19

710 44 4
                                    

Bryan’s Point of View

“Bryan, maraming salamat dahil nagenjoy ako. Lalo na sa mga pagkain na inihanda mo. Maraming-maraming salamat talaga!” Nakangiting pagpapasalamat sa‘kn ni Caleb sabay inom ng tubig. Napangiti naman ako.

“You‘re always welcome, my Caleb.”

Kakatapos palang namin kumain at mapasahanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa Plaza. It’s already 8:30 PM in the evening, at mabuti nalang napagpaalam ko si Caleb sa Tatay niya kanina dahil kung hindi ay baka kanina pa siya napauwi. Hayst! At saka, grabe rin ang hirap na dinanas ko kanina nang pinagpapaalam ko si Caleb.

—Flashback—

“Manong Fernan, magandang hapon po.” Kinakabahang saad ko sa Tatay ni Caleb; Manong Fernan, habang nakatayo na malapit sa harap ng bahay nila.

Bigla naman ‘tong napaharap sa‘kin sabay tayo mula sa kaniyang pagkakaupo sa damuhan, kasabay din nito ang paglapit niya sa may gripo rito sa harap ng bahay nila. Nagtatanim kasi siya ng mga punla, hindi ko lang alam kung anong klasing mga punla ‘yun ngunit pansin ko sa mga dahon ng mga punlang kaniyang tinatanim ay mga talong, sili, at okra ang mga ‘to.

“Anong sadiya mo rito? ‘Di ba may pasok ka? At saka, kung ang anak ko ang pinunta mo rito ay wala siya, nasa School pa ‘yon hanggang ngayon.” Malamig na saad nito sa‘kin habang naghuhugas ng kaniyang mga kamay sa kanilang gripo.

“Ahmm... Manong Fernan, actually po hindi si Caleb ang sadiya ko rito, ikaw po; ikaw po ang sadiya ko.” Mahinahong saad ko sa kaniya na dahilan upang mapatingin ito sa‘kin nang may pagtataka. Kasabay din nito ang pagtapos niya sa kaniyang paghuhugas sabay lapit sa‘kin ng konti.

T*ngina! Nakakaba, parang nasa harap ako ng hukuman habang sinasabi ang aking mga nagawang kasalanan. Hindi rin ako makahinga ng maayos, tila bang sinasakal ako ng aking kaba at takot.

“Bakit ako? Anong kailangan mo sa‘kin?” Baritonong saad nito sa‘kin nang makalapit siya ng konti sa aking kinaroroonan. Napalunok naman ako ng laway dahil sa mga tanong nito. T*ngina! Ang hirap.

“M-Manong Fernan, mag-papaalam po sana ako na hiramin si Caleb mamaya pong gabi. Meron po kasi kaming gagawin, at baka late na po siyang umuwi. Pero ‘wag po kayong mag-alala dahil ako rin po ang mag-hahatid sa kaniya pauwi rito.” Saad ko sa kaniya sabay ngiti ng nagaalinlangang.

Bigla naman nanlisik ang mga mata nito at lalong lumapit sa kinaroroonan ko, ako naman ay napaatras ng konti sabay lunok dahil sa pinapakita nito. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako natakot ng ganito, at sa magulang lang ni Caleb, dahil sa mga magulang ko ay ni-isang takot sa kanila ay wala akong nararamdaman lalo na’t hindi naman nila ako pinapagalitan as long as wala akong naapakang tao or ginagawang masama.

“Una sa lahat, Bryan, hindi bagay ang anak ko kaya huwag mong mabanggit-banggit ang salitang hiram! Maliwanag ba... Bryan?” May diin na saad nito na agad-agad ko naman tinanguan.

“O-Opo, maliwanag po... P-Pasensya na rin po.” Nauutal kong saad sa kaniya. Napangiti naman ‘to sabay tap sa‘king kaliwang balikat na sobrang ikinagulat ko.

What the? Totoo ba ang nakikita at nararamdaman ko ngayon? Kanina para siyang mangangain ng tao tapos ngayon tila naging siyang anghel. He smiled and tapped me on my shoulder without hesitation.

“Mabuti naman nagkakaintindihan na tayo. Ngayon, bago kita payagan sa hinihiling mo paki-ulit muna ang paghingi mo ng permiso sa‘kin katulad ng kanina. Ngunit mas maganda at mas magandang pakinggan, at lalo na mas maginoo.” Ma-otoridad nitong saad sa‘kin na agad ko naman sinunod.

Agad akong tumayo ng maayos na parang isang sundalo. Inayos ko rin ang boses ko sa pamamagitan ng pagubo, kasabay din nito ang pagayos ko sa aking buhok at kasuotan na tila bang magha-harana sa isang magandang dilag na nasa loob ng kanilang bahay. Ngunit too bad, dahil nasa School siya ngayon.

“Manong Fernan, magandang hapon po! Mag-papaalam po sana ako sa inyo na ako po ang kasama ni Caleb mamaya, at baka late na po siyang umuwi mamaya sapagkat meron po kaming gagawin. Ngunit huwag po kayong mag-alala dahil ako po mismo ang maghahatid sa kaniya rito.” Ma-ginoo kong saad sa kaniya.

“Sige, pumapayag ako. Ngunit sa isang kondisyon, kapag may nangyaring masama sa anak ko ay ihanda mo ang sarili mo dahil ikaw ang mananagot.” May diin na saad nito na agad ko naman tinanguan.

—End of Flashback—

“Bryan, hindi pa ba tayo uuwi? Baka kasi pagalitan ako ni Tatay, lagot na naman ako sa kaniya kapag nagkataon.” Saad sa‘kin ni Caleb at bakas sa kaniyang mukha ang pagaalala. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa inasal nito. Hayst! Sobrang cute niya talaga.

“Don’t worry, Caleb, napagpaalam na rin naman kita sa Tatay mo and he said yes kaya naman ‘wag ka ng mag-alala pa. And also, ‘wag mo na rin itanong kung papaano.” Nakangiti kong saad sa kaniya na dahilan upang magtaka ito.

“Anyway, kumusta naman? Hindi ka ba nilapitan ng The Elite pagkatapos kitang iwan sa classroom niyo kanina?” Pang-iiba ko sa usapan namin.

“Okay lang, actually. Bali ang research paper nalang niyan ang poproblemahin ko. And about sa The Elite naman ay hindi na sila lumapit nang mawala ka, pero kahit na ganoon iba pa rin ang kutob ko. Parang meron silang pinaplanong ‘di maganda sa‘kin, kaya naman ‘di pa rin ako kampante.” Saad nito at bakas sa kaniyang tono ang kaba, kaya naman agad kong hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa mesa.

Sobrang hirap para sa‘kin na makita ang taong mahal mo na nasasaktan dahil sa‘yo. Alam kong ako ang dahilan kung bakit siya pinag-iinitan ng The Elite, ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin ako papayag na saktan nila si Caleb dahil ako na mismo ang makakalaban nila kapag nangyari ‘yon, wala akong paki kung sino pa sila.

“Shhh~ Huwag kang mag-alala dahil nandito lang ako. I‘ll protect you no matter what. Just trust me.”

Pinagusapan pa namin ang ibang bagay bukod sa The Elite. Nagkwento rin ako ng mga nakakatawang kwento para naman kahit papaano ay matawa siya. Tila naging mabigat kasi ang pakiramdam nito nang pagusapan namin ang The Elite, at nararamdaman ko ‘yon; mahal ko siya, ‘e.

Mga ilang sandali habang naguusap kami ay biglang nagring ang cellphone ni Caleb, ‘Ringing’, na agad naman niyang sinagot sabay senyas sa‘kin na wait lang, na tinanguan ko naman.

“Hello, T-Tay.”

Nang sabihin ni Caleb ang salitang ‘yun ay bigla akong kinabahan kaya naman agad akong napatingin sa relo sa aking wrist at laking gulat ko nalang nang makita ko ang oras; 10:30 PM. Dahil sa masaya naming paguusap ni Caleb ay hindi na namin namalayan ang oras. Bwisit! Yari na naman ako nito sa Tatay niya.

“Sige po, Tay, pauwi na rin po kami.”

Pagkatapos niyon ay binaba niya na ang kaniyang cellphone sa mesa sabay tingin sa‘kin. Ngunit, ang tingin na binibigay niya ay nagbibigay ng takot sa‘kin. Hindi ko alam kung ano ‘to ngunit sana naman hindi ang iniisip ko; ang paguwi ko rin sa bahay nina Caleb.

“Bryan, uwi na tayo. Tapos sabi ni Tatay umuwi ka muna raw sa‘min may paguusapan hata kayo.” Saad niya sa‘kin sabay tawa ng may pagaalinlangan, tinanguan ko naman. Patay!

Tumayo na kami sa aming kinauupuan at magkahawak kamay na naglakad patungo sa parking lot kung nasaan ang kotse ko. At habang naglalakad kami ay nakakaramdam ako ng kaba and the same time pagsisisi. Kaba, dahil alam kong mag-haharap na naman kami ng Tatay niya, na tila bang nasa hukuman na naman ako. Pagsisisi naman dahil ang plano ko ay hindi nangyari; ang pagconfess ulit kay Caleb at paghingi sa kamay nito ng tuluyan.

Ngunit kahit na ganoon ay boy scout hata ako; laging handa. Dahil simula pa lang ay alam ko na mangyayari ang bagay na ‘to, kaya naman I always have a back up plan. At ‘yon ang gagamitin ko mamaya. Hindi ko lang alam kung magiging maganda ba ang resulta nito, pero kahit anong resulta lalabas ay haharapin ko.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now