12 | Finals
The first half was a roller coaster ride, but we have to be mentally prepared and focused on the game dahil may second half pa, and our score gap is nearing each other.
For the second half, kasali ako sa line up. Dahil sa magandang pinakita namin ni Jordan kanina ay binalik kami ni coach sa court.
"Moreta, kapag magd-depensa ka isipin mo ang West Philippine Sea na pinoprotektahan mo sa China!" sigaw ni coach Mak bago ako pumasok sa court. Natawa ang ibang kasama pero talagang tinotoo ko ito.
Inobserbahan namin ang kalaban, nakuha na namin ang iilang tactics nila sa game kaya nap-predict namin ang iilang galawan nila. Most of the time ay pinapatay lang namin ang oras dahil mas lamang kami, pero hindi pa rin dapat makampante.
We focused more on defense than attacking, kaya nararamdaman kong naiinis yung player na binabantayan ko ngayon dahil hindi ito makaporma at palagi ko itong inaagawan.
Dala dala ko ang bola ngayon, ipinasa ko ang bola sa kabila at pumwesto sa may kanan nang hinarangan ako nung binabantayan ko at hinarang nito ang isang paa kaya muntik akong madapa.
Nagtawag ang referee nang foul, buti nalang hindi ako natumba. Tinignan ko ang kalaban at galit na galit ito, nilapitan ako nito kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko.
Ang aggressive naman yata nito? Akala ko ba laro lang, pikunin naman pala.
"Chill." sambit ko.
Pinigilan na ito nang isa sa mga kakampi niya at pinagalitan, nilapitan ako ni Jordan.
"Anong ginawa sayo?"
"Bro pupunta sana ako sa side mo pero natapilok ako kasi hinarang ang paa. Pikunin yata." tawa ko.
Naririnig ko namang nag-boo ang iilang tao, naka smile lang ako para ipakitang unbothered ako. Walang magandang dulot kung maiinitin ang ulo habang naglalaro.
Mukhang ang buong team nila ay nadistract sa nangyari kaya we grabbed the opportunity to widen the gap. 66-54 ang standing ngayon.
Last quarter na at ang bigat nang pakiramdam, pinapatay lang namin ang oras ngayon. Kami nila Jordan, Demi, Tear at Ate Kori ang last 5. Hindi na ako nakakaramdam nang pagod dahil bumalot na ang kaba.
Habang nagt-time out ang kabila ay nag-usap kami ni Demi. May konting buhok ang lumulusot sa ponytail niya kaya inayos ko ito.
Nagsigawan ang nasa arena pero hindi ko ito inisip.
"Nasa cam tayo, Cap. Baka ma issue ito sa mga fangirls at baby bra warriors mo." natatawang sabi ni Demi, pumasok ulit kami sa court at timigil naman ang fans.
Kada pasok sa court ay bumibilis nang sobra ang tibok ng puso ko. Hindi nakaka-kampante ang scores namin at parang naging agresibo ang kalaban.
Sinenyasan ko sila na kumalma at maging matalas palagi. Nilakasan ko ang rebound skills ko at defense. Si Jordan at Demi ang shooter, walang palya sila kung tumira ngayon.
Hawak ko ang bola ngayon at nasa gitna ako nang court, sinenyasan ko si Tear gamit ang kamay na harangan yung isa. Ipinasa ko ang bola sa kanan kung nasaan si Jordan habang nakatingin kay Tear sa kaliwa.
Pumasok ako sa gitna na siyang open at nung pinasa ni Jordan pabalik ang bola sa akin ay na counted ko ito.
I saw coach commending me for that, nalilito na ang kalaban ngayon at hindi nila ma predict kung sinong titira.
"Five minutes left."
Lamang kami ngayon with 11 points. The opposing team is holding the ball now, ako ang sasalubong sa may dala nito.
Nagd-dribble ito at nakita ko ang palihim nitong tingin sa kakampi, hinarangan ako nang isang kakampi nila para tumira sila nang tres.
Nang naka posisyon na ito at nagawa akong i-screen ay nakita ko si Tear na tumalon at kinalawit ang bola kaya nakuha niya ito, tinawag ko ito at pinasa niya sakin.
I ran towards our court, looking back and seeing one of the opponents chasing after me, tumalon ako at di-nunk ang bola sa ring.
Nagsigawan ang arena kaya napasigaw din ako, lumapit si Demi sa akin at tinapik ako habang tumatalon ito.
Damn! Hindi ako makapaniwalang nagawa ko iyon, isa ako sa mga maliit sa team despite being 5'6". Yung iba ay 5'8" pataas.
May isang minuto na lang at napag-desisyonan naming magpakitang gilas at gawing pang highlights ang natitirang oras. We are now 14 points ahead.
"30 seconds in..." announced nila. Pinasa ko kay Ate Kori ang bola at tumira ito nang tres pero hindi pumasok kaya ni-rebound ito ni Jordan at pinasa naman kay Demi.
Ni-rebound ko ito nang mapagtantong hindi maganda ang pagkakahawak niya sa bola.
Tumakbo ako sa three point line, is-shoot ko na ito nang may kalabang tumalon sa harap ko tinignan ko muna itong nasubsob sa sahig bago tinira ang tres.
"Trick shot there by Moreta, 10 seconds in and a three point shot that is counted in!" mabilis na sabi bago nag buzzer. Tinulungan ko ang natumbang kalaban at pinatayo ito.
Tumakbo naman ang buong team papunta sa akin. Nagyakapan kami, yung iba umiiyak na. Pinigilan ko ang sariling maiyak at pilit ngumingiti.
"We did it!" sigaw nang isa sa amin at nagsigawan na nga ang lahat. Pinuntahan namin si coach, niyakap at pinasalamatan ito.
Nanalo kami! Kinaya namin, kinaya ko!
BINABASA MO ANG
Foulish Love | MikhAiah
Fanfiction[MikhAiah AU] Ю ●\(◕_◕\) Jandria Elise Moreta (Aiah Arceta), Team Captain of Murray University Women's Basketball is a boyish but at the same time girly enthusiastic woman. Living her life to the fullest while being at peace is her ultimate goal, bu...