10

1K 59 1
                                    

Caleb’s Point of View

“Caleb, dahan-dahan ka nga sa pagtakbo mo o kaya naman huwag ka ngang tumakbo. Bente-anyos kana pero mapasahanggang ngayon ganiyan pa rin ang kilos mo, para kang itik na nakawala sa kulungan.” Pangangaral sa‘kin ni Tatay habang hawak-hawak niya ang anak ko na si Jefferson. Napasimangot naman ako dahil sa pangangaral nito, ngunit agad ko rin sinunod ang utos nito na maglakad nalang.

“Sorry po, Tay.” Mahinang saad ko sa kaniya, napatingin naman ako kay Bryan mula sa likod namin nang marinig ko ‘tong tumawa ng mahina, agad ko naman ‘tong tinignan ng masama na dahilan uoang mapatigil ‘to. Ako naman ay ibinalik nalang ulit ang tingin ko sa nilalakaran namin.

Alas-sinko na ng hapon, at nandito kami ngayon sa Mall malapit sa baranggay kung saan kami naninirahan. Actually, kadarating palang namin dito, kaya naman panay nalang ang takbo ko nang makapasok kami, sobrang excited kasi ng nararamdaman ko. Anyway, sinakiyan namin ang kotse ni Bryan papunta rito, mabuti nalang hindi sila nagaway sa loob ng kotse dahil kung oo baka kanina pa kami nakaratay sa hospital.

“Tay, saan po niyan tayo? Hindi muna po ba tayo kakain? Gutom na gutom na po kasi ako, ‘e.” Nakasimangot kong tanong sa kaniya. Napabuntong hininga naman ‘to.

“Sige, kumain muna tayo sa JolliFly, para naman puno ang mga kalamnan ninyo mamaya.” Nakangiting saad nito na dahilan upang mapatalon ako’t mapatawa ng malakas. Tila bang isa akong bata na bibigyan ng candy.

Nang mapansin kong napapatingin na sa‘kin ang mga tao ay tumigil na ako sa pagtalon at pagtawa sabay harap kay Tatay na ngayon ay sobrang blanko ng tingin sa‘kin. Napatingin din ako kay Bryan na ngayon ay pinipigilang mapatawa ulit.

‘Tsk! Humanda ka talaga sa‘kin mamaya, Bryan, kanina mo pa ako pinagtatawanan, huh?!’ Inis na saad ko sa sarili ko sabay harap muli sa nilalakaran namin.

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa JolliFly upang kumain. Ako ang unang naglalakad habang nasa aking likod sina Tatay na hawak-hawak si Jefferson at si Bryan, tahimik lang ang mga itong naglalakad, hindi hata nila feel ang saya ngayong araw.

Mga ilang sandali pa, nang makarating na kami sa JolliFly ay dali-dali na kaming pumasok. Agad naman akong pumila sa counter habang nakatingin sa digital menu board upang makapamili kung anong o-orderin ko, para naman kapag ako na ang susunod sa counter ay alam ko na ang o-orderin ko.

“Ahmm... Ano kayang o-orderin ko? Sobrang hirap naman pumili! Halos masasarap lahat!” Mahinang saad ko habang nakahawak sa aking baba.

Mga ilang sandali pa bigla akong nabalik sa ulirat nang biglang may kumalabit sa likod ko, kaya naman agad akong humarap sa likod ko upang malaman kung sino ang kumalabit sa‘kin. Ngunit, pagkaharap ko palang sa taong ‘yon ay parang matatanggalan na ako ng hininga, t*ngina! Ang hot at guwapo!

“K-Kuya, b-bakit po?” Tanong ko sa kaniya, bigla naman ‘tong napangiti na dahilan upang makita ko ang mapuputing mga ngipin niya. T*ngina! Lalong pumopogi kapag ngumingiti.

“Ahmm... Nothing, I'm just standing here and suddenly na kalabit kita, I'm sorry. Pero I think it's good na nakalabit kita.” Tumatawang saad nito.

Tumawa rin naman ako, ngunit awkward lang, hindi ko naman kasi gets ang sinabi nito. Hindi ko alam kung joke ba ‘yun o ano. Pero seriously, sobrang guwapo niya!

Mga ilang sandali pa ay sabay naman kaming napatingin sa gilid namin kung saan ang entrance and exit nang biglang may mag-salita, “Ano hindi ka pa ba o-order? Akala ko ba gutom ka na?” Monotonous na saad sa‘kin ni Bryan habang palipat-lipat ang tingin sa‘min ng lalaki.

“Ahmm... Mag-oorder palang ako, at saka, hindi pa naman ako ang next sa counter, ‘e. Kaya don’t worry.” Nakangiting saad ko sa kaniya sabay turo sa counter, ngunit lalo lang sumama ang itsura nito na ipinagtaka ko.

“Ako na ang mag-o-order, pumunta kana  lang kung saan nakaupo sina Tito at si Jefferson.” Monotonous na saad nito habang nakaturo kung saan naroroon sina Tatay at Jefferson na agad kk naman sinunod.

“O-Okay...”

Nagsimula na akong mag-lakad patungo sa kinaroroonan nina Tatay at hindi ko na tinignan pa ang lalaking guwapo kanina. Ngunit, habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang mapakunot ang aking noo dahil sa inasal ni Bryan. Hindi ko alam kung bakit niya pinakita ang asal na ‘yun sa‘kin. Meron ba akong ginawang masama sa kaniya? Sa pagkakatanda ko wala naman akong ginawa, a’. At saka, kanina ang saya-saya niya pa, pinagtatawanan pa nga niya ako dahil sa pagsermon sa‘kin ni Tatay, ‘e. Tsk! May mood swing siguro.

Nang makarating na ako kung saan naroroon sina Tatay ay padabog akong umupo sa upuan na dahilan upang mapakunot ang noo ni Tatay nang tignan ako, kasabay din nito ang pagtingin ng ibang tao sa‘kin, ngunit saglit lamang ‘yun.

“Caleb, anong problema mo? Nasa publiko tayo at wala tayo sa bahay, tandaan mo. Kaya ‘wag mong ipakita ang ganiyan mong side. Napano ka ba, huh?!” Mahina ngunit iritableng saad nito sa‘kin.

“Pasensya na po, may nangyari lang.” Mahinahong saad ko sa kaniya na dahilan upang sumama rin ang timpla ng mukha nito.

“Caleb, ‘wag mo akong umpisahan. Hindi ako manghuhula para hulaan iyang kabwisitan mo, anong nangyari?” Muling saad nito, ngunit hindi ko na lamang pinansin at sinagot pa ‘yun, bagkus yumuko nalang ako.

Mga ilang sandali pa ay agad akong napatingala nang maramdaman kong may naglalagay nang pagkain sa mesa namin, at nakita ko naman si Bryan habang nasa kaniyang likod naman ang isang stuff na may dala-dala ring mga pagkain.

Nang matapos na nilang ilagay ang mga pagkain ay agad nang umupo sa tabi ko si Bryan. Ako naman ay pinagmasdan lang ang mga binili nito, sobrang dami; may one bucket chicken, limang sundae, tatlong large fries at burger with cheese, limang rice, at isang family size na spaghetti at coke float. At meron pang mashed potato, siguro para sa anak ko ‘yun. T*ngina! I wonder kung magkano lahat ang binayad nito?

“Napakarami naman ng inorder mo, Bryan. Magkano lahat ang binayad mo rito? Wait lang, heto...” Saad ni Tatay sabay kuha ng limang libo sa kaniyang wallet at abot kay Bryan na agad naman niyang tinanggihan.

“Naku po, Tito, sa inyo na po ‘yan. Hindi naman po mahal ang binayad ko, ‘e. At saka, kahit mahal po ay ako na po ang bahala, konti lamang nga po ‘yan, ‘e.” Nakangiting saad ni Bryan habang inilalayo niya ang kamay ni Tatay na may hawak-hawak na pera.

“O, sige. Ikaw ang bahala. Maraming salamat!” Pagpapasalamat ni Tatay na dahilan upang mapangiti lalo si Bryan.

“Wala pong anuman, Tito.”

“Kumain na tayo, bago pa lumamig ang pagkain. Sobrang lamig pa naman dito.” Natatawang saad ni Tatay na ikinatawa namin. Halatang kakalabas palang niya.

Tahimik lang kaming kumakain. At habang kumakain kami ay hindi ko mapigilang mapaisip sa pagiging close nina Tatay at Bryan. Meron ba silang pinag-usapan na hindi ko alam? Meron ba silang sikreto na hindi ko alam? Tapos hindi pa ako makapaniwala kasi Tito na ang tawag ni Bryan kay Tatay!

Imagine, nang isang araw sobrang lakas ng tensyon ng bawat isa sa kanila tapos one day lang ay bigla silang naging close na tila bang mag-kaibigan sila. Argh! Hindi ko na alam, kakain nalang ako!

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now