32

646 36 7
                                    

Benjo’s Point of View

“Kung hindi mo siya boyfriend, ba‘t kung maka-asta siya ay parang boyfriend ka niya?” Seryosong tanong ko sa kaniya, but instead of answering it, he just stayed quietly habang tinitignan ang sarili niyang reflection sa elevator.

Fuck!

Hindi ko alam kung bakit ko natanong ang bagay na iyon. Hindi ko rin alam kung bakit ko na-open-up ang bagay na iyon. I think I made him uncomfortable, I gotta do something.

“S-Saan ka pupunta pala? I thought pupunta ka sa restroom? May restroom naman sa floor na iyon.” Kinakabahan kong tanong sa kaniya, tinignan naman ako nito.

“Actually, ‘di naman talaga ako pupunta sa restroom; gusto ko lang talagang lumabas mula sa kwartong iyon and at the same time I wanna feel fresh air.” Mahinang saad nito sa akin, at bakas sa kaniyang boses ang pagkahiya.

Cute

“And by the way, sa rooftop ako pupunta. Ikaw? Saan ka ba pupunta? Inutusan ka ba ng boss mo?” Sunod-sunod na tanong nito sa akin na sobrang ikinagulat ko naman.

Legit ba ito? Nagtatanong na rin siya sa akin ngayon? I know it’s not a big deal, pero sa taong may gusto sa kaniya na — katulad ko, ay masisiyahan.

Si Caleb kasi ay ‘yung tipo ng tao na isang tanong, isang sagot lang sa akin. Kaya naman grabe nalang ang pagkagulat ko nang magtanong pa ito.

“Walang inuutos si Sir sa akin. Sinusundan kasi kita,” saad ko sa kaniya na dahilan upang mapatingin ito sa akin nang may pagtataka. Shit!

“I mean, sinusundan kita kasi baka maligaw ka rito sa building, lalo na’t sobrang laki nitong building...” Palusot ko sa kaniya, mukhang convinced naman na ito sapagkat tumango siya, kaya naman nakaluwag na rin ako ng maluwalas.

Hayst! Ang tanga mo talaga self, ikaw pa mismo ang maglalaglag sa sarili mo.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang tumunog na ang elevator ting! kasabay nito ang pagbukas ng pinto.

Sabay kaming lumabas ni Caleb, at agad naglakad patungo sa rooftop. Alam kong nagtataka niyan siya kung ba’t sinusundan ko pa rin siya hanggang ngayon. Pero siyempre, papabayaan at hindi ko nalang papansinin ang bagay na iyon. Gusto ko kasi siyang makasama, kahit ngayon lang.

...

Nandito na kami ngayon sa rooftop habang nakaupo sa may bench dito. Mula rito sa kinauupuan namin ay kitang-kita ang lahat ng mga malalaking structures dito sa lugar.

Tahimik lang kami nakaupo rito. Siya naman ay pokus na pokus na nakatingin sa malayo. I’m wondering kung ano ang iniisip niya, mukha kasing seryoso at malalim. And I expected, huminga ito nang malalim,

Sigh!

“Mukhang malalim ang iniisip natin ah? You know what, pwede mong sabihin sa akin kung gusto mo, huwag kang mahihiya para naman kahit papaano ay mabawan iyang dinadala mo.” Seryosong saad ko sa kaniya.

Napatingin naman ito sa akin ng seryoso rin. Ako naman ay nginitian lang ito nang napaka-tamis na dahilan upang mapatawa ito ng mahina.

“Hindi naman masiyadong malala ang iniisip ko, ‘no. Iniisip ko lang talaga kung kailan ko gagawin iyong individual research namin, lalo na’t malapit na ang pasahan,” saad niya at muling tumingin sa malayo.

He lied. I know that was a lie. Ayaw niya lang talagang sabihin sa akin ang totoo, but I respect that. Siguro sobrang private nang iniisip niya kaya ayaw niyang sabihin sa akin.

“College student?” Tanong ko sa kaniya, ngumiti at tumango naman ito sa akin, “Yes. 4th year, graduating this year.”

Pinagpatuloy namin ang pag-uusap. A lot of things we have talked about. Sobrang nakakatuwa rin siya. Tawa rito, tawa roon. Sobrang daldal niya pala kapag kinilala siya ng lubos. Halos ang dami niya rin baong mga biro, ako naman ay dahil mahina ako sa part na iyon ay puro tawa at halakhak lang ang ambag ko.

“Ang sakit ng tiyan at panga ko sa kakatawa dahil sa mga biro mo! Makwela ka pala.” Tumatawa kong saad sa kaniya na dahilan upang mapatawa rin ito.

“Naman ako pa. At saka, ganoon dapat talaga, kahit na marami kang mga iniisip ay dapat always happy; keeping your smile on ay sobrang nakakagaan ng loob, lalo na sa surroundings mo.” Nakangiti niyang saad sa akin.

Now, alam ko na kung bakit ko siya naging gusto, or should I say mahal. Hindi lang siya matalino, hindi lang din siya ma-sense of humor, dahil sobrang deep din ng mga words na sinasabi niya na may sense.

Naging tahimik na muli ang paligid namin.  Tahimik siyang nakatingin ulit ngayon sa malayo, siguro napagod na rin siya sa kakadaldal.

“Caleb, I like you or should I say, I love you.” Seryosong saad ko habang nakatingin sa kaniya. Bigla naman itong napatingin sa akin nang may pagtataka, pero saglit lang iyon dahil napalitan din iyon ng tawa.

“Nice joke, Benjo! Naku, ang galing mo na rin mag-biro ngayon ah.” Natatawang saad nito, but he stop laughing when he noticed that I’m giving him a serious face.

“I‘m not kidding, Caleb. I love you, and I really do,” saad ko sa kaniya while giving him a convincing face because I was expecting na hindi siya maniniwala, and as I was expected, hindi nga siya naniwala.

“W-What? Is that a kind of prank, Benjo. If it is prank, hindi iyan nakakatawa.”

Umayos naman ako ng upo at humarap sa kaniya. Hinawakan ko ang dalawang kamay nito at tinignan ito sa mata. Taka naman itong tumingin sa akin habang nakakunot ang noo, mukhang naguguluhan talaga siya sa nangyayari ngayon.

“Look, I know naguguluhan ka ngayon kasi nga dahil sa biglaang confession ko. But please, maniwala ka, I love you and I really do.”. Seryosong saad ko sa kaniya habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata.

Tinanggal naman nito ang kamay ko habang umiiling, “Benjo, ba’t ako? And how? Alam mo naman na bakla ako, hindi ako babae. At saka, wala rin iyung hinahanap ng isang lalake na meron ang babae. I think naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo ngayon.”

“I start loving you when we first met. I think that’s called love at first sight. And Caleb, hindi naman kita minahal dahil sa physical appearance. Hindi ako katulad ng iba. And, I’m aware that you‘re gay, kaya nga mas lalo kitang minahal, ‘di ba. At saka, walang makakapantay sa iyo kahit sino pang babae; kahit magagandang babae pa. You‘re more than enough, Caleb...”

Nangingilid na iyung luha ko pero need iyon pigilan. Inaasahan ko nang mangyari ang pangyayaring ito. But I‘m not expecting na ganito pala kasakit.

“Benjo, gwapo ka. Maskulado ka. Mabait ka. At halos na sa iyo na ang lahat nang hinahanap ko. Pero, hindi pwede. Hindi pwedeng magkaroon tayo ng relasyon, hanggang kaibigan lang talaga ang mabibigay ko sa iyo.” Mahinahong saad nito sa akin.

And that’s it, hindi ko na napigilang bumuhos pa ang luha ko. Ang sakit pala — sobrang sakit pala kaysa sa inaasahan ko.

Tumingin ito sa akin na may mapait na ngiting nakaguhit sa kaniyang labi. At kasabay nang pagtingin niya sa akin ay ang pagpunas niya sa luhang kumalat sa aking pisngi sabay hawak dito, “Shhh~”

“Benjo, you‘re more than enough too. Mas makakahanap ka pa ng mas better sa akin, and not just better baka best pa. And if you‘re wondering kung magbabago ba ang tingin ko sa iyo, the answer is no. Hindi dahil nagkaroon ka ng feeling sa akin and I rejected you ay magbabago na. Kung anong pinakita mo sa akin, iyon na iyon. But for the mean time, lalayo muna ako sa iyo para mag-heal ka. Pero if you need someone to talk with, nandito lang ako; your friend.” Nakangiting saad niya sabay tayo’t naglakad papalayo sa kinaroroonan namin.

Ako naman ay napasalamukot nalang ng mukha at pinagpatuloy ang pag-iyak. I won‘t hate him dahil hindi niya ako sinagot.

Hindi ako lalaban. Hindi ko rin siya pipilitin na mahalin ako, dahil sa una palang ay alam ko na hanggang kaibigan lang talaga ang mabibigay niya sa akin. Why? Dahil alam kong may mahal siyang iba. Alam kong hanggang ngayon ay may naninirahan pa sa kaniyang puso. Ramdam ko ang bagay na iyon. Ramdam na ramdam.

Sadiyang nagbabakasakali lang talaga ako na magustuhan niya rin ako, pero as what I have expected, kaibigan lang talaga. Pero at least, nasabi ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Wala na akong aalahanin at iisipin pa. Makakatulog na rin ako nang maayos.

Pinunasan ko na ang luhang kumalat sa pisngi ko, kasabay niyon ay tumayo na ako mula sa aking kinauupuan. Siguro sa ngayon, lalayo na muna ako sa kaniya, upang mag-pagaling.

Paalam, Caleb. Hanggang sa muli.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now