1

2.9K 111 1
                                    

Caleb’s Point of View

“Tay, aalis na po ako, ikaw na po ang bahala kay Jefferson!” Sigaw na pagpapaalam ko kay Tatay habang nilalagay ang mga libro’t gamit ko sa aking bag mula sa mesa rito sa sala.

“Sige, mag-ingat ka! Jeffy, say goodbye na kay Mommy.” Sigaw naman ‘to mula sa kusina, bigla naman akong napatawa nang mahina nang marinig ko ang sinabi niya sa anak ko.

Ewan ko ba, pero since na maisilang ko si Jefferson ay tinuturo na sa kaniya ni Tatay na itawag sa‘kin ay Mommy.

Nang malagay ko na lahat ang mga libro at gamit ko sa aking bag ay sinuot ko na ‘to at dali-dali nang pumunta kung saan naroroon sina Tatay at ang anak ko; sa kusina.

Nang marating ko na ang kusina ay agad-agad ko ng nilapitan ang anak ko na prenteng nakaupo sa high chair habang kumakain nang mashed potato na niluto ni Tatay para sa kaniya.

“Gotta go now, Baby. Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo si Lolo, okay?” Nakangiting saad ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisngi kung saan siya may kiliti na dahilan upang mapatawa ‘to ng mahina.

“Bye bye po, Mommy!”

“Bye, baby!”

Pagkatapos non ay pinuntahan ko naman si Tatay na ngayon ay bising-bisi sa paghuhugas ng mga pinag-kainan namin kanina.

“Aalis na po ako, Tay.” Nakangiting saad ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang pisngi, napatigil naman ‘to sa kaniyang paghuhugas sabay hugas sa kaniyang kamay sabay harap sa‘kin.

Bigla naman akong kinabahan dahil sa bigla-biglang pagharap nito. Hindi ba naman ako kakabahan kung ang Tatay mo ay dating sundalo? Hindi lang basta sundalo, dahil isa siya sa mga may matataas na posisyon sa kanilang kampo, tapos idagdag ko pa ang napaka-seryosong tingin na binibigay nito.

“B-Bakit po, Tay?”

May kinuha naman ‘to sa kaniyang bulsa at nakita ko ang isang maliit na puting sobre sabay abot sa‘kin na dahilan upang tignan ‘to nang may pagtataka.

“Heto, gamitin mo ‘yan. Pasensya kana dahil ‘yan lang muna ang maibibigay ko sa‘yo, pero huwag kang mag-alala kapag nakahanap na muli ako ng maayos na trabaho, mas malaki pa riyan ang ibibigay ko. Sa ngayon, pagkasiyahin mo muna ‘yan.” Seryosong saad nito sa‘kin sabay lagay sa dalawa kong kamay ang sobre na agad-agad ko naman tinanggihan at balik sa kaniya.

“Tay, ‘wag na po, sa inyo na po ‘yan. Meron pa naman po akong natitirang pera lalo na’t araw po biyernes ngayon, kaya naman sa inyo na po ‘yan, gamitin niyo po para sa sarili niyo or dito sa bahay. At saka, Tay, ‘wag ka pong humingi nang pasensya sapagkat naiintindihan ko naman po ang sitwasyon natin. At saka, sobrang laki nga po ng pasasalamat ko sa inyo dahil sobrang laki ng naitulong mo po sa‘kin; sa‘min ng anak ko.” Saad ko sa kaniya habang pinipigilang umiyak, bigla naman ‘tong napangiti sa sinabi ko sabay yakap sa‘kin, niyakap ko naman ‘to ng pabalik.

“Maraming-maraming salamat, Nak.” Saad nito habang hinihimas niya ang likod ko na dahilan upang maiyak na ako.

“Maraming salamat din po, Tay.” Pagpapasalamat ko sa kaniya sabay kalas sa aming yakapan at humarap na may matamis na ngiti sa aming labi.

“Ano ba ‘yan! Aalis na nga lang ako may padrama-drama pang nalalaman. Anyway, Tay, alis na po ako, baka malate pa ako. Basta ikaw muna pong bahala sa anak ko.” Natatawang saad ko sa kaniya na dahilan upang mapatawa ‘to ng mahina.

“Sige, mag-ingat ka.” Nakangiting saad naman nito na agad-agad ko naman tinanguan. Pagkatapos non ay naglakad na ako palabas sa bahay.

Nang makalabas na ako mula sa bahay ay agad na akong pumunta sa daan na nasa harapan lang namin na kung saan ay mayroong waiting shed. Dito ako naghinhintay ng masasakiyan papunta sa BSAC (Benigno S. Aquino College); kung saan ako nag-aaral bilang isang 4th year student Bachelor of Elementary Education (BEEd), and this year ay magtatapos na rin ako kasabay non ay magtatake ako ng Board exam para makakuha ng license para magturo.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now