3 | Ship
Chineck ko ang mga hot topics sa internet, hindi naman usap-usapan ang pangyayari kanina. Mukhang sikat pa naman iyong babaeng 'yon dahil siguro sa looks. I won't deny it, she's... appealing. I would say. Malakas yung dating niya kanina, the red hair suits with a matching bun suits her.
Hindi ko alam panong umabot ako dito, kailan pa ako naging stalker? Dedma nga sa akin ang mga bashers.
I did my morning routine, kasama na dun ang gym, mamayang hapon pa ang practice. Bumili ako ng lunch sa karinderya bago tumungo papuntang campus court.
May own covered court ang iilang sports dito sa Murray, our school is known for being good and professional in sports.
Pumasok ako sa nang sinalubong ako ni Jordan, hindi ko klaro kung ano nanamang kailangan nito.
"Cap, sikat mo na lalo. Grabe ka talaga!" anito sabay akbay sa akin. Nagtaka ako kung anong ibig niyang sabihin.
"Hindi mo nakita? May nag post ng picture niyo ni Bea de Vega. Ang cute niyo nga daw tignan, bagay daw kayo!" sabay tawa ni Jordan kaya sumali na rin sa tawanan si Tear.
Umupo ako at kinuha ko ang phone ni Jordan, tinignan ko ang picture na tinutukoy niya. Anak nang? Akala ko naman wala lang yung kahapon, dahil ngayon pala magv-viral.
Top 3 Trending na ang pangalan ko, nangunguna naman yung de Vega at ElTrice. ElTrice? Pinindot ko ito at Elise and Beatrice pala ang meaning.
Yung picture namin kahapon sa court kung saan natamaan siya ng bola ang sumikat. Hindi nga ginawang big deal pero shinip naman.
Nag-scroll pa ako at binasa ang mga posts.
'Super bagay, both athletic and poganda!'
'jojowain po both kimi'
'We made a fanbase na! ElTrice Official, paki-follow nalang po guys :)'
'Sumisikat na lalo si Cap J huhu gine-gatekeep ko yan eh'
'ako nauna kay Bea! can that girl Jandria fight?'
Unsay fight oy? Sainyo na 'yan, jusko. Kahit ibulsa niyo pa, anong gagawin ko jan?
Nag-tweet din si Demi kanina, ginamit din yung hashtag na ginawa ng mga fans.
@/demilopez:
may anak na po kmi ni jandria :( nasa early childhood na po. respeto naman po pls tnx #NoToElTrice@/quinoa.tear:
kabet ka lang! mine na po si jandria@/jordaaan:
mandiri nga kayoPinatulan pa talaga ng dalawang 'to.
"Parang mga tanga lang?" sabi ko sabay abot sa phone ni Jordan. Umiling-iling nalang ako at nag warm-up na.
6pm na nang matapos kami, ang semis ay 2 days from now. We'll be fighting against a private university na nakalaro na rin namin for UTU. Magagaling din maglaro ang players sa University na ito pero natalo namin sila last time.
After I showered, hinintay ko munang matapos sila Demi at Jordan. Sabay na kami magd-dinner saka uuwi.
Habang naghihintay, nags-scroll na muna ako sa Instagram saka lumipat naman sa Twitter. Biglang nag pop-up yung message notification galing kay Tear.
Tignan ko raw ang trending topics ngayon din. Nagulat ako nang trending pa rin ang pangalan ko, kasabay niyon ang 'Apologize to Bea'. Pinindot ko ito at nakitang nag-release nang statement ang Yates Women's Volleyball Team. Akala ko ba wala na 'yon?
Official Statement of Yates Women's Volleyball Team regarding Beatrice de Vega's rumored fight against Jandria Elise Moreta, Captain of Murray's Basketball Team
Good Day!
Yates Sailors Women's Volleyball Team Legal TeamWe are here to inform you that Beatrice de Vega, Jersey number 8 and Captain of Yates Sailors WVT will be resting for the mean time to recover to the forehead injury she got. De Vega is currently in a stable condition now after getting hit by a ball from the latest game of UTU. It wasn't a big fight but de Vega asks for appeal of apology from the other side. Thank you.
What the? Anong appeal of apology? Siya yung may kasalanan, bakit kasalanan ko?
Minessage ko kaagad si coach at mahinahon itong nagsabing siya na mismo ang kakausap sa Yates. Nasisiraan na yata sila ng bait, ngayon niyo ako kontrahin, ako ang nasa tama.
Hindi na ako nakapag-focus sa pagkain, sila Demi at Jordan ay hindi rin mapakali. Kapag hindi kmai nag-release ng statement kaagad baka mapunta ang issue sa higher-ups at ma disqualified pa kami.
Kinuwento ko kay coach ang nangyari, iilang minuto lang ay nag release na rin kami ng statement. Naka-indicate doon na time of the game pero nasa ilalim siya ng court, which is hindi tama. May video evidence kaming hawak if kinakailangan.
"Ano sabi nila ngayon? Sila ang mag sorry sa atin, nadawit pa pangalan ng school" si Demi. Tumango ako.
"Luh nagrelease ng statement si Beatrice" Nakatingin ako sa malayo at tila lumilipad ang isip ko pero agad akong lumingon kay Jordan sa sinabi niyang iyon. Hinarap niya ang cellphone saka binasa
Beatrice de Vega | @/beadevega
'Hello! This is Bea de Vega. I wanted to personally state my thoughts on the on-going issue. What actually happened was fully stated in the other side's statement. I did not ask for a public apology rather, any sincere apology would do. I admit that I was also at fault for going inside the court, however, that was an accident because a fan pulled me towards the court to take a picture. Lastly, I am doing okay, but I will be taking a rest first as consulted by the doctor. Thank you.'"Oh ayan naman pala, eh. Akala mo naman sa statement nila parang sinadya mo talagang matamaan siya. Tapos ang gulo."
"Sincere apology daw sabi, Cap. Ikaw ba tinutukoy o yung tumulak?" tanong ni Jordan. Tinuro naman ako ni Demi.
"Bakit ako? Yung kung sino man yung fan niya mag sorry sakanya. Ako ba nagtulak?" Tumawa si Jordan at umiling-iling nalang si Demi.
Kinabukasan, kinausap ako ni Coach. Kailangan ko raw mag apologize sincerely, and as a Captain, cino-callout ako ng iba bakit ang tahimik ko raw. Kapag sumawsaw pa ako, mas lalong gugulo lang.
JEM | @/janelisemoreta
Good Morning po sa lahat! Gusto ko lang pong linawin tungkol sa natamaan ng bola incident, hindi ko po alam na may tao pala sa baba ng ring at hindi pa rin po naman tapos yung laro namin noon kaya sorry po kay Beatrice. Sa susunod sisiguraduhin na po naming clear ang area para wala ng masaktan. Salamat po!Sana naman madama niya yung sincerity at sarcasm. Bago ko pa man ma-exit ang app, nag notify na may nag-quote retweet.
Beatrice de Vega | @/beadevega
Quote-retweeted your post: 'haha sungit'This tweet has been deleted.
BINABASA MO ANG
Foulish Love | MikhAiah
Fanfiction[MikhAiah AU] Ю ●\(◕_◕\) Jandria Elise Moreta (Aiah Arceta), Team Captain of Murray University Women's Basketball is a boyish but at the same time girly enthusiastic woman. Living her life to the fullest while being at peace is her ultimate goal, bu...