9

988 65 3
                                    

Caleb’s Point of View

“O, gising kana pala. Umupo’t kumain kana rito. Pagkatapos mong kumain maligo kana rin, mag-bihis ka ng casual, dahil may pupuntahan tayo; kasama si Jefferson.” Bungad agad sa‘kin ni Tatay pagkababa ko galing sa kwarto ko. By the way, kakagising ko lang.

Napakunot naman bigla ang noo ko dahil sa pagbungad nito sa‘kin. Sa pagkakatanda ko wala naman siyang sinabi sa‘kin kagabi nang mag-kaayos kami tungkol sa pagalis namin ngayon. Hindi ko rin inaasahang aalis kami ngayon dahil wala naman akong natatandaang event, kaya naman sobrang lakas nalang ng loob kong magising ng maaga dahil ngayon ang espesyal na araw ni Bryan; ang 1st anniversary niya bilang manliligaw ko.

“Morning po, Tay. S-Saan po ba tayo pupunta, mukhang biglaan po, huh?” Tanong ko sa kaniya habang naglalakad patungo kay Jefferson na ngayon ay nakaupo sa kaniyang high chair dito sa kusina.

“Mamasiyal tayo. Pupunta tayo kahit saan, basta kung saan tayo mag-eenjoy, especially ikaw. Naka-pagset na ako ng mga places na pupuntahan natin, at alam kong mag-eenjoy ka.” Masayang saad nito habang naghuhugas ng mga plato na dahilan upang makaramdam ng kaba at the same time saya.

Kinakabahan kasi baka hindi niya ako payagang umalis ngayon na dahilan upang hindi ako makasama kay Bryan sa pupuntahan namin ngayon, kahit hindi ko pa alam kung saan kami pupunta. At saka, kung ‘di ko makakasama si Bryan ngayon ay paniguradong magtatampo ‘yun o magagalit sa‘kin dahil nga ngayon ang espesyal na araw niya.

Aside from that, masaya ako dahil sa buong paninirahan namin dito sa nilipatan namin nina Tatay ay ngayon palang siya nagyaya sa mga ganitong bagay; pamamasiyal. Sobrang tagal na nga simula nang pumunta ako sa Mall upang mamasiyal; nang nabubuhay pa si Mama.

Well to be honest, nakakapunta naman na ako sa Mall ngayong panahon nagaaral ako, ‘e.  Pero pumupunta lang ako roon upang bumili ng mga school supplies or something na school related, pagkatapos kong bumili ay uuwi na, hindi na ako mag-iikot pa roon. Kaya naman sobrang sayang kung irerefuse ko ang pagyaya ni Tatay, lalo na’t meron na pala ‘tong plano.

“Ahmm... Tay, pwede po bang ilipat nalang natin sa ibang araw? May pupuntahan kasi ako ngayon,‘e.” Nag-aalinlangang saad ko sa kaniya sabay upo sa upuan kung saan katabi ni Jefferson.

Bigla naman akong napaatras ng konti sa aking kinauupuan nang biglang humarap nang blanko sa‘kin si Tatay sabay punas ng kaniyang mga kamay sa harap ng kaniyang suot-suot na apron.

“Saan ka naman pupunta? Sa pagkakaalam ko wala ka naman mga school projects, para pumunta ka sa mga bahay ng mga kaklase mo. At saka, sabado ngayon, kung may importate ka man pupuntahan ngayon ay ipabukas mo nalang.” Seryosong saad nito na dahilan upang mapalunok ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin o idadahilan ko. Hindi ko rin alam kung mag-sisinungualing pa ba ako upang makasama ako kay Bryan. Argh! Bahala na, kung anong masabi ng bibig ko, ‘yun na ‘yon!

“N-Nakalimutan ko po, sa monday palang po pala...” Mahinahong saad ko sa kaniya na dahilan upang mapangiti ito sabay balik sa kaniyang ginagawa sa sink.

Napasalamukot naman ako nang mukha nang makatalikod na ‘to! T*ngina, sa lahat ng mga salita o dahilan na pwedeng ilabas ng bibig ko ay ‘yun pa! Hindi ko na niyan alam kung paano ko sasabihin kay Bryan ang bagay na ‘to; ang hindi ko pagsama sa kaniya slash hindi pagcelebrate ng espesyal na okasiyon namin ngayon dahil may family bonding kami.

T*ngina!

Habang nagiisip ako ng paraan kung paano ko sasabihin kay Bryan ang tungkol sa bagay na ‘to ay napagdesisyonan kong ituon ko muna ang aking pansin sa anak ko na si Jefferson. Kinuha ko ang bowl nang kinakain niya, at sinimulan ‘tong sinubuan.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now