26

806 48 2
                                    

Jerald’s Point of View

“Argh! My f*cking head! It hurts” I groaned habang minamasahe ang aking sintido, kasabay rin nito ang pag-upo ko mula sa aking higaan. Napatingin naman ako sa aking kwarto at napansing malinis na, wala na rin ang mga pinag-inuman namin kagabi ni Benjo, na ikinangiti ko.

Agad kong hinanap ang phone ko and I checked the time; it’s 4:32 in the morning, “Ang aga pa pala...” bulong ko sabay buntong-hininga.

Napag-desisiyonan kong lumabas upang mag lakad-lakad sa labas para naman kahit papaano makalanghap ako ng sariwang hangin, kaya naman, tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa aking higaan at deretso sa restroom upang mag-hilamos.

Pagkatapos niyon ay lumabas na ako mula sa restroom at nagbihis na. I just wore my gray tight hoodie for the top, black jogging pants, and no label white rubber shoes for the bottom. Kinuha ko rin ang black airpods ko para naman hindi ako mainip sa kakalakad.

Mga ilang sandali pa ay umalis na rin ako sa kwartong iyon at nagsimula nang maglakad sa hallway. At habang naglalakad ako ay mayroon akong nakakasalubong na mga babaeng dumadaan, and they‘re looking at me like they wanna eat me right now, and it makes my eyes rolled because of their flirty but disgusting looks, such a whore things.

“Ang hot at gwapo niya!”

“I know right, parang ang sarap niyang kainin. I think malaki rin ang kargada niya, kasi sobrang laki niyang tao ‘e.”

“I agree!”

Mga narinig kong bulungan nila nang malampasan ko ang mga ‘to, “Tsk! Nagbulungan pa kung maririnig ko rin naman.” I whispered with disgust. Well, totoo naman ang mga sinabi ng mga ‘to but I’m just gonna ignore them.

Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad hanggang makalabas sa hotel building. Nagsimula na akong maglakad at lumiko ako pa-kanan; sinimulan ko na rin mag-jogging habang tumitingin sa kapaligiran.

Ang daming mga ilaw bawat side ng daan, konti lang din ang mga tao rito at mga dumadaan na sasakiyan. Sabagay, sobrang aga pa naman, kaya naman halos mga pumapasok sa trabaho ng ganitong oras at mga drivers lang ng mga vehicles for transportation ang mga gising ngayon.

Habang nag-jojogging ako, bigla akong napaisip tungkol sa tinutukoy ni Benjo na gay kung saan na-love at first daw siya. Kung sino man ang gay na iyon, ay sobrang swerte niya kapag nakilala niya si Benjo, kasi halos na kay Benjo na ang lahat na hinahanap ng isang babae or gay should I say.

Hayst, na-iimagine ko ang sarili ko kay Benjo nang mga panahong iyon, panahon namin ni Caleb.

I missed and miss him so much. Hindi ko pa rin maiitanggi sa sarili ko na sobrang mahal ko pa rin siya. Sobrang tagal na nang panahon simula nang iniwan ko siya, at pinag-sisisihan ko til now ang pag-iwan sa kaniya at pagsunod sa desisyong iyon.

Mga ilang sandali pa, bigla nalang akong napatigil sa pagtakbo nang mapansin kong napalayo na ako sa hotel nina Hunter at Louise. Napabuntong-hininga na lamang ako, siguro dahil sa aking pag-iisip ay hindi ko napansin ang daan na aking tinatakbuhan.

Agad kong pinagmasdan ang kapaligiran, konti lang ang mga bahay rito na tila bang isang barangay o compound ang napasukan ko, “Saan kaya ito?” Mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ko pa rin ang kapaligiran.

Mga ilang saglit pa ay meron akong nakitang matandang babae na papalapit sa direksiyon ko, kaya naman agad ko itong sinalubong,

“Ahm... Good morning po. Pwede po bang magtanong kung saang parte ng Tarlac ako ngayon?” Mahinahong saad ko sa matanda. Bigla naman napakunot ang aking noo nang bigla niya akong tignan mula sa paa hanggang ulo na tila bang sinusuri ako nito.

Katapos niya akong suriin ay biglang gumuhit sa kaniyang labi ang matamis na ngiti, at matamis din nitong pagtawa, “Nasa San Juan Bautista, Tarlac tayo iho. Dayo ka ba rito?” takang tanong nito.

“Maraming salamat. At opo, dayo po ako rito,” saad ko habang nakangiti ng nag-aalinlangan. Tumango naman ito at lalong ngumiti sa akin.

“Napakagwapo mo naman iho. O siya, ako’y mauuna na. Mag-ingat ka rito iho, maraming mga masasamang tao rito. Dayo ka pa man din, baka ikaw ang pagdiskitahan nila.” Babala nito sa akin habang nakangiti sabay tapik sa aking braso at nagsimula nang maglakad patungo sa pupuntahan niyang direksiyon.

“Noted po. Maraming salamat! Ingat din po kayo!” Pahabol kong pasasalamat sa kaniya.

It’s my first time encountering that kind of person. Her genuine smile makes me smile. Hindi rin siya naging uncomfortable sa akin even tho dayo lang ako rito and mostly ngayon niya lang ako nakilala’t nakausap. Some people kasi, they will gonna ignore me or the someone who’s asking for help sa mga ganitong uri ng sitwasyon.

Mga ilang sandali pa, napag-desisiyonan ko ng maglakad muli. Tinext ko na rin si Benjo na kung maaari ay sunduin niya ako rito. Sinubukan ko rin ‘tong tawagan pero ringing lang ang phone niya, siguro’y mahimbing pa ang tulog nito.

It’s already 6:45 in the morning. Habang naglalakad ako ay may bigla akong napansin na pamilyar na sasakiyan na papunta sa direksiyon ko, at habang papalapit itong papalapit I realized that kilala ko kung sino ang may ari ng sasakiyan na ‘to; ang pamangkin ko, kaya naman agad ko ‘tong pinahinto.

Nang makahinto na ‘to sa pwesto ko ay agad nitong binaba ang bintana ng kaniyang sasakiyan, “Pare, anong problema mo huh?!” Nakakunot-kilay nitong saad sa akin habang bakas sa kaniyang boses ang pagkairita.

Napatawa naman ako ng mahina dahil sa inasal nito, ganoon na ba talaga ako kagwapo para makalimutan ako ng pamangkin kong ‘to or hindi niya lang talaga ako namumukhaan?

“Hoy, Yani! What the heck?! Sumobra na ba ako sa pagkagwapo upang kalimutan mo ang kaisa-isahang uncle Jerald mo, huh?!” Taas-kilay kong saad sa kaniya habang tumatawa ng mahina.

Lalo naman kumunot ang noo’t kilay nito na tila bang litong-lito, “What?!” Gulat na gulat na saad nito sabay baba sa kaniyang kotse, “Tito Jerald, is that you?” tanong pa nito na agad ko naman tinanguan.

Gumuhit naman ang isang malaking ngiti sa labi nito at dali-dali ako nitong niyakap. Niyakap ko naman ‘to ng pabalik.

“I miss you so much, Tito! Kailan ka pa rito? Ba’t ‘di mo agad sinabi sa akin na narito ka pala? Btw, what are you doing here?” Sunod-sunod na tanong nito sabay kalas sa yakap namin. Agad ko naman itong sinapak ng mahina na dahilan upang mapa-daing ‘to.

“Ouch!” Daing niya habang hinihimas niya ang kaniya ulo kung saan ko siya sinapak. Nakatingin din ito ng masama sa akin na dahilan upang mapatawa ako ng mahina.

“Sobrang dami mo kasing tanong ‘e. Mamaya ko na iyan sasagutin. Tara, magkape tayo? Saan ba ang malapit na coffee shop dito?” Nakangiti kong saad sa kaniya.

Bigla naman ‘tong napangiti ng may pag-aalinlangan sabay kamot sa kaniyang batok na dahilan upang mapakunot ang aking noo, “May problema ba?” Tanong ko sa kaniya.

“Tito, pwede po bang reschedule nalang po natin iyan? Mamaya po? Kasi may pupuntanan po ako now. Susunduin ko po ang soon-to-be my girlfriend.” Nahihiyang saad nito na dahilan upang mapangiti ako at the same time tignan ‘to ng nakakalokong-tingin.

“Okay then, let’s meet later. Puntahan mo na iyan. Iba ka talaga, Yani!” Natatawang saad ko sa kaniya. Bigla naman ako nitong tinignan ng nakakamatay na tingin na dahilan upang mapatawa ako lalo.

“Tito naman! I’m too old to call me Yani.” Nagdadabog na saad nito sabay pasok sa kaniyang kotse. Hayst, ‘di pa rin talaga mawawala ang pagka-childish niya.

“Mag-ingat ka!” Natatawang saad ko sa kaniya, pero ang t*ngina, inirapan lang ako sabay karipas ng andar sa kaniyang kotse patungo sa pupuntanan niya.

Napailing na lamang ako dahil sa inasal nito. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad, at mga ilang saglit lang ay biglang nagtext si Benjo na papunta na raw siya, humingi rin ‘to ng pasensya kung ba’t ngayon lang ang response niya.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now