3

1.3K 93 4
                                    

Bryan’s Point of View

Habang naglalakad ako papunta sa Engineering Building namin ay hindi ko mapigilang mapangiti sapagkat bukas na ang pagiging isang taon kong panliligaw kay Caleb.

Ngunit kahit mag-iisang taon na ang panliligaw ko kaniya ay mapasahanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako sinasagot at mapasahanggang ngayon din ay pribado pa rin ang panliligaw ko sa kaniya.

Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin ako magtatampo o magagalit, dahil nirerespeto ko pa rin naman ang desisyon nito na maging pribado ang panliligaw ko sa kaniya. At saka, alam ko naman ang sitwasyon niya kaya naman as long as na mahal ko siya, ay maghihintay pa rin ako para makuha ang matamis niyang oo.

“Ano kaya ang ibibigay kong regalo sa kaniya? Paghahanda ko ba siya ng fancy surprise sa isang roof top? Or kakain nalang kami sa labas?” Mahinang bulong ko sa sarili ko.

Argh! Hindi ko alam kung anong ibibigay ko sa kaniya, knowing Caleb ay ayaw niya ang mga regalo dahil baka raw makita ng Tatay niya na may possibility na hindi ko na siya makita.

“Hayst! Mamaya na nga lang ako mag-iisip, basta kung anong binubulong ng puso ko ay ‘yun nalang ang susundin ko.” Mahinang bulong ko ulit sa sarili ko.

Bigla naman akong napatalon sa gulat nang biglang may magsalita mula sa likod ko...

“Ano ba kasi ang iniisip mo? Sabihin mo lang sa‘min para naman matulungan ka namin.”

Kaya naman agad akong napaharap sa likod ko at nakita ko sina Zack at Nick na sobrang pula ng kanilang mga mukha dahil sa pagpipigil ng tawa.

“What the heck, Zack and Nick? Bakit kayo nanggugulat, huh?!” Iritableng saad ko sa kanila na dahilan upang mapatawa na ang mga ‘to dahil hindi na nila napigilan.

“Laugh trip ka, Bryan! Basta kung anong binubulong ng puso ko ay ‘yun nalang ang susundin ko! T*ngina, ang corny mo!” Natatawang saad sa‘kin ni Nick habang ginagaya ang sinabi ko kanina na dahilan upang kumunot ang noo’t magsalubong ang mga kilay ko.

“T*ngina niyo! G*go talaga kayo. Kanina pa kayo nasa likod ko, huh?!” Iritableng tanong ko sa kanila na agad naman nilang tinanguan, hindi kasi makapagsalita ang mga ‘to lalo na’t tawang-tawa pa sila.

“T*ngina talaga kayo!” Inis na sigaw ko sa kanila sabay iwan sa mga ‘to at naglakad na muli papunta sa building namin.

Sina Zack Valdez at Nick Valdez ay mag-kapatid at higit sa lahat ay kambal; identical twin indeed. Si Zack ang matanda sa kanilang dalawa; matanda ng dalawang minuto kay Nick.

Childhood friends ko sina Zack and Nick, ngunit hindi lang basta kaibigan ang turing ko sa kanila, kundi kapatid na rin. Nakilala ko sila nang biglang bumisita ang Mommy nila sa bahay namin at doon ko lang nalaman na ang Mommy pala nila at ang Mommy ko ay mag-kaibigan din slash highschool mate. At doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin.

Mga ilang sandali pa ay bigla akong nabalik sa ulirat nang biglang may umakbay sa magkabila kong gilid. Hindi ko na tinignan pa kung sino ang mga umakbay na ‘yun dahil alam ko naman kung sino ang mga ‘yun; ang kambal.

“Bry, ‘di ba bukas na ang 1st anniversary mo as a manliligaw kay Caleb? At ‘di ba wala ka pang naiiisip na regalo sa kaniya? Meron sana kaming naisip pero baka magalit ka.” Seryosong saad sa‘kin ni Nick na dahilan upang kumunot ang noo ko.

“Ano ba ang naisip niyo, huh? Kung katarantaduhan ang naisip niyo ay magagalit talaga ako, pero kung maganda ang naisip niyo, depende na lang.” Monotonous kong saad sa kanila.

Bigla naman nilang tinanggal ang pagkakaakbay nila sa‘kin sabay hinto sa paglalakad. Kaya naman napahinto na rin ako at hinarap ang mga ‘to ng puno nang pagtataka.

“Bakit kayo huminto?”

“Ahmm, naisip kasi namin para bukas ay pumunta kana sa bahay ni Caleb, tapos sabihin mo na ang totoo sa Tatay niya. Then, kung magiging maganda ang resulta ng ginawa mo pagamin edi mas maganda.” Nag-aalinlangang saad sa‘kin ni Zack na dahilan upang mapabuntong hininga ako.

“O paano naman kung pangit ang resulta? Edi ako ang kawawa? Hindi pa natin kilala ang Tatay ni Caleb; hindi pa natin alam kung anong ugali ang meron siya. Kaya naman ‘wag muna tayong padalos-dalos sa mga desisyon natin. Maganda ang planong ginawa niyo, at nagpapasalamat ako ngunit hintayin nalang natin si Caleb kung anong plano niya.” Seryosong saad ko sa kanila na agad-agad naman nilang tinanguan sabay ngiti ng mapait, nakikita ko rin sa kanilang mga mata ang awa, ngunit hindi ko nalang pinansin pa ‘yun at naglakad nalang muli, naramdaman ko naman na sumunod sila.

Alam ko naman kung bakit nila naisip at napagdesisyonan ang bagay na ‘yun; ang kapakanan ko. Nakikita kasi nila ang sitwasyon ko na nahihirapan na ako sa pagiging pribado bilang pagiging manliligaw ko kay Caleb.

Sa totoo lang, hirap na hirap na ako sa sitwasyon namin ni Caleb. Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na mahal ko siya, ngunit dahil nga pribado ang panliligaw ko sa kaniya ay hindi pwede.

At saka, ako rin naman ang dapat sisihin sa sitwasyon namin dahil sa una palang ay tinanong na ako ni Caleb kung gusto o kakayanin ko ba raw ang pagiging pribado? At agad naman akong sumagot nang oo dahil nga gusto ko rin naman.

Ngunit kahit na ganito ang sitwasyon namin ay kaya ko pa naman maghintay sa tamang panahon sapagkat mahal ko siya.

Mga ilang sandali pa ay bigla akong napaharap muli sa likod namin nang biglang may sumigaw...

“B-Bryan, si C-Caleb inaaway na naman siya ng The Elite...” Hinihingal na sigaw ng isa sa mga kaklase ko na si Jerry, habang tumatakbo papalapit sa‘min.

Nang marinig ko ang sinabi nito ay agad naman akong tumakbo patungo sa building nina Caleb; Education Building. Naramdaman ko naman sa likod ko na sumunod ang kambal, pati na rin si Jerry.

‘T*ngina niyo, The Elite!’ Galit na sigaw ko sa isip ko.

Mga ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa building nina Caleb at nakita ko sa may hallway ay sobrang daming mga tao ang nakapalibot, kaya naman naisip ko na naroon ang gulo.

Kaya naman agad-agad na akong pumunta roon. Pinagtitinginan naman ako ng mga kamag-aral ni Caleb at tila kinikilig pa sila, at mostly sa kanila mga babae at bakla, ngunit hindi ko na lamang sila pinansin at hinawi ko ang mga ‘to upang makadaan ako.

Nang makapasok na ako sa mga nakapalibot na tao ay napakuyom nalang ako ng kamao at tila sinasapian ako ng demoniyo nang makita kong nakatumba si Caleb sa sahig na sobrang daming mga sugat habang nakalagay sa kaniyang ulo ang dalawa niyang mga kamay.

Tumingin naman ako kina Lea na ngayon ay may hawak-hawak na pamalong bakal na handang ipalo kay Caleb, habang ang dalawa niya namang alalay ay nakangisi na parang aso, tila tuwang-tuwa sila sa mangyayari.

Ngunit, bago pa man magawa ni Lea ang binabalak niya ay agad na akong sumigaw na dahilan upang mapatingin sila sa‘kin...

“Itigil niyo ‘yan. Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo, huh?!” Galit na sigaw ko sa kanila.

Bigla naman nabitawan ni Lea ang pamalong bakal at namumutlang nakatingin sa‘kin. At mga ilang sandali lang ay natatarantang lumapit ‘to sa‘kin.

“B-Bryan, siya ang n-nauna. Naglalakad lang kami tapos bigla niya akong sinabunutan.” Umaarteng pagmamakaawa nito na dahilan upang mapatawa ako.

“T*ngina mo! Sa tingin mo paniniwalaan kita, huh?! Lumayas ka nga sa harapan ko at baka masikmuraan pa kita ng wala sa oras!” Saad ko sa kaniya habang binibigyan ‘to ng nakamamatay na tingin na dahilan upang lumayo ‘to ng konti sa‘kin.

Naglakad naman ako patungo kay Caleb na ngayon ay umiiyak na, bigla naman ako nakaramadam ng kirot sa puso nang makita ko ‘tong umiyak. Tila libo-libong mga karayom ang tumutusok sa aking puso ngayon. Sa matagal na panliligaw ko kay Caleb ay ngayon ko palang siya nakitang umiyak.

Nang makalapit na ako sa kaniya ay agad akong lumuhod sabay yakap sa kaniya, mahigpit naman ako nitong niyakap pabalik. At doon ay nagsimula na ‘tong humagulgol.

“B-Bryan...”

“Shhh~ you're safe now.” Mapait kong ngiting saad sa kaniya habang hinihimas ang likuran nito.

‘Caleb, I'm always on your side no matter what. Kaya naman ‘wag kang matakot.’ Bulong ko sa sarili ko sabay halik sa kaniyang ulo.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now