23

697 47 3
                                    

Caleb’s Point of View

“Alam mo bang kanina pa kita hinahanap, huh? Ang aga mo palang umalis sa inyo nang bumalik ako roon sabi ng Tatay mo. Kaya naman agad akong pumunta sa School library nagbabakasakaling nandoon ka, pero wala, ‘e. Mabuti nalang napadaan ako sa mga street foods na ‘yon. At saka, bakit ka nagtitinda, huh? At kailan ka pa natutong nagtinda?!” Inis na saad nito sa‘kin habang papalapit na kami sa parking lot kung saan naka-park ang kotse niya.

Tsk!

“Ano ba, Bryan?! May masama ba sa ginawa ko, huh? Masama bang mag-trabaho? At saka, ngayon lang ako nagtrabaho, Bryan, gusto ko rin kumita ng sarili kong pera!” Iritableng saad ko sa kaniya nang makarating na kami sa kotse niya.

“Oo, wala kang ginawang masama, my Caleb; hindi masama ang ginawa mo. Pero bakit kailangan mo pang mag-trabaho para magka-pera? May pinag-iipunan ka ba? ‘Di ba sapat ‘yung mga binibigay sa‘yo ng Tatay mo?” Saad nito at bakas pa rin sa kaniyang tono ang pagkainis.

Napasalamukot na lamang ako sa mukha at napabuntong-hininga dahil sa pagka-irita sa kaniya. Ito ‘yung part na ayaw ko kay Bryan, para akong nakatali sa kaniya minsan, hindi niya ako pinapayagan sa mga gusto ko. Ngunit kahit na ganoon ay alam ko naman sa sarili ko na kapakanan ko naman ang nakasalalay doon. At alam ko rin na naga-alala lang siya.

“Hayst! Bryan! Look, sapat naman ang mga binibigay ni Tatay sa‘kin pero kasi gusto kong hindi niya na ako intindihin pa; ‘yung pang-tuition ko or sa ‘yung mga personal needs ko. Masiyadong marami na siyang iniintindi, ‘e. Tapos wala pa hata siyang trabaho, hindi ko nga alam kung saan niya nakukuha mga pera namin, ‘e.” Mahinahong kong saad sa kaniya.

Ilang beses ko nang nakitang naghihirap si Tatay dahil sa mga kailangan ko. At kahit nasa legal age na ako, ay wala pa kahit anong trabahong nararanasan, kahit crew lang sa mga fast food chain ay hindi ko na experience, kasi nga ayaw ni Tatay na mag-trabaho ako kahit anong pilit ko pa.

Ngunit kahit na ganoon ay may pinagtataka pa rin ako, hindi ko alam kung may trabaho si Tatay o wala; wala naman kasi siyang binabanggit sa‘kin. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga pera na ginagamit namin pang-araw-araw. Gusto ko sanang mag-tanong sa kaniya ukol dito ngunit natatakot pa rin ako.

“Kung ‘yan lang pala ang problema mo bakit ‘di ka nalang humingi sa‘kin? O kaya naman humiram? Alam mo naman na kahit anong hilingin mo sa‘kin ay pagbibigyan ko, ‘e.” Mahinahong saad nito sabay hawak sa dalawa kong kamay, nagsusumamo rin ang mga mapupungay nitong mga mata.

“Ayoko, Bryan, dahil nahihiya ako sa‘yo. Sobrang dami mo ng ginawa sa‘kin at hindi ko alam kung papaano pa kita masusuklian. Kaya naman ayoko, Bryan. Mas gusto ko pang mag-trabaho para kumita kaysa humingi pa sa‘yo ng pera.” Saad ko sa kaniya habang nakatingin sa mga mata nito.

Ano siya sugar daddy?

“My Caleb, hindi naman ako humihingi ng sukli o kapalit. Ginagawa ko ‘yon dahil mahal kita,” saad nito sabay ngiti, “Mahal na mahal kita. At ayaw kitang nakikitang napapagod, handa akong ibigay lahat sa‘yo. You‘re fragile, my Caleb, you are.”

Biglang nawala ang inis o pagka-iritable na nararamdaman ko sa kaniya, hindi ko alam pero siguro dahil sa mga sinabi niya? Sobrang na-touched kasi ako, ‘e. Ewan, pero feeling ko na naman hindi ko deserve ang pagtrato niya sa‘kin ng ganito, sobra-sobra na kasi, ‘e.

“My Caleb...” Tawag pansin niya sa‘kin kaya namn agad ko itong tinignan sa kaniyang maamong mukha, “Promise me, hindi kana mag-tatrabaho ulit,” seryosong saad niya na agad ko naman tinanguan na dahilan upang mapangiti ito.

Binitawan niya na ang mga kamay ko, at agad ni-unlocked ang kotse niya. Nakangiti ako nitong pinagbuksan ng pinto, ako naman ay dali-dali nang pumasok sabay suot ng seatbelt, baka kasi mangyari na naman ‘yung nakaraan. Pagkatapos niyon ay sinara niya na ang pinto at pumasok na rin sa loob at umupo sa driver seat. Kasabay niyon ay ang pagsuot niya sa kaniyang seat belt at tingin sa‘kin.

Napataas naman ako ng kilay nang bigla itong tumingin sa‘kin ng nakakaloko habang pinagmamasdan nito ang seat belt na nakasuot sa‘kin, napatawa na lamang ito ng mahina sabay harap sa daan at kumaripas na kami patungo sa School, 11:20 AM pa lang naman, 1:30 PM pa ang klase ko, ‘e.

Habang nagbiyabiyahe kami patungo sa school ay agad kong nilabas ang cellphone ko at dinial si Kuya Jepoy; ‘yung may ari ng stall kanina, at ‘yung driver ng tricycle noon na nasakiyan ko. Nahihiya ako sa kaniya, kasi naman kanina lang ako nagapply sa stall nila tapos agad na akong mag-reresign, at wala man lang akong kalahating araw. Hayst!

“Hello, Kuya Jepoy?” Panimula ko, napansin ko naman na simpleng napatingin sa‘kin si Bryan habang nagmamaneho. Siguro, nagtataka siya kung sino ang kausap ko, lalo na’t bago ang pangalan sa tenga niya.

“Caleb, mabuti naman tumawag ka? Ano bang nangyari, huh? Mabuti nalang malapit na ako sa stall kaninang paalis ka na may kasamang lalake, dahil kung hindi ay baka nanakawan na tayo. Sa susunod huwag mo ng gawin ‘yon, ah?” Mahinahong saad ni Kuya Jepoy mula sa kabilang linya, ako naman ay napangiti na lamang ng mapait sabay tango.

“Sorry po, Kuya Jepoy, dahil sa ginawa kong pagiwan, meron lang po kasing urgent errand, ‘e. At saka, Kuya, pasensya na po dahil wala na pong next time, mag-reresign na po kasi ako, pasensya na po talaga, Kuya.” Nahihiyang saad ko sa kaniya habang nakatingin sa labas, narinig ko naman ‘tong napabuntong-hininga.

“Hayst! Okay lang, ‘wag ka ng humingi ng sorry. Anyway, basta tawagan mo lang ako o kaya naman pumunta ka sa stall ko kung gusto mong bumalik, ah?”

Kahit mayroong nangyaring kamalasan ngayon ay sobrang bait niya pa rin sa‘kin. At kahit na nakagawa ako ng pagkakamali ay kinausap niya pa rin ako ng mahinahon. Sobrang rare ni Kuya Jepoy kahit na pangalawang beses ko palang siya nakilala ay sobrang bait niya na sa‘kin.

“Sige po, maraming salamat po, Kuya!”

Pagkatapos niyon ay binaba ko na ang tawag at napabuntong-hininga nalang, “Nagresign na ako.” Mahinang saad ko kay Bryan habang nakatingin pa rin sa daan.

“Mabuti naman kung ganoon. Oo nga pala, tanong ko lang kung kilala mo ba ‘yung lalaki kanina? ‘Yung mayabang mong customer?” Seryosong pagbubukas nito.

“Hindi; hindi ko siya kilala. Dayo raw siya rito, at mukhang hindi pa siya nakakain ng mga tinitinda namin sa stall, kaya naman in-assisted ko siya. Nakakahiya nga, ‘e, lalo na sa ginawa mong pagtrato sa kaniya.” Monotonous kong saad sa kaniya. Bigla ko naman ‘tong narinig na napatawa ng sarkastic.

“Wow, ako pa talaga, huh? Siya nga ‘tong bigla-bigla nalang makikisali sa usapan natin kahit ‘di naman natin siya kilala. Sobrang lakas ng loob niya.”

“Hayst, pabayaan mo nalang.”

Nahihiya at the same time nagpapasalamat ako sa lalaking ‘yun. Kahit hindi ko siya kilala ay still pinagtanggol niya pa rin ako. To be honest, mali talaga ang ginawa ni Bryan kanina, pero alam ko naman sa sarili ko na galit lang siya sa‘kin kaya niya ako nasigawan. Anyway, kahit na ganoon nahihiya pa rin ako sa lalaking ‘yon kasi nadamay pa siya sa gulo namin ni Bryan.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now