27

633 42 4
                                    

Caleb’s Point of View

“Say ahh, baby,” saad ko sa anak ko — Jefferson. Ngumiti naman ito at agad ngumanga. Ako naman ay agad pinasubo sa kaniya ang isang teaspoon ng pagkain niya.

Nandito kami ngayon sa dining area.

Napangiti naman ako sabay kurot sa kaniyang pisngi nang makita kong sarap na sarap siya sa kaniyang pagkain. Ewan ko ba, pero minsan kapag napapasubo ako sa pagkain ng anak ko ay nasasarapan din ako. Wondering kung anong nilalagay ni Tatay sa pagkain ni Jefferson para sumarap.

Anyway, pinagapatuloy ko na ang pagpapakain kay Jefferson. At mga ilang saglit pa ay agad akong napalingon sa may bintana dito sa kusina nang makarinig ako ng busina ng kotse sa labas, which means nandiyan na si Bryan. Well, wala naman na ibang pumupunta pa sa amin ng naka-kotse kung hindi lang sa Bryan.

Agad naman na akong tumayo sa aking kinauupuan sabay kuha sa tubig at vitamin ni Jefferson, sapagkat kasabay rin ng pagdating ni Bryan ay kakatapos lang din ng pagpapakain ko sa anak ko. 

Nang makuha ko na ang tubig at vitamin ay agad ko na itong pinainom. Mabuti nalang sarap na sarap ang anak ko sa vitamin niya, dahil kung hindi ay baka mahirapan pa akong magpainom sa kaniya araw-araw.

“Baby, alis na si Mommy ah. H‘wag mong pahihirapan si Lolo sa pag-aalaga sa iyo.” Nakangiti kong saad sa anak ko sabay halik sa kaniyang pisngi at noo, ngumiti rin naman ‘to ng pabalik.

Pagkatapos niyon ay niligpit ko na ang pinagkainan ni Jefferson. Nilagay ko na rin sa pinagkuhan ko ng vitamin ang vitamin niya. Nang matapos kong gawin ang mga bagay na iyon ay nilapitan ko na si Tatay sa kusina habang naghuhugas ito ng mga pinaglutuan niya.

“Tay, alis na po ako. Naghihintay na po si Bryan sa labas, ” saad ko sa kaniya sabay abot ng pinagkainan ng anak ko na agad naman niyang kinuha.

“Hindi na ba kayo mag-aalmusal? Papasukin mo muna si Bryan dito,” sagot naman nito sa akin na agad-agad ko naman tinanggihan habang umiiling.

“Hindi na po, Tay, sa canteen nalang po kami kakain. Oras na rin po, baka ma-late pa po kami,” saad ko sa kaniya habang nakangiti ng alanganin. 

“Sige, mag-ingat kayo sa biyahe. Hinay-hinay sa pagmamaneho sabihin mo kay Bryan.” 

“Sige po, Tay. Salamat po.” Nakangiti kong saad sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisngi, nakita ko naman ‘tong napabungisngis dahil sa paghalik ko sa kaniya pero hindi ko na lang iyon pinansin sabay punta sa sala upang kunin ang mga gamit ko.

Nang makuha ko na ang mga gamit ko ay agad na akong lumabas at naglakad papunta sa daan. At nang makarating ako roon ay agad ko naman nakita si Bryan habang seryosong nagsasalamin sa side mirror ng kaniyang kotse.

Mukhang ‘di niya rin ako napansin kaya naman dahan-dahan akong lumakad papalapit sa kaniya. At nang makalapit na ako ay...

“Napaka-hot at gwapo mo talaga, Bryan. Bagay na bagay talaga kayo ng sexy at magandang si Caleb. Roar!” Mahinang saad nito sa reflection niya sa salamin using his sexy voice. 

Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi nito. Ang kapal talaga ng lalakeng ‘to. Hindi ko alam kung matatawa ako o anong magiging reaksiyon ko sa narinig ko sa kaniya, pero aaminin ko man sa hindi, sa kaloob-looban ko ay bigla akong napangiti dahil sa sinabi nito.

“Oo nga, napaka-gwapo mo.” Nakangiting saad ko habang nakatingin sa kaniya. Agad naman itong napalingon sa kinaroroonan ko at bakas sa mukha nito ang gulat at hiya, ngunit pansamantala lang iyon dahil bigla iyon napalitan ng ngisi.

Shit! Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga katagang iyon. Siguro dahil sa emosiyon? Ewan! Kakainis ka self!

“Talaga ba? Gwapo ako?” Nakangising saad nito sabay kagat sa kaniyang labi. 

Shit! Ang sexy niya!

“Tsk! Oo na, Bry. Kahit hindi ko naman sabihin sa iyo ay alam mo naman sa sarili mo na gwapo ka.” Pa-cool kong saad sabay lakad papalapit sa kaniya.

“I know. Pero mas gusto ko pa rin na ang taong gusto ko mismo ang mag-sabi ng ganoon sa akin, or should I say ang mag-compliment sa akin. It feels like cloud nine kapag na-compliment ka ng taong gusto mo — like now.” Nakangiting saad niya.

Napangiti na lamang ako sa sinabi nito. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Hindi naman sa malalim ang mga katagang binitawan niya, sadiyang wala lang talaga akong maisip na sagot sa sinabi nito.

“Tara na?” Nag-aalinlangan kong tanong sa kaniya na dahilan upang mapatawa ito ng mahina sabay tango.

“Let’s go!”

Pinagbuksan naman ako nito ng pinto na ikinangiti ko naman. “Salamat,” saad ko sa kaniya sabay pasok, ngumiti at tumango naman ito ng pabalik bilang sagot sabay sara ng pinto. Pagkatapos niyon ay sumakay na rin siya sa kotse at dali-daling pinaandar ang makina nito sabay karipas ng takbo.

Habang tahimik kaming nagbiyabiyahe papunta sa BSAC ay bigla akong napatingin ng may pagtataka kay Bryan nang bigla itong magsalita...

“Busy ka ba mamaya?” Mahinahong tanong niya habang pokus sa pagmamaneho.

Agad ko naman inisip kung marami mga gagawin ko or marami akong mga dapat asikasuhin o gawin mamaya. Nang mapagtanto kong wala naman masiyado ay agad na akong sumagot, “Hindi naman siguro. Bakit?”

“May pupuntahan tayo mamaya, papakilala ko sa ‘yo iyong isa sa mga importaneng tao sa buhay ko bukod sa mga parents ko. Alam kong magugulat ka dahil ‘di mo aakalain na parte pala siya ng pamilya namin, lalo na’t isa siya sa mga sikat na business man. Pero mamaya ko na siya sasabihin sa ‘yo kapag nagkita na kayo.” Nakangiti nitong saad sa akin. Ramdam ko rin ang excitement sa tono nito, halatang gustong-gusto niya talagang makilala ko ang taong ‘yon.

Napangiti na lamang ako sabay tango sa sinabi nito bilang pagpayag. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko lalo na’t nang marinig ko ang salitang business man, tapos idagdag ko pa ang salitang sikat.

Pero siyempre, hindi ko naman ine-expect na siya ‘yong importanteng taong tinutukoy ni Bryan, lalo na’t maraming mga sikat na business man sa mundo, hindi lang naman siya. But still, hindi ko pa rin alam kung anong mararamdaman ko, tignan nalang natin mamaya kung siya nga iyon. Pero sana hindi.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now