18

757 48 3
                                    

Caleb’s Point of View

“Hi! Caleb, may gustong kumausap sa‘yo, and nasa Plaza siya ngayon. Gusto mo bang ihatid kana namin o ikaw nalang mag-isang pumunta?” Biglang saad ng isang boses na dahilan upang mapatalon ako ng konti sa aking kinauupuan at mapatigil sa pagsusulat.

Kasabay din nito ang paghawak ko sa aking dibdib dahil sobrang bilis nang pagtibok ng aking puso. Agad naman akong napatingin doon at nakita ko sina Nick at Zack na nakasandal sa may pintuan dito sa classroom ko na seryosong nakatingin sa‘kin habang nakapamulsa.

“Bakit kayo nang-gugulat, huh? At saka kanina pa ba kayo riyan?” Nakakunot-noo kong tanong sa kanila. Napailing naman ang mga ‘to bilang sagot.

“At saka, sino pala ang gustong kumausap sa‘kin at bakit sa Plaza pa? Hindi ba pwedeng dito nalang? Importante ba siya? Or may importate ba siyang sasabihin kung sino man ‘yang tinutukoy niyo.” Monotonous kong saad sa kanila’t binalik nalang ang aking tuon sa pagsusulat.

“Secret, bawal namin sabihin sa‘yo.” Rinig kong saad naman ni Nick na dahilan upang mapabuntong-hiniga ako. Hayst! Sinaniban na naman siya ng pagka-childish niya.

“Okay lang kahit hindi niyo sabihin. At saka, wala rin naman akong paki. Kung sino man ang taong ‘yon pakisabi nalang na hindi ako makikipagusap sa kaniya dahil may hinihintay pa ako.” Seryosong saad ko sa kanila habang nagsusulat pa rin.

6:30 PM na nang gabi, at nandito ako ngayon sa classroom ng last na pinasukan ko. Kanina pa ako nandirito dahil sinabi sa‘kin ni Bryan ay hintayin ko raw siya dahil susunduin niya ako.

Ngunit, hindi ko lang alam bakit hanggang ngayon wala pa siya. May ginagawa ba siya? Ewan! At saka, ni-isang response sa mga text ko sa kaniya ay wala akong natanggap, sobrang dami ko na rin na missed call sa kaniya ngunit ni-isang call-back ay hindi niya ginawa na napaka-unusual.

Mga ilang sandali pa ay nabalik naman ako sa ulirat nang biglang may mag-salita mula sa harapan ko, kaya naman napatingin ako roon at nakita ko sina Zack at Nick na sobrang seryosong nakatingin na naman sa‘kin.

‘G*go ba ang mga ‘to? Palagi nalang sila nang-gugulat! Tapos sulpot pa sila nang sulpot kahit saan, para silang mga mushrooms.’ Inis na saad ko sa sarili ko; ang creepy.

“Hayst! Kung si Bryan ang hinihintay mo, ‘wag mo na siyang hintayin kasi nakauwi na ‘yon kanina pa. Kaya naman kausapin mo na ang taong gustong kumausap sa‘yo, kanina ka pa kaya hinihintay niyon.  Anyway, tara na? Or ikaw nalang mag-isang pumunta roon?” Seryosong saad sa‘kin ni Zack.

“U-Umuwi...?” Mahinang pang-uulit ko.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala; hindi ako makapaniwala na nagawa ni Bryan ‘yon? Alam kong we‘re not together yet kaya naman it’s not a big deal kahit gawin niya pa ang bagay na ‘yon, pero sana naman huwag niya akong kalimutan lalo na kung nangako siya.

“A-Ako nalang, m-malapit lang naman ‘yun dito. At saka, kaya ko naman mag-isa.”

“Sige, mag-ingat ka. Tara na, Nick!” Nakangiting pagpapaalam naman ulit sa‘kin ni Zack na tinanguan ko lang. Kasabay din nito ang pagakbay niya sa kaniyang kakambal sa si Nick sabay labas sa classroom.

Nang mawala na sila sa paningin ko ay dali-dali ko nang iniligpit ang mga gamit ko’t inilagay na ang mga ito sa loob ng aking bag. Pagkatapos kong gawin ‘yon ay agad na akong lumabas sa classroom at nagsimula nang maglakad palabas sa School na ‘to.

Habang naglalakad ako ay biglang sumasagi sa aking isipan kung bakit niya nagawa ang bagay na ‘yon; ang pagiwan sa‘kin ni Bryan. Hindi ko alam kung nakalimutan niya ba ako o ano. Hindi ko rin alam kung meron ba akong ginawang kasalanan sa kaniya para gawin niya ang bagay na ‘yon. Argh! Nakakainis!

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now