Kabanata 16

201 8 0
                                    

16 | Liked

Nakanganga ako ngayong nakatingin kay Mr. De Vega, this was unexpected. Kilala niya ako bilang ka ano-ano ni Bea?

Nakangiti ito sa akon ngayon, tila naghihintay nang sagot. Sa totoo lang, parang hindi niya na nga kailangan nang sagot dahil mukhang sigurado na siya sa sagot niya.

Napakamot ako ulo ko, at nahihiyang tumawa.

"Ano po? Hindi ko po girlfriend si Beatrice, parang magkaibigan lang po kami. Hindi ko kami close." mas lalo lang lumaki ang ngiti nito.

"I'm sorry if it sounds like I am intruding your personal space with my daughter, pero I'd love to see her settle with someone and I can see that you are a great influence sakanya. Oh siya, I hope I can meet you formally soon with Bea. Congratulations, Captain Moreta."

Inabot nito ang kamay niya kaya nakipag shake hands ako sakanya. Nagpasalamat ako bago ito umalis na sa lounge.

Nagtanong ang tropa kung bakit daw ako kinausap ni Mr. De Vega. Kung sasabihin ko nanaman ang pinagusapan namin ay siguradong gagawin nanaman nila itong issue.

"Bakit hindi ka nagmano sa dad-in-law mo?" inambangan kong susuntukin si Jordan.

"Babygirl ang outfit pero sugapa! Ang siga naman nang disney princess na yan." sabi ni Demi. Nakababa na kami at naglalakad na pauwi sa kanya-kanya naming tirahan.

Kumukuha sila nang litrato ngayon, hindi na ako nakisali pa pero pinipilit nila ako. Sumasali lang ako kapag group picture ang kinukuha.

"Tag mo rin ako ha! Post mo rin yung solo pic mo, Cap! Mas lalong dadami ang pipili sa'yo niyan."

Hindi ko nalang ito pinansin at nang makauwi na ako ay dumiretso ako sa banyo at ginawa ang usual routine ko. Hinanda ko na rin ang bagahe na dadahin ko bukas, maaga akong aalis para maaga rin ako dadating.

Nakapag-book na ako nang Angkas. Isang malaking bag at paper bag ang dala ko, may sling bag akong hindi masyadong maliit o malaki rin para lagyan nang mahahalagang gamit.

Alas diyes na nang matapos ako sa mga ginagawa, bago matulog ay in-open ko muna ang social media accounts ko.

Susundin ko ba ang sinabi nila Demi? Wala namang problema kung ip-post ko 'yon, ang tagal ko na ring hindi nag post nang sarili kong pagmumukha.

Nagtipa ako nang caption at pinili ang picture na naglalakad ako sa kalsada. Okay naman ako tignan dito, parang alter ego ko yata 'to. Ano kayang itsura ko kapag naka dress tapos maglalaro nang basketball.

Natawa ako sa inisip ko, mukhang timang lang. Dogshow sa sarili.

 Dogshow sa sarili

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[alt. Tweet from @/janelisemoreta]

Ilang minuto ko palang ito na-post ay sunod sunod na nga ang notifcations na natatanggap ko, ganon rin sa post na nanggaling sa Team Account namin.

Nireplyan at ni-like ko ang ibang comments.

@/user27: 'kagwapa man bai! lahi ra jud if Cebuana'
@/janelisemoreta: Mao hahah

@/jemrta: Feel ko si Tear o si Jordan may pakana sa dress dress na ito HAHAHA pero bagay naman Cap
@/janelisemoreta: Si Tear may pakana nito, report niyo nga acc niya.

May iilang comments pa na natawa ako, may iba namang compliments. It feels nice to be complimented in a different way, kung araw araw ba ako nag-ayos, araw araw din akong maganda.

Sa sobrang enjoy ko kaka-scroll ay hindi ko na namalayan ang oras, may mga bagong comments lang na nakakakatawa.

@/gfnijordan: Jordan in a dress when 🥹
@/janelisemoreta: sa birthday niya. abangan niyo @/jordangil ☺️

Sa comment kong iyon ay biglang napa-retweet si Jordan. Nararamdaman ko ang inis nito.

@/jordangil: Sinasabi ko sayo Jandria Elise Moreta. Sinasabi ko talaga sayo, ganyan 'yan siya ngayon. Huwag kang magpapakita sa akin.
@/janelisemoreta: Sabihan mo na dali, oh ano na?

Nag-reply naman si Demi at Ate Kori pabalik dito kaya mas lalo lang sumaya.

@/demilopez: kwento mo sa pagong nadroj
@/koriminecci: 50k likes dito post ko pic ni Jordan naka dress 🤙

Puro tawa lang ang nagawa ko halos buong gabi, nagr-rant na nga si Jordan sa group chat namin. Nagba-bardagulan na sila dahil sa comment ni Ate Kori.

Nag-scroll lang ako sa feed nang nag pop-up ang notification galing kay Beatrice. Ni-like niya ang post ko at nag comment pa siya doon.

Sobrang feeling close naman 'ata nito?

@/beadevega: Gorgeous 🤍

Ano nanaman bang trip nito at balak nanaman atang buhayin ang shippers? Wala na nga akong ginagawa sa mga ganon pero ito naman siya at pinapalakas ang pagiging delulu nang fans.

Hindi pa nagtagal ay sunod-sunod na nga ang comments nang iba. Kanina pa pala nag trend ang pagpunta ni Beatrice sa laro namin, hindi ko ito napansin.

'Two tweets posted today about Cap J were liked by Bea! May something fishy talaga e'
'Lowkey lang sila'

Mas lumala lang yata ang dating rumors. Hindi ko na napigilan pa ang sarili at minessage si Beatrice.

Naguguluhan na ako, okay lang sana kahit wala siyang sabihin tungkol sa rumors dahil huhupa rin ito, pero sa mga galawan niya, nagpapahiwatig ito na parang may something between us, wala naman.

@/janelisemoreta:
Pwede bang tigil-tigilan mo na ang interaction sa account ko? Hindi mo ba nakikita mas lumalala ang rumors, ginagatungan mo naman ang pagka-delulu nang mga tao. Stop what you're doing because people are misinterpreting it to the wrong idea.

Author's Note: Drop your thoughts! Votes and comments are highly appreciated :)

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon