34

951 36 15
                                    

Bryan’s Point of View

Nang makalabas na si Caleb sa kwartong ‘to para raw pumunta sa restroom ay bigla akong napatingin sa lalakeng kaharap ko ngayon na sobrang kinaiinisan ko; si Benjo. Kunot-noo ko itong tinignan habang magka-salubong ang mga kilay ko nang bigla itong tumayo.

“Sir, may pupuntahan lang po ako. Babalik din po ako kaagad,” saad nito kay Tito Jerald na agad naman niyang tinanguan. Tumingin naman sa akin si Benjo nang may nakakalokong tingin na dahilan upang lalo akong mainis sa kaniya. Naglakad na ito patungo sa pinto at lumabas na ito.

Tangina niya talaga! Kahit pangalawang beses palang namin itong pagkikita ay sobrang kinamumuhian ko na siya. Hindi ko nga expect na siya pala iyong secretary ng Tito ko. Tangina! Sobrang galang at formal ko pa naman mag message sa kaniya kanina, tapos siya lang pala ang secretary? Tsk!

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang bigla akong tawagin ni Tito, “Yani! Yani, you okay?” Naguguluhang tanong nito sa akin. Tumingin naman ako sa kaniya sabay iling,

“Wala po, Tito. May iniisip lang,” saad ko sa kaniya habang tumatawa nang may pag-aalinlangan. Tumango naman ito sa akin bilang pagsang-ayon.

“By the way po, Tito, may tanong po ako,” saad ko sa kaniya using my serious voice, bigla naman itong napatingin sa akin.

Actually, kanina ko pa talaga ito gustong itanong sa kaniya kaso nahihiya talaga ako, lalo na’t nandito si Caleb pati iyung asungot na Benjo. At hindi lang iyan, nahihiya rin kasi ako kay Tito baka sabihin niya ano ang mga pinagsasabi ko at bakit ko binibigyan nang malisya iyung mga nakikita ko.

“What is it? Mukhang seryoso rin iyan. Money? If you want money sabihin mo lang sa akin, don’t be shy lalo na’t hindi naman na ako iba sa iyo.” He chuckled.

“Hindi po, Tito, iba po ito. At saka, kung need ko man ng pera kahit hindi ko n sabihin sa iyo dahil ako na mismo ang kukuha sa wallet mo.” Tumatawang saad ko sa kaniya na dahilan upang matawa rin ito.

If I ask this question, tapos kung tama pa iyong hinala ko. I think, masasaktan ako nang sobra.

Huminga muna ako nang malalim, pagkatapos niyon ay tumingin ako sa kay Tito na ngayon ay sobrang seryoso nang nakatingin sa akin,

“Tito, kilala mo ba si Caleb? May hindi ka ba sinasabi sa akin? Kasi napansin ko lang na panay ang tingin mo sa kaniya, at the same time iyong mga tingin na binibigay mo sa kaniya ay parang may laman...”

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon lalo na’t tinititigan lang ako ng seryoso ni Tito Jerald. Kinakabahan din ako sa magiging sagot nito at hindi ko alam kung bakit, pero siguro natatakot lang talaga ako sa isasagot niya.

“Yes. Kilalang-kilala ko siya.” Plain na sagot nito sabay inom ng tubig. Nagulat naman ako sa sinabi nito. As in gulat, hindi ko nga alam pero baka banat na banat niyan ang mga mata ko, pero siyempre hindi ko iyon pinahalata.

Shit!

Ito na nga ang sinasabi ko. Hindi ako ready sa sagot niya. Ngunit, baka naging employee lang, ‘di ba? Pero kasi iyong pag-o-overthink ko ay nasa high level, kaya naman hindi ko magawang mag-isip ng maaayos.

“H-How?” Kinakabahang kong tanong sa kaniya ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kaniya.

Ngayon alam ko na kung bakit ako kinakabahan sa mga sagot niya, kasi nang gusto kong manligaw kay Caleb no’n ay bigla niyang sinabi ang lahat ng secrets niya, katulad ng may anak pala siya which is si Jefferson. At hindi lang iyan dahil meron pang salita na talagang tumatak sa isipan ko — mahal pa niya raw ang ex niya kaya naman ayaw niya rin magpaligaw.

I hope hindi tama ang umiikot ngayon sa isipan ko.

“Bago ko sagutin iyan, ‘di ba kilala mo si Caleb? Hindi niya ba ako kinukwento sa iyo?” Balik na tanong nito sa akin. Umiling naman ako bilang sagot na agad naman niyang tinanguan,

“Actually, Tito, ngayon palang kita napakilala sa kaniya. At saka, wala man siyang sinasabi sa akin patungkol sa iyo.”

“Okay then. It looks like sobrang curious mo. I know that I don’t have any rights to tell you this dahil dapat siya mismo ang magsabi sa iyo, but still I’m gonna tell. And maniwala ka man sa hindi ay ikaw na bahala roon.” Seryosong saad nito sa akin na lalong nagpakaba sa akin.

“Pero siyempre bago ko sabihin, ‘di ba pumupunta ka naman kina Caleb? May nakikita ka bang bata roon?” Tanong nito sa akin na sobrang nagpakunot ng noo ko. Anong connect niyon sa tanong ko?

Sighed!

Napabuntong-hininga nalang ako sa tanong nito, ngunit sinagot ko pa rin naman habang tumatango, “Yes, pangalan niya is Jefferson, at kung hindi ako nagkakamali ay three years old na ang batang iyon. Anak din siya ni Caleb kaya naman ‘di na rin ako magtataka kung sobrang gwapo ng anak niya.” Nakangiti kong saad sa kaniya.

Napansin ko naman na nagulat ito sa sinagot ko ngunit saglit lang iyon dahil nabalik muli ang serious look nito. Nagtaka man ako sa inasal nito ay pinabayaan at hindi ko na lamang pinansin iyon. Hayst!

“Caleb and I had a relationship back then. And If I’m not mistaken, ako ang ama ng batang sinasabi mo. Before kasi kaming maghiwalay ni Caleb ay sinabi niya muna sa akin na buntis siya,” saad nito sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Tito. Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng galit ngayon, siguro dahil hindi sinabi ni Caleb ito lahat sa akin? Pero kahit na ganoon ay pinilit ko pa rin maging mahinahon sapagkat aaminin ko man sa hindi ay alam kong nangingibabaw sa akin ang lungkot ngayon.

“B-Bakit po kayo naghiwalay, Tito?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya. Alam kong sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, pero dahil sa curiosity kahit na sa ikasasakit ko pa ay kailangan kong malaman.

“Becau...” Hindi naituloy ni Tito ang sasabihin niya nang narinig namin biglang bumukas ang pinto. Sabay naman kaming napatingin doon at nakita namin si Caleb na pumasok.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang nag-init ang dugo ko. Tinignan ko ito nang nakakunot ang noo na dahilan upang tignan ako nito nang may pagtataka.

I know that I don’t have any rights para magalit dahil walang kami — at hinding-hinding magiging kami. Lalo na ngayong nandito na si Tito Jerald. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko, siguro hanggang suporta nalang talaga ako at tanggapin na wala talaga akong pag-asa kay Caleb.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now