._.
"Where did you learn that?" Tanong ni Nikolle kay Caleb habang sabay-sabay kaming tatlong naglalakad sa hallway.
"I study again."
Tumango-tango ako saka napatingin sa bulsa ng damit ko ng maramdaman ang pagtunog ng phone ko. Tumigil ako sa paglalakad at kinuha iyon at napangiti nang makita ang caller. Agad ko itong sinagot at napangiti ng bumungad ang boses ni Addy na humihikbi.
"M-mama?"
"Hmm? bakit ka umiiyak?" tumingin ako sa mga kasama ko na natigil din sa paglalakad at tinitignan ako. Tumango ako sakanila at naglakad na.
"Where are you?" Humihikbi paring tanong nito. Napailing ako at uminom ng kaunti sa kape na hawak ko at napaupo sa upuan ng marating ko ang desk ko.
"I'm on my way home, don't worry."
"I love you, Mama." Tila nawala ang sakit ng batok at likod ko nang marinig ko 'yon. Ngumiti ako at nagsandal at pumikit.
"I love you more, Addy. Go to sleep." matapos niyon at naramdaman ko na ang paghilik niya dahilan para patayin ko na ang tawag saka tumingin sa orasan ko.
3:10 Monday
Nahawakan ko ang batok ko saka tumayo at nag-unat unat bago kunin ang mga dapat kunin at dumiretso na sa locker ko. At doon ay nagbihis ako at kinuha ang bag at pasalubong ko kay Addy. Itinali ko ang buhok ko at naglinis ng mukha saka naglagay ng kaunting pulbo dahil nakapinta sa mukha ko ang pagod.
Ayoko sa lahat ang umuuwing pagod ang itsura ko, ayokong nakikita ni Addy na pagod ako. Umiiyak kasi siya kapag nakikitang lanta ako. Nang makitang ayos na ang itsura ay nagpabango lang ako at sinot na ang jacket saka hinawakan ang bag ko at lumabas na ng lovcker room.
"Tapos na shift mo?" Tumango ako sa mga ibang nurse at nagpaalam na, saka ako naglakad papunta sa opisina ni Nikolle para sabihin na kailangan ko ng umuwi.
"I need to go." Tumingin siya sa'kin at tumango.
"Hey." Tumingin ako sakaniya at pumanikhing. "You need to share Addy with her own Dad."
Bumuntong hininga ako. "Eto nanaman tayo-"
"This is for real. Hindi naman alam ni Caleb na anak niya si Addy." Umiling ako. "Demi, hindi lang ikaw ang parent dito."
"Don't. I'm Addy's mom, Nikolle. Ako ang magdedesisyon." Pasiring kong inalis ang tingin sakaniya at walang paalam na umalis at umuwi.
I saw how Addy sleep peacefully. Inalis ko ang jacket ko saka ko 'yon isinabit sa pintuan, at diretsong nahiga sa tabi ng anak ko. Pumikit man ako ay hindi nawala ang boses ni Nikolle sa utak ko.
Lumipas ang isang oras pero hindi ako makatulog, binubulabog ng sinabi niya kanina. Tumingin ako kay Addy at hinawakan ang pisngi ng Anak ko. Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maligo, alasquatro narin. Magluluto pa'ko dahil maya-mayapa niyan ay gigising na si Miquel.
Ibinabad ko ang sarili na maligamgam na tubig saka hinayaang pumikit ang mga mata ko. Kahit manlang doon ay makapagpahinga ako, pero hindi pa tuluyang napapahinga ang utak ko ay malakas na ngulyak ang ginawa ni Addy dahilan para mabilis akong tumayo at magslide sa banyo, napalunok ako ng maramdaman ko ang kirot sa pwetan ko. Dahan-dahan akong tumayo at nagsuot ng roba bago lumabas.
"Why?" Lumapit ako sakaniya, umiiyak parin siya pero nanahimik na. Tanging sinok nalang.
Umiling siya saka yumakap ng mahigpit sa'kin.
"Ate?" Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Miquel. "Akin na si Addy, maligo kana muna."
Ngumiti ako at ibinigay si Addy kay Miquel, saka ako dahan-dahang bumalik sa banyo para lagyan ng oil ang parte na sumalo kanina ng tiles saka na nagbabad ulit.
BINABASA MO ANG
I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]
Ficción GeneralIsland Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy, how pain's felt. And forgot to love. It was hidden, not until I was inloved. There's a certain time...