11

904 62 11
                                    

Caleb’s Point of View

“Argh! Busog na busog na ako, parang gusto ko nalang matulog sa malambot at mainit kong kama sa bahay.” Mahinahong saad ko habang hinihimas-himas ko ang aking tiyan. Bigla naman napatawa si Bryan dahil sa inasal ko na dahilan upang mapatingin ako sa kaniya.

“Thank you, Bryan, sa mga pagkain. Sana nabusog ka rin.” Masayang saad ko sa kaniya. Napangiti naman ‘to sabay gulo sa aking buhok.

“Don’t mention it, and don’t worry about me dahil busog na busog ako.”

6:30 PM na nang gabi at kakatapos palang namin kumain. Masasabi ko naman na nagenjoy ako sa mga pagkain, ngunit grabe lang talaga ang pagkailang na nararamdaman ko simula kanina dahil sobrang daming mga tao ang tumitingin sa‘kin. Ewan ko ba sa kanila, wala naman akong dumi sa mukha o ano pero panay ang tingin nila. Siguro ngayon lang sila nakakita ng payatot na kumakain ng marami.

“Tay, saan niyan po tayo pupunta?” Tanong ko kay Tatay na ngayon ay pinupunasan ang mga kumalat na pagkain sa mukha ng anak ko.

“Sa bagong bukas na park, sabi ng kumapare ko marami raw mga rides doon na pwede sa‘tin; lalo na sa‘yo, Caleb. Siguradong mag-eenjoy ka roon.” Nakangiting saad sa‘kin ni Tatay na dahilan upang mapangiti ako.

Kasabay din nito ang bigla kong pagtayo’t pagtalon dahil sa narinig ko sa kaniya. Yes! Mabuti nalang ay doon kami pupunta, nang isang araw ko pang gustong puntahan ang lugar na ‘yun, pero wala lang talaga akong pera pambili ng tickets kaya naman hindi ako pumupunta at tanging pagtingin lang ang nagagawa ko roon, kaya naman nagpapasalamat ako ngayon dahil mabuti nalang naisipan ni Tatay na pupunta kami roon.

Mga ilang sandali pa ay napatigil ako sa aking ginagawa nang biglang mag-salita si Tatay na dahilan upang mapatingin ako sa kaniya...

“Caleb, umupo ka nga, pinagtitinginan na tayo ng mga tao, o! Ang asal mo na naman, a’. Ayusin mo ‘yan, para ka na naman bata.” Pangangaral sa‘kin ni Tatay na agad ko naman sinunod.

“Excited lang naman sa pupuntahan, ‘e.” Nakanguso kong saad sa kaniya habang naka-cross arm, bigla naman ‘tong napailing dahil sa inasal ko, tila bang tinatanong niya sa kaniyang sarili, bakit niya pa ako naging anak? O kaya naman, anak niya ba talaga ako?

Napatingin naman ako kay Bryan nang marinig ko ang panay na pagtawa nito. Agad ko ‘tong tinapunan ng nakamamatay na tingin, ngunit instead na matakot ay lalo lang ‘tong tumawa na dahilan upang mapakunot ang noo ko, ngunit umiwas din ako kaagad ng tingin sa kaniya.

Mga ilang sandali pa, nang matapos na ni Tatay ang paglilinis kay Jefferson ay napagdesisyonan na naming umalis, para naman agad kaming makarating sa Park. Sa totoo lang, kahit hindi kami namasiyal sa Mall na ‘to ay masasabi ko pa rin na nagenjoy ako; kami.

...

Nandito na kami ngayon sa parking lot...

“Sakay na riyan sa backseat, Caleb. Dito na kami sa passenger seat ni Jefferson, gusto ko kasing pagmasdan ang dinadaanan natin, mukhang maganda, ‘e. At saka, tinitignan ko rin kung paano mag-maneho si Bryan.” Saad sa‘kin ni Tatay habang binibigyan ako nito nang nakakalokong tingin sabay sakay sa passenger seat.

Ako naman ay napanganga na lamang dahil sa inasal ni Tatay. Dapat sila ‘yung sa backseat, hindi ako. Dapat nasa passenger seat ako. T*ngina naman! Ano na naman kaya ang larong nilalaro ni Tatay?! Nakakainis naman!

Padabog habang nakasimangot akong sumakay sa backseat. Pero bigla akong napatigil sa pagsimangot nang may mahagip ako, hindi ko alam kung illusion o malik-mata ko lang ‘yun, ngunit parang nakita ko si Tatay mula sa mirror na ngumisi. Ewan ba pero ang ngising ‘yun ang pinaka-nakakainis na tignan.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now