Kabanata 20

190 6 0
                                    

20 | Crush

Bakit nasingit nanaman ito sa usapan! Lahat nalang nang galaw ko may katumbas na galaw niya, hindi naman kami magkaano-ano. Nananadya siguro ito, eh!

Chineck ko ang app at nandoon nga naka-post sa account pa mismo ni babaero. Hindi ko na ito pinansin pa at ano namang gagawin ko sa picture nila. In-exit ko kaagad ang app nang nagsalita si mama sa tabi ko.

Jordan: WOW SI JANDRIA NILIKE ANG POST NI BEATRICE??? NA MAY KASAMANG BABAE

Pinagsasabi nito? Agad kong binuksan ang app ulit at nakitang naka-like nga ako doon. Ang tanga tanga talaga! Agad ko itong in-unlike pero huli na yata ang lahat nang nakita ko ang pop-up notification, nag message si Beatrice.

@/beadevega:
Hey stalker lol

@/janelisemoreta:
?

@/beadevega:
You replied wow, akala ko ghosted na ako. Ghoster pa naman daw Murraians 🧏‍♀️

Okay...Anong trip nito? She looks much more madaldal than before o baka feeling close lang.

@/janelisemoreta:
Nahiya naman ako sa babaero allegations mo.

She reacted haha with my message. Tinawanan nalang kasi sapul siya.

@/beadevega:
Wow my message was for every Murraians and here you are targeting me... 👁️👄👁️
If you're saying that because of the post, well, she's my friend. Normal naman siguro mag pictures ang friends, diba Cap? Hahah

@/janelisemoreta:
Ang friendly mo naman pala, Kap 😄 Pareto naman sa friends mo jan

@/beadevega:
Funny. They won't like you, don't get me wrong alam ko type nila and they're taken for God's sake 😆 Alam ko rin type kita, ikaw alam mo ba type ko?

Ano raw? I was stunned at her sudden outburst. Binawi niya rin ito dahil typo raw pero sa pagulit niya sa message niya ay mas lalo akong naguluhan.

@/beadevega:
Sorry typo
Alam ko rin type ko, ikaw alam mo ba type kita?*
Ko*

Hindi ko na ito masyadong pinansin at nag-reply nalang ako nang that's none of my business. Is that how she flirts with her girls? Ka baduy ba oy!

Nag-message ulit sila sa group chat at ako nanaman ang usap-usapan. Hindi ko na kailangang mag social media pa at halos lahat 'ata ay alam na nang tatlo. Binalita pa nga nila sa akin na may iilang 'shippers' na naka screenshot sa pag like ko.

I will never be bothered by those kind of things, alam ko naman sa sarili ko na hindi iyon totoo. I dropped by phone at kumuha na nang iilang damit, mage-empake na ako dahil paniguradong mab-busy ako mamaya.

I spent the whole morning packing clothes, toiletries and other stuff. Tinulungan ko rin sila papa magluto dahil magc-celebrate ulit kami. Babalik na ulit ako sa Manila bukas para sa trip namin, nakaka-overwhelm pero ang constant reminder ko sa sarili ay kung kanino ko ginagawa ang lahat nang ito.

We had fun the whole afternoon until night, nag-inuman sila papa at ang mga kumpare niya. Inaya naman ako ni mama, auntie at mga kumare nila na uminom din kasama sila, tatanggi sana ako pero pinilit ako ni Auntie kaya napainom ako nang isang bote nang Smirnoff at iilang Soju.

Nang maramdaman kong hindi ko na kaya ay tumigil na ako at pumasok na sa kwarto. Hindi naman maaga ang alis ko bukas, may hinanda na rin akong Advil sa tabi ko. My phone kept on ringing kaya chineck ko ito, medyo blurry ang pananaw ko pero nakikita ko naman kung anong meron sa screen.

Ang ingay naman nang tatlong 'to, anong oras na pero may chismis pa ring pinag-uusapan. Detectives siguro 'to sila sa past life nila, I decided to join the chat.

Demi:
Pst Jandriaaa! Ampogi nga nung mayor ano, pa reto nga ako doon

Tear:
Inimbitahan siya para sa parangal, te? Anong akala mo close na agad sila like this 🤞 Paawat ka na pero gwapo nga talaga siya

I laughed at their conversation, I placed my phone on my side to adjust my pillow. Kinuha ko ito ulit at nagtipa nang reply.

Ako:
Oo pogi laloo if nasa resl lifee, ang bata para sa isang mayor
Crush nga sia ni mama, anak nga talaga ako ni mama kasi same taste kami hahha nakainom ako sorey umiikot akoo

Natatawa ako habang nagr-reply, yung mga mata ko naman ay pilit kong binubuka. Kumurap-kurap ako at tinignan ang reply nila pero wala itong reply kaya nag message ako ulit.

Ako:
Crush ko ata yung mayor namin bai
Pero maas crish ko si kuan hahha betriz shh lng

Nakita kong may nag-reply, ang weirdo naman nang mga ito. Si Jordan siguro itong kausap ko dahil question mark lang ang reply sa akin. In-game nanaman sa nonchalant person ang tatlong itlog.

Ako:
Bakit ang apnget nyo mag hahah reply 👍👎
Hoy !,,
Oa nyo hahahh

Nakabusangot ako habang tinitgnan ang screen, sineen lang nila ako? Lagot kayo sakin sa practice, sinasabi ko sa inyo! Nakita kong typing ito pero nawawala rin maya maya. Naisipan ko nalang na matulog na dahil sa inis.

Author's Note: Almost there sa mas exciting na parts! Leave a vote or comment :))

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon