31

648 38 5
                                    

Caleb’s Point of View

Hindi talaga ako mapaniwala hanggang ngayon, ultimong pag-subo ko nalang ng pagkain ko ay hindi pa rin mawari nang aking isipan na nagkita na kami ngayon.

“Anyways, Tito, this is Cal…” Hindi natapos ni Bryan ang pagpapakilala niya sa akin nang biglang magsalita ang nasa harapan ko habang nakatingin ito sa akin ng seryoso.

“I know him already.” Monotonous niyang saad sa amin na dahilan upang lalo akong mamutla. 

Nakita ko naman si Bryan na takang nakatingin sa amin habang palipat-lipat ang baling ng tingin nito. Habang iyong Benjo naman, ay napansin kong nagulat din dahil sa sinabi ng Boss niya, pero saglit lang iyon at nabalik lang ulit ang casual nitong reaction.

Hindi ko alam what his real deal right now. Sasabihin na ba niya na may namagitan sa aming dalawa no‘n, ngayon sa hapag-kainan? O kaya naman sasabihin niyang may anak kami?

“You already know him, Tito?” Takang tanong ni Bryan sa kaharap ko ngayon na sobra kung makatitig sa akin.

Tsk!

“Of course, Yani! Narinig ko kaya name niya kanina, paanong hindi ko siya makikilala? Idagdag mo pa iyang student’s ID na suot-suot niya,” saad nito habang tumatawa ng peke na agad naman tinawanan ni Bryan.

Ako naman ay hindi nalang pinansin ang sinabi nito at pinagpatuloy nalang ang pagkain ko. Pero if ganoon ang sagot niya, it means kinalimutan niya na talaga ako ‘no. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong nasaktan sa sagot nito, siguro dahil mahal ko pa siya? Hindi ko alam!

Pinagpatuloy nila ang pag-uusap, ako naman ay hindi nalang sila pinapansin at patuloy ko na lang kinakain ang pagkaing nasa harapan ko. Napansin ko rin na ganoon din ang ginagawa ni Benjo — sobrang out of place namin. Lalo na’t hindi naman ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nila. At saka, ayaw ko rin siyang maka-usap, baka ano pang masabi ko sa kaniya, kaya naman mananahimik nalang ako.

Nang matapos na akong kumain ay agad na akong tumayo, sabay-sabay naman ang mga itong napatingin sa akin nang may pagtataka,

“Where do you think you‘re going?” Biglang tanong sa akin ng nasa harapan ko — si Jerald, using his monotonous voice. Napataas naman ako ng kilay sa kaniya dahil sa tanong niya sa akin.

“Restroom,” plain kong saad sa kaniya sabay lakad papunta sa pinto palabas sa kwartong ito.

Actually, hindi naman talaga ako pupunta sa restroom, gusto ko lang talagang lumabas. Wondering na may rooftop sa building na ito para naman doon muna ako magtambay pansamantala, gusto ko kasing makalanghap at makaramdam ng sariwang hangin. Sobrang bigat kasi ng atmosphere rito sa loob.

“Merong restroom dito sa loob, you don‘t need to go out.” May diin nitong saad sa akin na dahilan upang mapahinto ako. Humarap naman ako sa kaniya ng may buong tapang, “Gusto ko sa labas,” saad ko sa kaniya at pinagpatuloy ang paglalakad.

Nang makalabas na ako sa kwartong iyon ay roon ko lang naramdaman ang totoong paghinga — biglang naging maluwalas ang aking paghinga, ang sikip-sikip kasi sa loob lalo na’t panay rin ang tingin sa akin ng lalakeng iyon.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa elevator, sana talaga merong rooftop dito. At habang naglalakad ako ay bigla akong nakakita ng isang magandang babae na papalapit sa akin, and I think she’s one of the employees here. Naka-ponytail ang buhok niya habang may hawak-hawak na mga papers.

Magtanong kaya ako sa kaniya kung may rooftop dito sa building? Para naman kahit papaano ay hindi na ako mapagod sa kakalakad kung wala man, at saka para na rin daretso labas na ako kung wala man rooftop dito.

Sinalubong ko siya, “Hi! Good evening po, Miss. Miss, tanong ko lang po sana kung may rooftop dito?” Tanong ko sa kaniya at saka ngumiti nang nag-aalinlangan. Huminto naman ito sa harapan ko sabay ngiti; ang ganda niya lalo kapag ngumiti siya.

“Yes, meron.”

“Sige po. Thank you!” Pagpapasalamat ko sa kaniya, siya naman ay ngumit’t tumango lang at pinagpatuloy na nito ang kaniyang paglalakad, ako rin naman.

Naglakad na ako patungo sa elevator, at nang makarating na ako roon ay agad na akong pumasok at tahimik na pinindot ang top floor, mabuti nalang ako lang mag-isa rito sa loob. Nang malapit nang magsara ang pinto ng elevator ay biglang may humarang na kamay rito na dahilan upang bumukas itong muli, at bumungad naman sa akin si Benjo.

If you guys wondering bakit ko alam ang pangalan niya ay dahil narinig ko si Jerald kanina na tinawag siyang Benjo. Hindi naman sa tsismosa, narinig lang talaga.

“Hi!” Nakangiting pagpasok nito sabay tabi sa akin; sobrang dikit, kaya naman agad akong umusog papalayo ng konti sabay ngiti sa kaniya,

“Hello,” tugon ko naman sa kaniya na dahilan upang lumawak ang ngiting nakaguhit sa kaniyang labi sabay patong ng kaniyang kamay sa aking ulo, nagulat naman ako sa ginawa nito kaya naman napa-atras ako ng konti.

Masiyado na ba kaming close para guluhin niya ang buhok ko? Or mag-kaibigan na ba kami para gawin niya sa akin ang bagay na iyon?

“Sorry, hindi ko alam na magugulatin ka pala. By the way, I‘m Benjo; Benjo Marquez. Sir Jerlad’s Secretary.” Nakangiting saad nito sabay abot sa akin ng kaniyang kanang kamay, agad naman akong nakipag-shake-hands sa kaniya,

“Okay lang, hindi lang ako sanay. I‘m Caleb, by the way; Caleb Monterey.” Nakangiti ko ring saad sa kaniya at agad binitawan ang kamay nito, mukhang ayaw niya nang bitawan eh.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa lalakeng ito, sobrang weird niya kasi. Lalo na ngayon, panay na naman ang tingin niya sa akin, tapos kapag ibabaling ko ang tingin ko sa kaniya ay bigla-bigla nalang siyang ngingiti na parang isang baliw. Napapatingin nalang talaga ako sa reflection ko sa salamin kung mukha akong clown para ngumiti siya.

Hayst! So weird.

“Is he your boyfriend?” Out of nowhere bigla niyang natanong ang bagay na iyon, kaya naman agad akong napatingin sa kaniya nang may pagtataka.

“Who? Bryan?”

“Yeah,” simpleng saad nito sa akin. Seryoso na rin siya ngayon, hindi na siya katulad nang kanina na sobra kung makangiti na tila bang nanalo sa lotto.

“No. Hindi ko siya boyfriend, kaibigan ko siya and at the same time, he‘s my suitor,” saad ko sa kaniya, napatango naman ito sa sagot ko.

“Kung hindi mo siya boyfriend, ba‘t kung maka-asta siya ay parang boyfriend ka niya?” Seryosong tanong nito sa akin.

Hindi na ako naka-imik pa sa tanong nito dahil ayaw ko rin naman sagutin ang tanong niya. Siguro dahil ganoon lang maka-asta si Bryan sa akin ay dahil manliligaw ko siya, pinapakita niya lang siguro na karapat-dapat siya para sa akin. That’s it. Pero ang tanong, ba‘t niya biglang natanong ang bagay na iyon? Hayst!

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now