Hindi mo kakainin yan?"
Napatingin ako sa chips na hawak ko saka tumingin pabalik sakaniya.
"Pumasok kasi sa isip ko na, baka hindi mo gusto ang kumakain sa loob ng sasakyan." Nanghihinayang kong sabi habang nakanguso at nakatitig sa tsitsirya.
Mahina naman siyang tumawa dahilan para mapatingin ako sakaniya.
"Okay lang. Noon yon, hindi na ngayon. Sige na, you look hungry." Nakangiti niyang paliwanag, malapad akong ngumiti at agad na binuksan ang pagkain at nagsimulang kumain, paminsan-minsan ay binibigyan ko siya pero hindi niya mabitawan ang manibela kaya isinusubo ko nalang sakaniya ang chips na parang normal at hindi na bago sa'kin.
NANG maratint namin ang eskinita ni Mama ay pinauna ako ni Caleb at susunod daw siya dahil may kakalkalin pa siya sa likod ng sasakyan niya. Nauna ako at nakangiti pang binati ang mga nadadaanan ko.
"Tara." Napangiti ako marinig na ang boses niya kaya nagtuloy-tuloy na'ko. Nakabukas lahat ng ilaw ni Mama kaya alam kong nasa bahay siya, sabay kaming pumasok ni Caleb sa loob at nadatnan ang sala ng naka-ayos.
May mga bagahe rin na nasa upuan kaya alam kong may bisita. Tinawag ko si Mama at napangiti ng lumabas siya mula sa kusinang may bitbit na pagkain, nakangiti rin siya kaya mas lalo akong napangiti pero nawala ang ngiti niya ng makita kami.
"Anong ginagawa niyo rito?" Naalis ang ngiti ko at napalitan ng pagtataka.
"Ma, aalis tayo diba?" Tanong ko habang nangingiti pero tuluyang nawala 'yon ng may lumabas na lalaki mula sa kusina at may dalang pagkain.
Bata pa 'yon. Halatang mas bata sa'kin.
"Sino siya?" Tanong ko. Inilapag naman ni Mama ang pagkain sa lamesa at niyakap ang binata.
"Si Miquel. Aalagan ko na siya." Tuluyan akong nawalan ng ngiti at ganang tumingin sakaniya. Habang siya ay nakangiti pa habang inaayos ang buhok ni Miquel.
Naramdaman ko ang kamay ni Caleb sa braso ko saka bumulong siya.
"Shh."
Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. "Sumama nalang kayo, Mama."
Tumingin siya sa'kin.
"Isama niyo narin po si Miquel." Pilit na ngiting dagdag ko. Saka ako tumalikod at lumabas, sumunod naman sa'kin si Caleb na halatang nag-aalala.
"Are you okay?" Ngumiti ako atsaka humarap sakaniya.
"Oo naman!" Natatawang ani ko. Ngumiti siya saka pinunasan ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]
Ficción GeneralIsland Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy, how pain's felt. And forgot to love. It was hidden, not until I was inloved. There's a certain time...