22

708 43 2
                                    

Benjo’s Point of View

“Sir, okay lang po ba kayo? Kanina pa po kasi kayo nakatulala. Tapos bigla-bigla ka nalang pong aatras nang tawagin kita, may problema po ba? Or nahihiya ka lang bumili?” Muling saad ng pinagkamalan kong babae habang takang nakatingin sa‘kin.

Agad ko naman inasiwas ang mga kamay ko habang umiiling sa harapan niya para sabihin na okay lang ako’t lalo ng hindi ako nahihiya. Nakakagulat; sadiyang nakakagulat lang talaga na lalake siya, hindi ako makapaniwala na lalake siya. Kagaya ng sabi ko kanina ay sobrang ganda at cute niya’t hindi mo talaga iisipin na lalake siya.

Huminga ako ng malalim at lumapit muli sa Stall niya, ayokong isipin niyang wirdo ako or something kaya naman hihingi ako ng sorry, “Hey, I’m sorry dahil sa inasal ko ngayon-ngayon lang. Nagulat lang kasi ako nang sabihin mong lalake ka. Pero don’t worry because I am not against it. Sinasabi ko lang, baka kasi ma-misinterpret ka.” Nahihiyang saad ko sa kaniya sabay kamot sa batok.

Bigla naman ‘tong napatawa ng mahina at buntong-hininga, “Naku, Sir, okay lang po naiintindihan ko naman. At saka, hindi lang naman po ikaw ang nagsasabi niyan, kaya okay lang.” Saad nito at nagpokus na sa kaniyang mga tinitinda.

Ako naman ay tinignan na ang mga pork and organ skewed. Sobrang dami at assorted, at halos lahat sa mga tinitinda niya ay hindi ko pa nakakain, kaya naman agad akong kumuha ng tatlong skewed na parang bulate, pero sobrang bango ng amoy.

“Ano ito?” Takang tanong ko habang hawak-hawak ang tatlong stick. Agad naman napatingin sa‘kin si Cutie sabay tawa ng mahina.

“Halatang ngayon ka palang po kakain niyan, Sir. By the way, Sir, isaw po ‘yang mga hawak mo, masarap po ang mga ‘yan. Nasaan, Sir, iluluto ko na para matikman mo.” Nakangiting saad niya sa‘kin. Ako naman ay agad ng binigay ang mga hawak-hawak kong isaw at pinanood ko lang ‘tong mag-luto.

Mga ilang sandali pa habang nagluluto ito ay biglang may lumapit na lalaki sa kaniya, magkasing-tangkad lang din kami, masculine, at guwapo rin ito. At sa tingin ko ay iisang School lang sila na pinapasukan, magkamukha kasi ng logo ‘yung mga nasa uniform nila, ‘e.

“Nandito ka lang pala? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? At anong ginagawa mo rito, huh? Bakit nagtitinda? At kailan ka pa natutong mag-tinda, huh?!” Saad ng lalaki at bakas sa kaniyang tono ang pagkainis.

Ako naman ay napakunot nalang noo dahil sa pinakitang asal ng Lalaki kay Cutie, well, hindi ko pa alam ang pangalan niya kaya naman binigyan ko muna siya ng nickname, at ako lang ang nakakaalam niyon. Anyway, tila bang biglang kumulo ang dugo ko dahil sa ginawang pagsigaw ng lalaki sa kaniya.

“Hey! Hey! Hey! Could you please calm down? Tinatakot mo siya, ‘e? At saka, pwede bang kausapin mo siya ng maayos? Para kang Tatay kung makapag-salita ka sa kaniya.” Iritableng saad ko sa kaniya na dahilan upang mapatingin sila sa‘kin. Agad naman kumunot ang noo ng lalaki habang palipat-lipat ang tingin sa‘min ni Cutie.

“Sino ka ba? Pwede bang huwag kang makialam, huh? Mabuti pa’t punoin mo nalang ng mga isaw ‘yang bunganga mo para naman matahimik ka.” Galit na saad nito habang binibigyan ako ng nakamamatay ng tingin, kasabay naman nito ang paghawak ni Cutie sa braso ng lalaki na tila bang inaawat niya ito.

Napakuyom na lamang ako ng kamao dahil sa galit na nararamdaman ko sa lalaking ‘to, sa lahat ng mga nakaaway ko ay siya pa lang ang naglakas loob na sagot-sagutin ako, at higit sa lahat ay siya palang ang nagpagalit sa‘kin ng ganito.

“Bakit hindi nalang ikaw ang gumawa sa sinabi mo? Mukhang mas deserve mo pa nga ‘yon dahil sobrang bastos ng bunganga mo. At saka, ikaw? Sino ka ba, huh? Huwag mong sabihin sa‘kin na ikaw ang boyfriend niyan dahil hindi naman halata.” Nakangising saad ko sa kaniya na dahilan upang umigting ang panga nito.

“Ako ba’y iniis mo, huh?”

“Bakit naiinis ka ba?” Balik kong tanong sa kaniya. Nakita ko naman itong napa-sulong ng konti habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Binibigyan din ako nito ng nakamamatay na tingin, ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin talab sa‘kin ang mga ‘yon.

“Tama na, please... Tara na alis na tayo, mag-reresign nalang ako kung ang trabaho ko ang problema mo. Then, if gusto mo ng explanation ko sa pag-uwi nalang natin ie-explain.” Mahinahong saad ni Cutie sabay hawak sa braso ng lalaki, kasabay din nito ang paglakad nila papalayo sa stall.

Ako naman ay napabuntong-hininga nalang dahil sa inasal ng lalaking ‘yun. Hindi ko alam kung sino ang lalaking ‘yun ngunit kakaiba ang nararamdaman ko sa kaniya, parang may gusto siya kay Cutie. Well, nararamdaman ko kasi ‘yon dahil lalaki ako, at lalaki rin siya kaya naman malalaman ko kung may gusto siya sa isang tao.

Mga ilang sandali pa ay napagdesisyonan ko nang umalis kaya naman agad akong nagbunot ng 500 pesos sa aking wallet at iniwan doon kahit hindi ko alam kung magkano ang tatlong isaw at higit sa lahat kahit hindi ko pa kinain ang mga ‘yon. Siguro, ‘yun nalang ang bayad ko dahil sa ginawa kong kaguluhan. Pero ako nga ba ang nang-gulo? Argh!

Naglakad na ako patungo sa may mga sasakiyan na pwede kong sakiyan papunta sa Hotel na tinutuluyan namin. Kahit hindi pa oras ay gusto ko ng umuwi, bigla kasing nawala ang mood ko dahil sa nangyari ngayon. Siguro, dahil na love at first sight ako sa Cutie na ‘yon kaya sobrang lakas nalang ng impact ng nangyari ngayon sa‘kin.

Hayst! Naiinis ako; naiinis ako sa lalaking ‘yon pati sa sarili ko, kasi naman kung hindi sana nangyari ang mga bagay na ‘yon kanina ay sana nakuha ko pa ang pangalan ni Cutie o kaya naman ang number niya man lang. Para naman kahit papaano ay meron pa akong connection sa kaniya, dahil alam ko sa sarili ko na sa makalawa lang niyan ay aalis na kami sa lugar na ‘to upang mag-balik sa Manila.

HIDING SERIES 4: The Business Man's Precious (ONGOING)Where stories live. Discover now