.-.
"Gusto mo na bang umuwi?" Mahinang tanong ni Jack saakin habang nakahilig naman ang ulo ko sa balikat niya at nakatitig sa madilim na kalangitan at napapangiti sa mga bituin na kumiskislap.
"Ayoko pa." Umalis ako sa pagkakahilig sa balikat niya saka ako humarap at hinawakan ang braso niya. "Sa tingin mo ba, papasa na'ko?"
"Oo, matalino ka eh. May mga problema lang talaga na dapat ayusin, alam kong kaya mo." Nakangiti niyang sagot sa tanong ko.
"Sana nga kaya ko." Ngumiti ako at bumalik sa pagkakahilig sa balikat niya.
Nang biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko 'yon at napangiti ng makitang si Caleb ang tumatawag.
"Hmm?" Sagot ko.
"Nasaan ka? Gabi na ah." Tumingin ako kay Jack at ngumiti ng malaki.
"Pauwi na."
"I'm gonna cook dinner. Ingat ka." Matapos 'yon ay namatay na ang tawag kaya tumayo na'ko at kinuha ang helmet kay Jack.
"Ihatid mo na 'ko. Hinahanap na'ko ni Caleb eh." Matipid na ngumiti si Jack at tahimik na tumayo saka pinaandar na ang motor.
Tahimik amg byahe naming dalawa pero nakangiti parin ako, ang lamig ng simoy ng hangin at napakatahimik ng kapaligiran.
Ang payapa.
Hinigpitan ko ang yakap ko kay Jack ng mas bilisan pa niya ang pagpapaandar ng motor, mas naging swabe ang galaw niya kaya mas lumamig ang simoy ng hangin. Nang makarating na sa lugar ng bahay ko ay medyo niluwagan ko ang pagkakayakap ko at umupo ng maayos.
Huminto siya sa harapan ng bahay ko at hindi na bumaba pa sa motor, bumaba ako at inalis na ang helmet saka ngumiti sakaniya.
"Salamat, 'tsaka congrats ulit, Jack. Nag-enjoy ako." Ngiti at madamdamin kong sabi sakaniya.
"I can see that." Matapos niyang sabihin 'yon at humalik siya ng matagal sa noo ko bago pinaharurot ang motor niya...
Humarap ako sa bahay at nagtatak dahil sobrang tahimik, halos kasi ay maingay dito dahil saa radio ni Caleb, saka nandito rin 'yung dalawa kaya siguradong boses palang ni Nikolle ay mambubulabog na pero ngayon ay sobrang tahimik, bukas ang lahat ng ilaw pero parang walang tao.
Naglakad ako ng nagtataka papunta sa pinto at pinihit 'yon pabukas at tumambad sa'kin ang dalawa kong kaibigan na tahimik sa sofa habang may nakaharap sakanilang dalawang tao, babae at lalaki. Habang si Caleb ay nasa likod nila Nikolle at hawak ang noo niya, nandito rin si Ava na hawak ang babae na nakatalikod sa gawi ko.
Hindi ako nag-ingay at pinakinggan lang sila.
"You're here again! Ilang ulit ko bang uulit-ulitin sa'yo na hindi ka dapat bumalik dito sa Pilipinas Caleb ha!" Malakas na sigaw ng babae kay Caleb. May galit sa mukha niya, may pagmamakaawa. Pero lahat sila napatingin sa pinto ng matulak ko 'yon at malakas na tumama sa wall. Kaya napatayo ako ng maayos at tumingin sakanila.
Napatingin sa'kin ang babae at agad na naglakad papunta sa'kin ang babae at malakas akong sinampal na dahilan para matumba ako sa sahig. Napatingin ako sakaniya at nakita ang galit, pandidiri at sakit sa mata niya. Nanlilisik 'yon sa galit, ramdam ko iyon sa sampal niya na nagpamanhid sa mukha ko.
"Dem!" Malakas na sigaw ni Ava at agad akong dinaluhan. Hinawakan niya ang pisngi ko at naawang hinaplos 'yon saka siya naiinis na humarap sa babaeng sumampal sa'kin. "Tita?" Mahihimigan ang inis sa tono niya.
"Ma!" Napatingin ako kay Caleb, ramdam ang otoridad sa boses niya saka siya galit na galit na naglakad papunta sa nanay niya at mahigpit na hinawakan siya sa magkabilang braso nito. Nanlilisik ang mata niya at nakikita kung gaano kahigpit ang mga palad niya sa braso ng ina niya. "Don't."
BINABASA MO ANG
I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]
Ficción GeneralIsland Series #2 [Too many unanswered scenes. Will edit and add up chapters soon.] -completed- I lost a memorable memories, I forgot how to be happy, how pain's felt. And forgot to love. It was hidden, not until I was inloved. There's a certain time...