12

849 61 3
                                    

Caleb’s Point of View

“Bryan, maraming-maraming salamat talaga dahil nagenjoy ako; kami ni Tatay at ang anak kong si Jefferson.” Nakangiti kong pagpapasalamat sa kaniya. Napangiti naman ‘to sabay gulo sa aking buhok.

“You’re always welcome, my Caleb. At saka, masaya nga ako dahil nagenjoy kayo, lalo na ikaw... E-Even though hindi tayo nagcelebrate ng anniversary natin na tayong dalawa lang, pero masaya pa rin ako dahil naka-bonding at nakasama ko ang pamilya mo. At saka, sa susunod na tayo mag-celebrate na tayong dalawa lang kaya naman no worries.” Saad nito then he smiled genuinely.

Nandito kami ngayon sa may waiting shed, 10:30 PM na nang gabi at kakauwi palang namin galing sa Park, well, kumain muna kasi kami sa isang resto kaya naman natagalan kami sa paguwi.

Pero kanina, may napapansin akong kakaiba. Hindi ko alam kung naglalaro na naman ba si Tatay o sadiyang nago-overthink lang talaga ako? Pero kasi, simula nang matapos ang pagsakay namin sa Carousel ay hindi niya na ako pinansin at tuloy-tuloy na ‘yon hanggang sa paguwi namin ngayon.

Gusto ko man siyang kausapin kung ano ba ang dahilan kung bakit hindi niya ako pinapansin? O kaya naman kung may problema ba siya kaya naman ‘di niya ako magawang pansinin? Ngunit hindi ko kaya; hindi ko kaya kasi natatakot ako; natatakot akong wala naman palang problema o dahilan kung bakit hindi niya ako pinapansin kasi busy lang talaga siya sa pagasikaso sa anak ko na dahilan upang mapuna na naman ako. Pero kasi, iba ang iniisip ng isip ko, ‘e. Tila bang may nagawa akong kasalanan na ikinagalit niya... Argh! Hindi ko na alam!

Anyway, nang makauwi kami rito ay una nang bumaba sa kotse si Tatay habang buhat-buhat ang tulog mantika kong anak; napagod hata ng sobra. Ngunit bago siya nagtungo sa bahay namin ay hindi niya kinalimutang pasalamatan muna si Bryan dahil sa mga nangyari ngayon, akala ko nga this time papansinin niya na ako, but I was wrong dahil ni-isang tingin ay hindi niya magawang ibigay. T*ngina! Sakit!

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang makaramadam ako ng mabasa-basa, malambot, at mabangong bagay na nakadikit sa aking labi. At napalaki nalang ang mga mata ko nang makita kong hinahalikan na pala ako ni Bryan.

‘T*ngina, anong ginagawa niya? Hindi niya ba alam na malapit lang ang bahay namin? At may posibilidad na makita kami ng Tatay ko? Hindi ba siya natatakot?’ Naguguluhang mga tanong ko sa sarili.

Hindi ako humahalik ng pabalik sa kaniya. Tanging gusto ko lang lumayo, gusto kong kumalas, gusto kong itulak si Bryan at tumakbo palayo mula sa kaniya. Gusto kong gawin lahat ang mga bagay na ‘yun sa kaniya, ngunit hindi ko magawa, tila bang isa akong estatuwa sapagkat hindi ako makagalaw.

Alam kong pangalawang halik na ni Bryan ito sa‘kin, ngunit hindi ko alam kung bakit? Pero parang ayaw ko ang halik niya ngunit gusto ko. T*ngina! Ewan, ang gulo!

Mga ilang sandali pa ay tinanggal na rin nito ang pagkakahalik niya sa‘kin, nararamdaman ko na rin kasi na nawawalan na rin ito ng paghinga; kagaya ko.

“I-I’m sorry, nadala lang ako sa mga sinabi ko sa‘yo, sadiyang masaya lang talaga ako kaya naman hindi ko napigilang halikan ka.” Saad nito habang tumatawa ng mahina. Napapakamot pa ‘to sa kaniyang ulo.

Ako naman ay napakunot nalang ang aking noo nang marinig ko ang sinabi nito. Mayroon siyang sinasabi sa‘kin simula kanina? Bakit hindi ko narinig ang mga sinabi niya? Ganoon na ba talaga ako ka-lutang dahil sa kakaisip sa mga nangyari kanina?!

“N-No, it’s okay.” Umiiling kong saad sa kaniya habang tumatawa awkwardly na dahilan upang mapangiti ‘to.

“Anyways, it’s pretty late already. So, I gotta go now? Mag-memessage nalang ako sa‘yo kapag nakauwi na ako, okay?” Pagpapaalam nito na agad ko naman tinanguan.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now