6

1.1K 81 10
                                    

Caleb’s Point of View

“Actually po, ang relasyon po namin ni Caleb, is...”

Napapikit nalang ako at pinapanalangin na hindi niya sabihin ang totoo. Hindi pa ako handa, at hindi pa ako nakahanda para sa revelation na ‘to.

“M-Mag-kaklase lang po kami. Opo, magkaklase po kami. At saka, ngayon lang po kami nagkasama kasi bigla siyang pinahatid sa‘kin ng isa sa mga profs namin, bigla po kasing natumba si Caleb kanina.” Pagsisingualing ni Bryan na dahilan upang mapamulat ako’t mapatingin sa kaniya.

Malungkot na mga mata at mapait na ngiti naman ang nakaguhit sa kaniyang labi ang bumungad sa‘kin nang hinarap ko ‘to na dahilan upang mapaiwas ako ng tingin bagkus humarap nalang muli ako sa kinakain ko.

Alam kong nasasaktan na si Bryan at lalo pa siyang nasasaktan dahil sa kagagawan ko, ngunit hindi ko naman alam kung anong gagawin ko kung sinabi o sasabihin niya ang totoo.

Pagkatapos sabihin ni Bryan ‘yon ay hindi na muli ito nagsalita kahit na meron pang mga katanungan si Tatay, siguro nakalimutan niya dahil sa kaba. Si Tatay naman ay hindi ko na rin narinig ang pagkomento niya sa sinabi ni Bryan.

Mga ilang sandali pa ay natapos na rin kaming kumain...

“Maraming salamat po sa pagimibita sa‘kin, Manong?” Pagpapasalamat ni Bryan kay Tatay, ngunit napahinto ‘to sa bandang Manong, tila hinihintay hata niya ang pagsagot ni Tatay tungkol sa pangalan niya.

“Fernanando o mas kilalang Fernan.” Monotonous na saad ni Tatay sabay tayo't lapit kay Jefferson.

“Maraming salamat po muli, Manong Fernan.” Nakangiting pagpapasalamat muli ni Bryan kay Tatay, ngunit hindi pinansin ni Tatay ang muling pagpapasalamat nito, bagkus ay inasikaso nalang nito ang anak ko.

Ako naman ay sinimulan nang ligpitin ang mga pinagkainan namin, ngunit bigla akong napahinto nang biglang magsalita si Tatay na dahilan upang mapaharap ako sa kaniya...

“Caleb, mamaya mo na gawin ‘yan. Ihatid mo na muna ang kaklase mo sa may kalsada kung saan naka-park ang kotse niya para makauwi na siya. Gabi na’t baka mapano pa ‘yan, delikado na.” Seryosong saad nito habang inaasikaso niya ang anak ko.

“Sige po, Tay.”

“Bry, tara na.” Nakangiting saad ko kay Bryan na agad naman niyang tinanguan.

“Una na po ako, Manong.”

Naglakad na kami papunta sa sala upang kunin ang nga gamit niya. Nang makarating na kami sa sala ay agad kong kinuha ang bag niya’t inabot sa kaniya na agad niya naman kinuha.

Pagkatapos non ay lumabas na kami sa bahay at naglakad patungo sa waiting shed kung saan naka-park ang kotse niya.

Tahimik lang kaming naglalakad, tanging mga ingay lang ng mga insekto sa kapaligiran at mga sapatos namin ang naririnig namin, ngunit kahit na ganoon ay may nararamdaman pa rin ako na tila bang may gustong sabihin sa‘kin si Bryan, hindi kasi ‘to mapakali’t panay pa ang galaw.

“Kung may gusto kang sabihin, ay sabihin mo na. Hindi ‘yung para kang bulate na nilagyan ng asin.” Mahinahong saad ko sa kaniya.

“What should I say? Wala naman akong gustong sabihin, sadiyang may insekto lang talagang dumadapo sa katawan ko kaya naman napapagalaw ako ng ganito.” Simpleng saad naman nito na hindi ko pinaniniwalaan.

Alam kong nagsisinungualing lang siya, napaka-impossible kasi ang sinabi nito, dahil sa‘kin nga walang dumadapong mga insekto, tapos sa kaniya meron? At saka, alam ko naman may sasabihin siya, hindi ko lang alam kung tungkol saan ‘yun.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now