Prologue

8.9K 152 7
                                    

Caleb’s Point of View

Prente akong nakaupo sa sofa rito sa sala ng bahay namin habang nagbabasa ng isa sa mga paborito kong libro ngayon, ngunit bigla akong napahinto sa pagbabasa nang biglang may kumatok sa pinto, ‘Knock!’ ‘Knock!’ ‘Knock!’, senyales na merong tao sa labas.

Kaya naman agad kong inilagay sa lamesita ang binabasa kong libro at dali-daling tumayo, ngunit bago ako naglakad patungo sa pinto ay napaisip muna ako...

‘Sino kaya ‘to? Sa pagkakaalam ko wala naman akong inimbita na pumunta rito sa bahay, a’. Wala rin naman kaming gagawin na projects or thesis upang pumunta rito ang mga kaklase ko. Imposible rin naman sina Tatay at Jefferson ang kumatok dahil alam ko naman na kakaalis palang nila upang pumunta sa Mall, at saka merong sariling susi si Tatay kaya naman hindi na nila kailangang kumatok pa.’ Takang mga tanong ko sa sarili ko.

Pero parang impossible kasi ang iniisip kong si Bryan ang pumunta, ‘e. Kasi naman kakapunta palang niya kahapon dito, inimbita pa nga siya ni Tatay dito, ‘e. Ngunit, minsan kasi g*go rin si Bryan;  minsan bigla-bigla nalang siyang pumupunta rito na wala man lang message o kahit anong sign.

Mga ilang sandali pa ay bigla naman akong nabalik sa ulirat nang muli na naman kumatok kung sino man ‘to, ‘Knock!’ ‘Knock!’ ‘Knock!’. Ngunit tanging si Bryan lang talaga ang naiisip kong pwedeng pumunta, kaya naman naglakad na ako patungo sa pinto. Nang marating ko na ang pinto ay agad ko na ‘tong binuksan at agad sumigaw...

“Ikaw, Bryan, sinabi ko naman sa‘yo na mag-message ka muna bago ka pumunta rit...” Biglang napatikom ang aking bibig nang makita ko ang taong kumakatok; hindi ‘to si Bryan, hindi rin naman ‘to isa sa mga kaklase ko, dahil ang taong ‘to ay walang iba kundi ang lalaking nanakit sa‘kin; Si Jerald Marlon.

“C-Caleb...” Malungkot niyang tawag sa pangalan ko.

Tinignan ko naman ‘to sa kaniyang mga mata at kita ko roon ang sakit. Tila kakagaling niya lang din sa pag-iyak sapagkat nababakas sa kaniyang mga mata ang pula at pamamaga. Ngunit, kahit na ganoon ang nakikita ko sa kaniya ay hindi pa rin ako maawa’t hinding-hindi ako maawa sa kaniya.

“Anong ginawa mo rito?” Monotonous kong saad sa kaniya habang binibigyan ‘to ng blankong tingin.

Nabigla naman ako nang bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang dalawa kong kamay, kasabay nito ay ang kaniyang pagluhod at pag-tingin niya sa‘king mga mata...

“C-Caleb, please... F-Forgive me; forgive me for hurting and leaving you that day, dahil hindi ko naman intend na gawin ang bagay na ‘yun sa‘yo, ‘e." Umiiyak na saad nito na dahilan upang mapatawa ako nang sarkisto.

“Alam mo ba ang sinasabi mo, Jerald? Alam mo ba ang lumalabas sa bibig mo? Sure ka ba sa mga sinasabi mo? Sabihin mo nga sa‘kin ulit na hindi mo intensyong saktan at iwan ako! T*ngina, Jerald, naaalala mo ba ang sinabi mo sa‘kin noon, huh?! Naalala mo ba?!”

—Flashback—

Naglalakad kami ngayon papunta sa parking lot ng company niya.

“J-Jerald, please, ‘wag mo akong iwan. Kailangan kita sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Jerald, please...” Humahagulgol kong pagmamakaawa sa kaniya habang hawak-hawak ang braso nito upang pigilan sa kaniyang pag-alis.

Tila naman hindi ako nito naririnig at patuloy lang ‘to sa kaniyang paglakad.

Nang makarating na kami sa parking lot kung saan nakapwesto ang kaniyang kotse ay huminto na kami sa paglalakad, kasabay naman nito ang pagasiwas niya sa kaniyang braso na hawak-hawak ko na dahilan upang matumba ako sa sahig.

Nakaramadam naman ako ng sakit ng katawan dahil sa pagkakatumba ko, ngunit hindi ko nalang pinansin pa ‘yon sapagkat hindi pa rin nito matutumbasan ang sakit na aking nadarama dahil sa gagawing pagiwan sa‘kin ngayon ni Jerald.

“Caleb, enough! Hindi na kita mahal, at kung kailangan mo talaga ako sa buhay mo, pwes ako ay hindi na kita kailangan!” Galit na sigaw nito sa‘kin sabay sakay sa kaniya kotse.

Dali-dali naman akong napatayo mula sa aking pagkakatumba upang pigilan ‘to. Ngunit huli na ang lahat, sapagkat napaandar na nito ang makina ng kaniyang kotse sabay karipas ng takbo.

Ako naman ay napaluhod nalang sa sahig at lalong napahagulgol habang tinitignan ang pagalis ng taong mahal ko.

“J-Jerald, please... D-Don’t leave me...”

Napapatingin naman sa‘kin ang mga employees na napapadaan sa‘kin. May naririnig akong mga bumubulong, mga pagtawa at iba’t-iba pang mga uri ng panghuhusga. Ngunit, pinabayaan ko na lamang ang mga ito’t hindi nagpa-apekto sa kanila, bagkus pinagpatuloy ko nalang ang aking pagiyak.

—End of Flashback—

“Kaya naman ‘wag mong ipamukha o sabihin sa‘kin na hindi mo intensyong saktan at iwan a-ako! Dahil kung hindi mo talaga intensyong saktan at iwan ako ay dapat noon palang ay hindi mo na ako iniwan! Lalo na nang nagmamakaawa ako!" Galit na sigaw ko sa kaniya. At dahil hindi ko na mapigilan ang aking emosyon ay bigla nalang bumuhos ang masasagana kong mga luha.

Mga ilang sandali pa ay bigla naman ‘tong napatayo mula sa kaniyang pagkakaluhod sabay tingin sa‘king mga mata habang hawak-hawak pa rin niya ang dalawa kong kamay.

“C-Caleb, alam kong mali ang ginawa ko noon, at sobra ang pagsisi ko na iniwan kita. Kaya naman ngayon, lumalapit at humihingi ako ng tawad sa‘yo, s-sorry... Sana mapatawad mo ako, my Precious.” Pagmamakaawa nito habang humahagulgol.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong nakaramdam ng inis, kaya naman, agad-agad kong tinanggal ang mga kamay nito mula sa pagkakawak sa mga kamay ko sabay tulak sa kaniya na dahilan upang mapatumba ‘to sa sahig, nakita ko naman ‘tong napangiwi dahil sa ginawa ko, ngunit hindi ko na lamang ‘to pinansin.

Serves your right, Jerald. Ganiyan din ang naramdaman ko nang inasiwas mo ang brasong hawak-hawak ko na dahilan upang mapatumba rin ako.

“H-Hindi ganoon kadali ‘yang hinihingi mo, Jerald. Ang kapatawaran na hinihingi mo ay sobrang hirap ibigay, lalo na kung ang taong mahal na mahal mo noon ang humihingi sa‘yo ng kapatawaran dahil sa kaniyang maling ginawa.” Humahagulgol kong sigaw sa kaniya.

Ano sa tingin niya, ganoon-ganoon nalang ang ginawa niyang pananakit at pagiwan sa‘kin? Pagkatapos niya akong iwan at saktan noon tapos ngayon babalik at hihingi siya ng tawad?!

Bigla naman akong napatingin sa may gate namin nang biglang may magsalita: si Tatay habang hawak-hawak sa kaniyang kaliwang kamay si Jefferson, nasa likod naman nila si Bryan na hawak-hawak naman ang mga groceries na pinamili nila.

‘Kasama nila si Bryan? Bakit nila kasama si Bryan?’ Mga tanong na umiikot sa isipan ko. 

“May dahilan, Caleb, kaya ka niya iniwan.” Seryosong saad sa‘kin ni Tatay sabay lapit kay Jerald upang tulungan itong makatayo  mula sa kaniyang pagkakatumba, ang anak ko naman pati si Bryan ay nagtungo sa kinaroroonan ko.

“Mommy!” Masiglang saad sa‘kin ni Jefferson sabay yakap sa aking mga binti, halatang hindi niya alam kung ano nangyayari, pero mabuti na rin ‘yon dahil bata pa siya, baka ito pa ang way para matrauma siya. 

Si Bryan naman ay nakakunot noong tumabi sa gilid ko habang pinagmamasdan niya si Jerarld na ngayon ay nakatayo na, ngunit inaalalayan pa rin ‘to ni Tatay. Mukhang napalakas hata ang tulak ko sa kaniya kanina, pero wala pa rin akong paki!

Anyway, habang nakatingin ako kay Jerald ay hindi ko mapigilan mapaisip dahil sa sinabi ni Tatay kanina, hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya sa sinabi nito na nagbibigay sa‘kin ng pala-isipan, lalo na ang salitang dahilan.

‘Ano ang dahilan na tinutukoy niya? At anong klasing dahilan ‘yon? May alam ba siya na hindi ko alam simula noon; nang iniwan ako ni Jerald?’ Naguguluhang mga tanong ko sa sarili ko.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now