13 | Congrats
"We are gathered in this arena right now, in this very moment. After that long journey of University to University Women's Basketball, we have here the ultimate Champion. Soaring from the West, Murray University Dominates!" The team and I formed a circle and did a group hug, we faced the arena as well to show gratefulness to our fans.
Nag-line up kami at isa-isang inabutan nang medal, si coach naman ang nagdala nang trophy.
"Shown by great skills and sportsmanship, the Most Valuable Player and Captain of Murray Women's! Captain Jandria Elise Moreta!" pumalakpak at nagsihiyawan ang team at pati ang mga nasa arena. Pinalakpakan ko rin ang sarili ko at tinapik ang akong kanang braso.
Tinanggap ko ang medalya at trophy na binigay nila at ngumiti para sa picture. Inabot sa akin ang mic para mag speech.
"Hello po!" pagsabi ko pa lang noon ay naluluha na ako, nagsigawan ulit sila kaya medyo kumalma ako.
"Through God's virtue, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sa buong team and coaches, sa mga fans na unending ang support sa akin, at sa buong team, sa mga team bahay and to my loved ones as well. Sobrang salamat po sa inyo, you are the backbone and my strength that's why I got this award. I am standing here not just as one but I am representing all of us. Ipagpapatuloy ko po ang aking nasimulan and I'll make sure to always do my best. Thank you once again and I hope you'll have a good rest after this and mag-ingat din po kayo pauwi." I ended my speech with a smile and bow.
Bumalik ulit ako sa team at biniro naman ako nila.
"Mabuhay ka, Captain J." si Ate Kori. Niyakap nila ako at kinarga pa nga ako ni Jordan, tinampal ko ang braso nito para ibaba ako.
"Congrats sa aming baby damulag, naku naku. Pakiss nga ako." tinakpan ko ang nguso ni Demi. Nakakadiri talaga 'tong mga 'to.
"Mag behave nga kayo." sabi ko, which caused them to tease me again. Mga walang hiya talaga!
Nilibot ko ang arena at nilapitan ang iilang fans na may inaabot na regalo o kaya'y nagpapa-picture.
This kind of moments fills my heart so much, dati rati ay walang ganito, isa na ang kadahilanang women's basketball ang sports namin. Maraming nagsasabi na hindi naman kami magaling na manlalaro dahil babae kami, dahil babae lang daw kami.
Ang kikitid at immature nang mga utak sa mga ganon magsalita. How could you underestimate people just because of their gender?
Sports is for anyone, ang basehan dapat ay skills at hindi ang gender o connection.
"Congrats, Cap." narinig kong may sabi sa likuran pero nagp-picture pa ako kaya hindi ko alam kung sino ito.
Nang lumingon ako ay nakita kong si Beatrice ito at yung babae niya. Mukhang ipapakilala pa nga sa akin ang babae niya, ano namang gagawin ko jan?
Nginitian ko ito nang bahagya, "Thanks."
"Cold naman niya." Narinig kong sabi nung katabi niya. Tinitigan ko ito at tinaasan nang kilay.
"Uh hi! I'm a fan of yours, lalo na sa ka-team mo. Single ba yung Lopez? Cute kasi." I was confused kaya kunot-noo ko siyang tinitigan. She likes who?
"Ano?" naguguluhan kong sabi.
"Sorry, down bad siya kay Demi Lopez. Dude, calm down." sabi naman ni Beatrice dito.
Gusto niya si Demi? Habang may Beatrice na siya? Kaya naman pala bagay silang dalawa, red flag sa red flag.
"Hindi kayo?" hindi ko napigilang magtanong, late ko nang napagtanto ang nasabi ko.
Tumawa silang dalawa at nandiri sa isa't-isa, lalo na yung isa.
"Never kong papatulan 'to, kadiri! Besides, may ibang pinopormahan eh, kaya nga napadpad dito. Hindi ba, Captain este Kapitana Bea." sabi nung kasama nito.
May iba naman palang nais, sino naman kaya sa team? Siniko ito ni Bea, umirap naman ito pabalik at siniko rin siya.
"Alis na nga tayo dito. We'll go ahead. Congratulations ulit sa team and to you, Jem. I guess lucky charm nga ang bigay ko." ngiti nito sa akin bago umalis. Ang kasama niya naman ay ngumiti at mukhang may sasabihan pa sana pero tinakpan ni Bea ang bibig niya.
"Ikaw lang naman 'tong nab-bother palibhasa nasa harapan-"
"Ang ingay mo, Cris!" si Beatrice. Kinutongan nito ang kasama.
What was that? Kanina they were acting like may something sa kanila sa kiss cam pero ngayon mag-tropa na?
You're just never beating the babaero allegations about you, Beatrice de Vega.
BINABASA MO ANG
Foulish Love | MikhAiah
Fanfiction[MikhAiah AU] Ю ●\(◕_◕\) Jandria Elise Moreta (Aiah Arceta), Team Captain of Murray University Women's Basketball is a boyish but at the same time girly enthusiastic woman. Living her life to the fullest while being at peace is her ultimate goal, bu...