7

1K 78 7
                                    

Caleb’s Point of View

“Bakit siya ganoon sa‘kin? A-Alam kong nagsinungualing ako sa part na kaklase ko lang si Bryan, pero bakit ganoon? Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang mga bagay na ‘yun, ngunit isa lang ang naiisip ko, at ‘yun ang nakita niya kami ni Bryan na naghahalikan.” Mahinang bulong ko sabay punas ng mga luhang kumalat sa mukha ko.

Kasi hindi naman siya ganoon magrereact kung wala siyang nakita. Siguro hindi niya lang nabanggit kaninang nagaaway kami ang tungkol doon upang hindi ko maramdaman ang pagkabuking, ngunit kahit na ganoon ay nararamdaman ko pa rin na may alam siya.

“Bakit pa kasi ako nagpahatid kay Bryan?! ‘Yan tuloy, nangyari pa ang hindi ko inaasahan. Tsk! Ngayong may alam na si Tatay, dapat niyan lalo na kaming mag-ingat.”

Alas-onse na nang gabi at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa Seventieth Eleven. Pagkaalis ko kasi kanina sa bahay ay agad na akong dumeretso rito, wala rin naman kasi akong mga kaibigan na mapuntahan. Kung kay Bryan naman ako pupunta ay baka itanong niya pa kung anong nangyari na ayaw ko naman sagutin.

Anyway, umiinom ako ngayon ng poca-polca habang kumakain nang paborito kong snack na Kriss-Kross. Well, kahit na masama ang loob ko kay Tatay ay hindi pa rin ako iinom ng alak, ‘no. At saka, hindi rin naman ako marunong uminom.

Habang umiinom at kumakain ako, ay bigla akong napapaisip para sa magaganap bukas. Sa nangyari palang ngayon, ay hindi ko alam kung magpapakita pa ba ako kay Bryan o hindi bukas, siguradong hindi kasi ako papayagan ni Tatay na gumala.

Pero kasi... Kung hindi naman ako mag-papakita kay Bryan ay baka mag-hintay ‘to nang matagal kung saan man kami pupunta bukas na pinaka-ayaw kong mangyari, baka bigla na lang ako mamatay dahil sa konsensya kung mangyari ang bagay na ‘yun.

Argh! Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Siguro bukas nalang ako mag-iisip para sa araw ng bukas. And anyway, if ever man na hindi ako payagan ni Tatay para sa araw ng bukas ay baka magsinungaling nalang ako ulit.

Mga ilang sandali pa nang maubos ko na ang soft drinks at snack ko ay napagdesisyonan ko nang umuwi sa bahay. Bago ako tumayo sa kinauupuan ko ay tumingin muna ako sa oras sa phone ko at laking gulat ko nalang na alas-tres na pala nang madaling-araw.

Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at naglakad palabas sa seventieth eleven. Nang makalabas na ako ay agad na akong pumunta sa waiting shed upang maghintay ng masasakyan which is tricycle.

Mabuti nalang alas-tres na nang madaling-araw dahil sa mga oras na ‘to ay halos maraming dumadaang mga tricycle upang pumasada.

Mga ilang sandali pa ay nakakita na ako ng tricycle papunta sa kinaroroonan ko, kaya naman agad ko ‘tong pinara. Nang tumigil na ‘to sa harapan ko ay agad ko nang sinabi kung saan niya ako dadalhin.

“Kuya, sa unang baranggay nga po.” Nakangiti kong saad sa kaniya sabay sakay sa loob at sinimulan na niya ‘tong paandarin.

Habang tahimik akong nakasakay sa tricycle ay bigla nalang akong napatingin kay Kuya nang bigla ‘tong magsalita...

“Boss, hindi sa pakialamero ako ah. Pero tanong ko lang sana kung bakit ganitong oras ka umuuwi? Part timer ka ba? Mukhang estudyante ka pa ah?” Biglang saad nito na dahilan upang mapalunok ako.

“Actually po, Kuya, nagaway po kasi kami ni Tatay tungkol sa isang bagay kaya naman naglayas muna ako sa‘min para naman kahit konti ay guminhawa ang pakiramdam ko na nangyari naman. Anyway, Kuya, hindi ako part-timer pero estudyante ako; 4th year college.” Mahinahong saad ko sa kaniya sabay tingin sa daan.

“Alam mo, Boss, dati ginagawa ko rin ang bagay na ‘yan kapag nagaaway kami nina Papa at Mama. At sa limang taon na ‘yun ay palagi ko nalang ginagawa ang bagay na ‘yun. Ngunit isang araw ay nagaway na naman kami at that day ay naglayas na naman ako. Pero alam mo, Boss, nagsisisi ako nang araw na ‘yun... Nagsisisi ako na dapat hindi na ako naglayas. Alam mo ba kung bakit? Nang araw kasing ‘yun ay bigla pala nila akong hinanap. At habang hinahanap ako ay bigla silang na-aksidente; nagkabanggaan ang sinasakyan nila at isang dump truck. Sising-sisi ako that day, panay din ang pagiyak at paghingi ko nang tawad sa kanila kahit huli na. Kaya naman simula nang mawala ang mga magulang namin ay tumigil na ako sa pagaaral upang maghanap ng trabaho’t pagaralin at buhayin ang tatlo kong nakababata ng kapatid.” Saad nito at bakas sa kaniyang tono ang kalungkutan at pagsisisi.

Ewan ko ba kung bakit pero bigla nalang akong nakaramdam nang lungkot sa sinabi ni Kuya. Tila pinaparamdam niya sa‘kin na dapat akong mag-pasalamat dahil mapasahanggang ngayon ay nariyan pa rin si Tatay; na handang umagapay at gumabay sa‘kin; sa‘min ng anak ko.

Mga ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa waiting shed kung saan malapit ang bahay ko. Bumaba na ako sa sasakyan at agad kumuha ng 150 pesos upang pambayad kay Kuya.

“Kuya, heto ang bayad. Anyway, Kuya, pasensya na dahil hindi kita nasagot kanina, nadala lang kasi ako nang emosyon, pero ito lang ang masasabi ko sa‘yo, proud ako sa‘yo ngunit mas proud ang mga kapatid mo; proud ako’t sila dahil sobrang tatag mo. Ngunit, alam naman natin na mas proud ang mga magulang mo dahil kahit wala na sila ay tinataguyod mo pa rin ang mga kapatid mo upang sila’y mabuhay at maka-pagaral.” Nakangiting saad ko sabay abot nang bayad sa kaniya na malugod naman niyang tinanggap.

“Maraming salamat, Boss. Oo nga pala, Boss, kung ano man ang pinag-awayan niyo ng Tatay mo ay sana maayos niyo na kaagad. Hindi ko alam kung sino sa inyo ang mali ngunit sana huwag niyo nalang taasan ang pride niyo, lalo na ikaw, Boss, anak ka at minsan kailangan mo rin intindihin ang mga magulang mo.” May galak na saad naman nito na agad ko naman tinanguan.

Pagkatapos non ay pinaandar na niya muli ang tricycle at kumaripas nang takbo, ako naman ay nagsimula nang mag-lakad patungo sa bahay namin.

Habang naglalakad ako patungo sa bahay ay bigla kong narealized na kailangan kong humingi nang tawad kay Tatay dahil ako naman ang unang nagkamali. Mali rin ang ginawa kong pagbastos sa kaniya kanina; ang paglalayas ko. Ewan ko ba, pero bigla nalang tumatak sa puso’t isipan ko ang huling sinabi ni Kuya kanina.

Anyway, nandito na ako ngayon sa harap ng pinto ng bahay, ngunit bago ko ‘to binuksan ay huminga muna ako nang malalim.

Pagkatapos non ay agad ko nang binuksan ang pinto, ngunit nagulat na lamang ako sapagkat pagkabukas ko palang sa pinto ay agad nang bumungad sa‘kin si Tatay na palakad-lakad sa sala, ngunit nang maramdaman niya ang presensiya ko ay nagulat nalang ako nang bigla ‘tong lumapit sa‘kin sabay yakap, niyakap ko naman ‘to pabalik.

Mga ilang sandali pa habang magkayakap kami ay bigla ko nalang ‘tong narinig umiyak...

“C-Caleb, ‘wag na ‘wag mo nang gagawin ang bagay na ‘yun ah; ang paglalayas mo. Baka may mangyaring masama sa‘yo at mawala ka sa‘kin; sa‘min ng anak mo, na ayokong mangyari. Patawarin mo si Tatay dahil nasigawan at napagalitan ka niya kanina... Pasensya na anak, nadala lang sa emosyon si Tatay...”  Umiiyak na saad ni Tatay na dahilan upang mapaluha ako.

Kumalas na ako sa yakap namin at hinarap ko ‘to, bigla naman nitong nilagay ang kaniyang kamay sa mukha ko upang punasan ang luhang tumutulo mula sa mga mata ko.

“T-Tay, ako po ang may kasalanan kaya naman po ‘wag po kayong humingi nang tawad at pasensya, ako po dapat ang humingi nang kapatawaran sa‘yo dahil nagawa ko po ang bagay na ‘yun. Patawad po, Tay...” Umiiyak na saad ko sabay yakap muli sa kaniya, niyakap naman ako nito pabalik.

“Caleb, ito ang tatandaan mo, hindi ka pa man nakakagawa ng kasalanan ay napatawad na kita.” Saad pa nito na dahilan upang lalo akong mapaluha’t mapayakap sa kaniya.

Kahit balik-baliktarin pa natin ang mundo ay hindi pa rin natin mababago na ang mga magulang natin ay magulang pa rin natin. Oo, siguro minsan naiinis tayo sa kanila o kaya naman minsan nakakalabag tayo sa mga pinapagawa o utos nila, ngunit alam naman natin na kapakanan din natin ang nakasalalay doon. Kaya naman, tama nga ang sinabi ni Kuya kanina, na tayong mga anak ay dapat intindihin din natin sila kahit minsan lang, kasi hindi lang dapat palaging sila ang umiintindi sa‘tin, dapat tayo rin.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now