13

836 56 4
                                    

Jerald’s Point of View

“Jerald, where are you going? Bakit sobrang importante naman hata ng pupuntahan mo? At nagmamadali ka pa?” Saad sa‘kin ni Lolo Gorge habang binibigyan ako nito ng nakakalokong tingin at ngiti na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng newspaper.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi nito, nakakasawa! Everytime na aalis kasi ako ay palaging ganito ang sinasabi niya and I know what he meant; akala siguro niya ay magkakaroon na ulit ako ng kasintahan everytime na aalis ako. Pero alam ko naman sa sarili ko na alam niya na may hinihintay pa ako.

“Lolo Gorge, I’m just going to my Company para mag-trabaho. And besides, stop what you’ve thinking of, because it’s wrong at hindi mangyayari ang bagay na ‘yon. At saka, alam mo naman na hindi ko pa pinag-iisipan ang bagay na ‘yan, ‘di ba?” Seryosong saad ko sa kaniya.

Bigla naman ‘tong napatingin sa‘kin sabay lagay sa lamesita ang binabasa niyang newspaper, kasabay din nito ang pagkuha niya sa iniinom niyang tea and he take a sipped then nilagay niya ulit ‘to sa lamesita.

“Tsk! I’m just testing you, Jerald. Tinitignan ko lang kung mapasahanggang ngayon ay mayroon ka pang pagtinginsa lalaking ‘yon, and hindi nga ako nagkakamali; you’re still madly in love to him.” Natatawang saad niya sa‘kin na dahilan upang mapangiti ako.

“Well, kilala mo naman ako, Lolo. I’m loyal and stick to one. I’m gonna wait him, no matter what. At saka, mana lang naman ako sa‘yo, Lolo.” Nakangisi kong saad sa kaniya habang tinataas-baba pa ang aking mga kilay. Napatawa naman ‘to.

“Apo nga talaga kita, sobrang tatag mo. I remember nang kasing edad pa kita, naghintay din ako nang panahon na ‘yon; sobrang tagal nang paghihintay ko. At kahit tutol pa ang mga magulang ko ay pinagpatuloy ko pa rin... Nanalangin ako gabi-gabi, and one day natupad din ang panalangin ko at dumating siya; bumalik siya.”

Nang matapos niyang sabihin ang mga nangyari sa past niya ay biglang lumungkot ang expression nito. Tila bang sobrang bigat ang mga dinadala niyang problema dati habang kinekwento niya ang past nito, at nararamdaman ko ‘yon.

“Then, what happened? Nagkabalikan ba kayo or something? Nasaan na siya ngayon?” Sunod-sunod kong tanong sa kaniya, bigla kasi akong na-curious sa susunod na nangyari nang bumalik ang kasintahan niya dati.

“Tsk! Sobrang dami mo naman tanong, umalis ka na nga lang. Hindi pa ngayon ang tamang panahon upang sabihin ko sa‘yo ang mga bagay na naranasan ko noon, dahil baka one day bigla ka nalang sumuko.” Seryosong saad nito na agad ko naman tinanguan.

“Okay, hihintayin ko ang panahong ‘yan, Lolo. Pero ito lang ang sasabihin ko sa‘yo, Lolo, no matter what happen ay hindi ako susuko, pangako ‘yan.” Nakangiti kong saad sa kaniya with full of determination and confidence.

“I hope so, Jerald... I hope so.” Huling saad nito sabay kuha muli sa binabasa niyang newspaper na nasa lamesita at binasa ito muli.

Ako naman ay hindi nalang pinansin pa ang huling sinabi nito, bagkus ay naglakad na ako patungo sa pinto’t binuksan ‘to. Nang makalabas na ako sa mansion ay agad na akong nagtungo sa garage. Nang makarating na ako roon ay bumungad sa‘kin ang mga collection kong sasakiyan.

Well, I love collecting cars. Especially since Lolo has a Car Company; Marlon A+, which has the most expensive and high quality cars in the World.

Nagtungo na ako sa kotse na sasakiyan ko ngayon; ang Black Bugatti La Voiture Noire, one of my favorites cars sa mga collection ko. Actually, ngayon ko lang ‘to sasakiyan papunta sa Company ko dahil usually White BMW M5 ang sinasakiyan ko papunta roon. Well, White BMW M5 ay isa rin sa mga paborito kong sasakiyan, pero hindi kagaya ng pagiging paborito ko sa iba, dahil ang sasakiyan na ‘yon ay may value sa‘kin, dahil ‘yon ang unang sasakiyan ko na niregalo sa‘kin ni Lolo noon.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now