14

845 57 3
                                    

Fernan’s Point of View

Minsan dahil sa pagiisip natin sa kapanan o kaligtasan ng ating mga anak ay hindi na natin napapansin na sobra na pala ang pagiging mahigpit natin sa kanila na dahilan upang mag-karoon ang mga ‘to ng hinanakit sa kanilang mga puso dahil sa mga ginagawa natin para sa kanila.

Minsan naman dahil na rin sa kanilang mga masasalimuot na pangyayari sa kanilang mga nakaraan ay nagagawa nating panghinalaan ang mga ‘to dahil sa kanilang mga kilos o gawa.

Pero kaya lang naman natin ginagawa ang mga bagay na ‘yon sapagkat ayaw nating ma-ulit muli ang nangyari sa kanila noon, lalo na’t kung ito’y nagdulot ng sakit at nagiwan ng sugat sa kanilang puso.  

Nandito ako ngayon sa kwarto ko kung saan natutulog ang apo ko na si Jefferson. Kakabalik ko pa lang din dito galing sa sala dahil ginawa kong pagsermon kay Caleb.

Sa totoo lang, ayoko talaga siyang pagalitan dahil sa nakita kong pagiyak nito habang nakasakay siya sa Carrousel kanina. Ngunit hindi ko talaga napigilan ang emosiyon ko kanina kaya ko nasabi ang mga bagay na ‘yon sa kaniya.

Magulang ako, at alam ko ang nararamdaman niya dahil nararamdaman ko rin ang nararamdaman nito. Kaya naman ‘di ko napigilan ang sarili kong pagalitan ito kanina sapagkat ayoko nang mangyari o ma-ulit pa ang nangyari sa nakaraan niya; sobrang sakit kaya ng naranasan niya noon.

Sa aking sobrang pagiisip ay bigla akong napatingin sa wall clock na nasa ding-ding na hinaharap ko. At laking gulat ko nalang nang mapansin kong alas-dos na pala nang madaling araw.

Bigla ko naman naalala ang anak ko kung nasa sala pa ba siya hanggang ngayon,
kasabay naman nito ang pagbuntong ko ng hininga sabay tayo mula sa aking pagkakahiga’t agad nagtungo sa pinto ng kwarto namin. Nang makarating na ako ay agad ko na ‘tong binuksan sabay labas.

Kahit na nagaway kami ni Caleb ay hindi ko pa rin mapigilang mag-alala sa kaniya. Well, anak ko siya, ‘e. Sino bang magulang ang maka-titiis sa kanilang mga anak? Wala naman, ‘di ba?

Pagkababa ko sa sala ay agad ko nang binuksan ang ilaw at laking gulat ko nalang nang makita ko ang anak ko na nakahiga sa sahig habang mahimbing na natutulog. Dali-dali naman akong lumapit sa kaniya sabay luhod, at kita ko nalang sa kaniyang mga mata ang pamamaga dahil sa ginawang pagiyak nito.

Anyway, agad ko na ‘tong binuhat nang pa-bridal style sabay tayo mula sa pagkakaluhod. Nagsimula na akong mag-lakad papunta sa itaas kung saan ang kwarto ko, napagdesisyonan ko kasing doon na lamang siya matulog para naman makatabi niya ang apo ko.

Nang makarating na ako sa kwarto ko ay agad ko na ‘tong itinabi sa anak niya, inayos at kinomutan ko rin ang mga ‘to sabay halik sa kanilang noo. Pagkatapos niyon ay umupo na ako sa kama sabay tingin sa anak ko na ngayon ay sobrang himbing pa rin ng kaniyang tulog.

“Caleb, alam kong nagkaroon ako ng kasalanan sa‘yo at alam kong mayroong sakit ‘yang loob mo sa‘kin, ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin kita papabayaan. Sana hindi mo mamasamain ang pagsermon o pangangaral ko sa‘yo sapagkat kapakanan mo rin naman ang nakasalalay roon. At saka, ang pagsermon o pangangaral ko sa‘yo ay pinapakita ko lang kung gaano kita kamahal, Anak.” Mahinang bulong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang maamong mukha nito.

Pagkatapos niyon ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama upang lumabas sa kwartong ito. Nagsimula na akong maglakad patungo sa pinto, ngunit bago pa ako makarating sa pinto ay bigla akong napatigil nang biglang may nagsalita, “Tay...”, saad ng anak ko sa‘kin, at ramdam ko ang lungkot nang bigkasin niya ang salitang ‘yon.

Napaharap naman ako sa kaniya at laking gulat ko nalang nang makita ko ‘tong lumuluha. Kaya naman, dali-dali akong lumapit sa kaniya, siya naman ay napaupo mula sa kaniyang pagkakahiga at sinalubong niya ako ng mahigpit at mainit na yakap nang makalapit ako sa kaniya, yinakap ko naman ‘to ng pabalik.

“T-Tay... Sorry po.” Umiiyak na saad nito, ngunit mahina lang. Tila bang ayaw niyang magising ang anak niya sa pagkakatulog.

“Shhh~ Caleb, okay lang. At saka, ako dapat ang humingi ng tawad sa‘yo dahil sa mga nasabi ko sa‘yo kanina.” Nakangiti kong saad sa kaniya habang pinipigilang hindi maiyak. Kumalas naman kami sa yakapan at hinarap ang isa’t-isa.

“Tay, maraming salamat po dahil kahit na marami po akong pagkukulang sa‘yo ay handa niyo pa rin po akong gabayan at protektahan; kami po ng anak ko.” Nakangiting saad nito.

Pinunasan ko naman ang mga luhang kumalat sa mukha nito sabay himas sa kaniyang mukha...

“Ano mo ba ako, Caleb? ‘Di ba magulang mo ako? Kaya naman resposibilidad ko lang gawin ‘yon sa‘yo; sa inyo ni Jefferson. At saka, ‘wag ka ngang mag-pasalamat, ako nga dapat mag-pasalamat sa‘yo dahil naging anak kita.” Mahinahong saad ko sa kaniya na dahilan upang lalo ‘tong mapangiti.

“O, sige matulog kana ulit. Goodnight, Nak.” Saad ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang noo.

“Goodnight po, Tay.”

Lumabas na ako ng kwartong ‘yon na may nakasilay na ngiti sa labi. Sobrang gaan na ng pakiramdam ko dahil sa wakas ay nagka-ayos na rin kami ng anak ko dahil kung hindi, ay baka hindi ko kayanin.

Nagtungo na ako sa sala at agad humiga sa sofa. Dito na ako matutulog dahil tutal naman ay malapit na rin mag-umaga. At saka, kailangan ko pang mag-handa ng almusal mamaya bago ako umalis upang mag-hanap ng trabaho sa bayan.

...

Alas-sais na nang umaga at nandito ako ngayon sa kusina habang nagluluto ng almusal namin; pritong hotdog at itlog, kakatapos ko lang din mag-luto ng egg rice.

Habang busy ako sa pagluluto ay nagulat na lamang ako nang biglang may humalik sa kanang pisngi ko, kaya naman agad akong napatingin sa gilid ko at nakita ko ang mag-ama na ngayon ay sobrang lawak ng ngiti; Si Caleb na buhat-buhat si Jefferson, na dahilan upang mapangiti ako.

Ngunit, bigla naman akong nakaramdam ng konsensya nang mapansin ko ang namamagang mga mata ni Caleb, at alam ko na dahil sa pagiyak niya ‘yon kagabi na ako mismo ang dahilan. Pero, ‘di ko na lamang pa pinansin pa ‘yon dahil alam ko naman na okay na rin kami, at saka ibibili ko nalang siya ng paborito niyang pagkain mamaya kapag nakahanap na ako ng trabaho.

“Good morning po, Lolo.” Masiglang saad sa‘kin ni Jefferson na dahilan upang mapangiti’t makurot ko ‘to sa pisngi, napangiwi naman ‘to sabay himas sa kaniyang pisngi, ngunit kahit na ganoon hindi pa rin nawawala ang ngiting nakasilay sa kaniyang labi.

“Good morning po, Tay.” Saad naman sa‘kin ni Caleb sabay halik sa aking pisngi.

“Good morning sa inyo. Umupo na kayo riyan dahil malapit na ‘tong maluto, para naman makapagagahan na tayo, maaga pa akong aalis mamaya upang mag-hanap ng trabaho.” Nakangiti kong saad sa kanila na agad naman nilang sinunod. Ako naman ay pinagpatuloy nalang ang pagluluto.

“Tay, dito na lang po kaya kayo? Ako nalang po ang mag-trabaho.” Rinig kong saad sa‘kin ni Caleb na dahilan upang mapabuntong-hininga ako.

“Caleb, huwag matigas ang ulo. At saka, bata ka pa, ang asikasuhin mo nalang muna ay ang pagaaral mo, tapos minsan naman ang anak mo.” Seryosong saad ko sa kaniya, hindi naman na ‘to sumagot, kaya naman pinagpatuloy ko nalang muli ang aking pagluluto.

Nang matapos na akong mag-luto ay agad ko nang inihanda sa mesa ang mga pagkain. Kasabay din nito ang pagkuha ko ng inumin na orange juice sa ref.

Pagkatapos niyon ay umupo na ako ka-agad sa harapan ni Caleb. Habang nasa gilid naman namin si Jefferson habang nakaupo sa kaniyang high chair.

“Kain na tayo.”

Nagsimula na kaming kumain. At masasabi ko naman na naging masaya ang almusal namin sapagkat halos kwentuhan at kulitan ang ginawa namin habang kumakain.

Ang buhay ay parang Carousel; paikot-ikot at taas-baba lang ang paggalaw, parang problema. Minsan kapag nasa taas ka ay sobrang saya, ngunit minsan naman kapag nasa baba ka ay sobrang nakakalungkot at bigat, ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin natin maitatanggi na kahit na paikot-ikot at taas-baba lang ang Carousel ay balance pa rin ang galaw nito; katulad ng ginagawa natin.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now