4 years..."Caleb! Ano ba!" Malakas kong sigaw kay Caleb habang hinahabol siya ng walis tambo. "Sinabi nang umalis ka dito eh. Hoy! Hindi mo bahay 'to, gungong!"
Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang nagtakip ng bibig. "Demi, I've been wooing you for 4 years now. Tandaan mo na binigyan ako ng susi ni Tita kaya bahay ko na din 'to..." proud na sigaw niya habang winawasiwas sa hangin ang susi.
Masama ko siyang tinignan.
"Grabe, ang gandang umaga naman nito." Napatingin ako sa likod ko nang magsalita ang sampung taon na anak ko.
Kakabirthday lang din ni Caleb kahapon pero dahil sa bigla siyang sumulpot kaninang umaga sa tabi ko ay halos mapatay ko siya ngayon.
"Hoy Caleb, trentay dos kana kaya ihamo sa edad mo ang galaw mo ha!" Malakas pang minsang sigaw ko sakaniya bago inismiran siya at lumapit kay Addy, maganda namang ngumiti ang anak ko at niyakap ako saka hinalikan sa pisngi bago tumakbo kay Caleb para yakapin at halikan din sa pisngi.
After mangyari lahat ng hindi magandang senaryo sa buhay ko, hindi naman nagsawa si Caleb na manligaw.
That day... that day was very sad.
"Just for you." I felt his lips purse into my forehead. Ramdam ko ang pananabik no'n. Humagikgik ako at marahang sumayaw habang yakap padin siya.
Humawalay ako at napangiti nang makita kung gaano kalinis ang kwarto ko, pati ang hospital bed ko ay ang linis tignan sa mukhang bagong sapin non. Napatingin ako kay Addy at mahinang natawa nang makita kung gaano siya kaganda sa puting bestida niya, pinarisan pa 'yon ng pulang ribbon sa piggy braid niya.
Matapos naming kumain, ay agad akong inalalayan ni Caleb papunta sa higaan ko. Napansin ko naman na medyo namayat siya, mayron narin siyang balbas sa mukha. Humaba narin ang buhok niya na nakabun ngayon, hinawakan ko ang baba niya at hinaplos 'yon paakyat sa pisngi niya.
"Akala ko totoong iniwan ako ni Addy, akala ko din ay iniwan kitang mag-isa dito..." tumingin naman siya sa'kin, punong puno ng emosyon ang mga mata niya habang nakatitig din sa mata ko. "Parang natrap ako sa panaginip ko. Kaya pag-gising ko ay kayong dalawa ng anak ko ang hinanap ko."
Humikbi ako, tahimik naman si Caleb na lumuha. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko at parang sabi na sabi na haplusin 'yon. Makikita din ang pagod sa mga mata niya, nandon din 'yung minsan na galak kong hinahanap palagi. Yung tingin na may pagmamahal...
"While you're in a deep coma, hindi ko alam ang gagawin ko, Dem. Parang lumiit 'yong mundo ko. Ang hirap pala ng posisyon mo," mahina 'yon na halos ibulong nalang niya. "Habang tumatagal parang nagsisink in sa'kin na, ang swerte ko pala pero naging malas pa..."
Tumingin siya sa'kin at ngumiti.
"Thank you, Dem. Thank you for waking up, thank you for telling me the truth about Addy. Thank you for giving me another chance to love my Daughter, thank you for coming back ... and thank you for finding me..."
I smiled sweetly as I gently caress his face with adoration. "Just for you, Caleb."
"Thank you for fighting" nakangiti akong hinalikan siya sa pisngi.
"Because I need too." nakangiting bulong ko dahilan para sumubsob siya sa balikat ko.
But that day was also my happiest day. Natauhan ako nang bumuga ng hangin si Caleb sa tainga ko, pinagpag ko ang tainga ko at masama siyang tinignan.
"Mr. Smith, mapapatay talaga kita." Kalmado kong sabi, dahilan para tumawa siya. Hinanap naman ng mga mata ko si Addy.
"Umakyat siya para magready sa school," tumango ako at tinuloy ang paghuhugas ng pinggan. Naitabingi ko naman ang ulo ko nang umakap si Caleb sa baywang ko at ipatong niya ang baba sa balikat ko. "Ayaw mo sundan si Add-"
BINABASA MO ANG
I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]
General FictionIsland Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy, how pain's felt. And forgot to love. It was hidden, not until I was inloved. There's a certain time...