.18

169 55 12
                                    

.-.













Kitang-kita ko ang mga luha sa mga mata ng ina ni Caleb. Napalunok ako at mabilis na tumalikod at isinakay si Addy sa cart wheel at mabilis na naglakad at itinulak iyon papaalis.

Hanggang sa bumagsak ang mga pyramid stock na mga tissue sa gitna at ako ang nakasabal. Mariin kong naipikit ang mga mata ko dahil ramdam ko ang mga matang nakamasid sa'kin. Agaran namang lumapit sa'kin ang mga staff at tinulungan akong ayusin ulit ang tissues...

"I'm sorry, kung may nasira-"

"Ako ang magbabayad..." natigil ako at napabalikwas ng tingin sa likod ko at nagugulat na tumingin kay Caleb. Marahas akong umiling at tumingin ulit sa sales lady.

Itinuro ko ang sarili ko at ngumiti. "I'm a nurse, I can pay. Don't worry, tawagan mo lang 'tong number ko." Saka ko iniabot ang calling card ko at kinuha ang mga paper bag at hinawakan si Addy at naglakad na palabas ng supermarket.

"Dem..." mas binilisan ko ang paglalakad ko habang naghahanap ng taxi dahil nakasunod si Caleb sa likod ko. "Demi, please. Dem!"

Napaharap ako sakaniya at naiiritang ibinato sakaniya ng isang gatas.

"Ano ba!" Naramdaman ko naman ang mga maliliit na kamay ni Addy na niyakap ang beywang ko, mabigat ang paghinga kong tinignan si Caleb. "Ano bang gusto mo?" Nagmamakaawang tingin ko sakaniya habang hinahawakan sa likod ang anak ko.

"I just want to know... if that's mi-"

"Walang sa'yo sa mga bitbit ko, Caleb." Putol ko sakaniya, binasa ko ang labi ko saka marahas na bumuntong hininga.

"Taxi!" Sigaw ko habang taas ang kamay, bahagya akong nagpababa para kargahin si Addy at walang emosyong tumingin kay Caleb. "At kung meron man, inalisan na kita ng pangalan."

Sakto namang pumarada ang taxi at tinulungan ako ni Manong na ipasok ang pinamili ko, minsan pa 'kong tumingin sakaniya bago tuluyang sumakay at isara ang pinto.

Ilang minuto habang nasa byahe ay nakatulog si Addy kaya nagkanda hirap-hirap ako para ibaba siya mula sa sasakyan, pero tumulong si Jack na dumalaw para ibigay ang binili niyang regalo para sa anak ko.

"You two talk?" Tanong niya habang nakasalukbaba sa counter bar at tinitignan akong magluto ng lunch.

Humarap ako sakaniya at itinaas ang kutsilyo at tumango.

"Anong pinag-usapan niyo?" Tumalikdo ako at bumuntong hininga saka itinuloy ang paghiwa ng kamatis.

"Basta. Teka nga, hoy Jack. Hindi ba dapat nasa airport ka para sunduin si Miquel?" Napatingin naman siya sa orasan at napangiti ng hindi ko alam ang dahilan.

"Ohhh, yes. Bye!" Dali-dali siyang lumabas, at ilang minuto palang ay narinig ko na ang sasakyan na paalis. Sakto namang ngumulyak si Addy na nagising sa taas.

Hinina ko ang kalan saka naghugas ng kamay at umakyat sa taas. Nakangiti kong pinasok ang kwarto at agad siyang kiniliti para magising ang diwa niya. Binuhat ko siya at tatawa-tawang bumababa para balikanan ang niluluto ko. Ipinatong ko siya sa bar counter at ako naman ay tinapos ang pagkain dahil ilang oras lang ay nandito na sina Mama.



Nang matapos maligo ay agad kong kinuha ang cellphone ko para icheck ang mga notifications, lahat ng 'yon ang galing sa mga kaibigan ko na nagsesend ng picture sa opening ng resto. Pati rin si Kuya, kinukumusta si Addy.

:bobo calling~

"Hmm?" Bungad ko kay Nikolle.

"Tangina, kausap lang namin si Caleb dito, tapos biglang naglaho." Napasimangot ako at napailing dahil sa sinabi niya.

I Can't Let You Go (#2) [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon