5 | Nahulog
That was the end of the interview, bumalik na ako sa mga kasamahan namin. Aasarin nanaman ako panigurado ng mga yun.
"Nagc-chat na pala eh. Lagot ka sa mga baby bra warriors nun." tumawa si Jordan habang hinahampas si Demi.
"Okay na daw sila parang kahapon sinumpa mo lang 'yun, ah" si Demi.
"Diyan nagsimula lola at lolo ko" asar naman ni Jordan, sarap upakan ng mga 'to.
Nagasaran pa sila kaya hinayaan ko na sila, lumapit si Demi at siniko ako. Tinignan ko siya, ngayon naman nangangalabit.
"Ano ba—"
"Gago, nandito si Bea." Natigilan ako at hinarap siya. Nagkatitigan kami bago siya umalis, saka ko lang namalayan nasa harap ko na yung tinutukoy niya pero malayo naman kami sa isa't isa.
May bahid ng ngiti sa mukha nito, lakas ng tama nito. Wala akong magawa kundi pekehin ang ngiti, baka ma issue nanaman ito.
Lumapit siya patungo sa kinaroroonan ko, ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay 'kalma, huwag mong sasapakin, madaming naka tingin'
"Hey. I'd like to personally say sorry lang sa nangyari, Miss" she stifled a smile. Akala niya siguro mao-offend ako sa miss?
"Look, sorry. Uh, sorry talaga. It wasn't out fault, nakausap na rin namin iyong fan and we are sorry on her behalf. Congrats din pala." She awkwardly said.
"Mao ka diha. Marunong naman pala mag sorry eh," pabulong kong sabi.
"Huh?" Yumuko siya ng konti, nung humangad ako ay natigilan ako. She's looking at me intently, kaya umatras ako at tumikhim.
"Thank you. I'm sorry din if ever naging offensive man ang dating ng sorry ko." Tumango siya at ngumiti.
"Thanks, Miss Jem." Feeling close ba talaga siya or nangaasar lang?
"Pinatawad na kita pero hindi tayo close, 'wag mo akong tawaging Jem. Jandria or Elise will do." kung hindi ko lang napapansin na may ibang nakatingin sa amin ay baka umirap na ako.
"Okay, uhm friends?" I was shocked. Magkaaway kami tapos ngayon friends?
"Pwede." I smiled, tinawag na kami ni coach para bumalik sa campus. Kinuha ko ang duffle bag ko at sinuot sa balikat, may towel naman sa kabilang balikat ko.
Pagkaharap ko ay nawala na doon si Beatrice. Sumunod na ako sa kanila hanggang makasakay na sa bus.
What a day! Nakakapagod pero sobrang worth it dahil sa panalo. Next week pa gaganapin ang finals, the tickets are selling so fast. Nakakaproud lalo na't andaming nakaka-appreciate ng Women's Basketball.
We were discriminated wayback then because this sports is meant for men only, but anyone can do any sports as much as they would love to. Gender never really was a basis to do your hobbies and just being happy.
"May pamunas ka ba bro? Natapunan ko ng tubig yung damit ko"
"Huh? Ah, eto" akmang kukunin ko na ang tuwalya sa balikat ko nang makapang wala ito doon.
"Hala gagi, nasaan yung towel ko?" Wala sa bag ko, wala rin sa tabi ko.
"Nasisiraan ka na ba? Wala ka namang dalang towel" si Tear.
"Anak ng! Bigay pa naman 'yon ni mama, naka tahi pa pangalan ko doon" Napakamot nalang ako sa ulo.
Beatrice de Vega sent you a message!
Ano nanaman kailangan nito?
@/beadevega:
Is this yours? Nahulog kanina sa court as you were leaving, it has your name on it kase.Nag send siya ng picture, towel ko nga iyon. Nahulog pala sa court, buti nalang kahit papano siya yung nakapulot. Baka kapag fans, itatago nalang.
@/janelisemoreta:
Oo, thanks. Saan and where ko pwede kukunin?A minute or so passed at hindi siya nag reply, nakaligo na ako at lahat lahat, wala pa ring reply. Baka abala 'to, ano naman ngayon? Importante makuha ko ang gamit ko.
Excused kaming mga athletes during UTU kaso may ibang professors pa rin talagang nagbibigay ng activities, gumawa muna ako ng iilan.
I scrolled through my socmeds and nakitang pinagp-piyestahan nanaman kami ni Beatrice. May nagpost nang clips sa pag-uusap namin kanina, binigyan ba naman ng meaning ang tipid na pagngiti.
Lahat nalang may meaning, 'pag hindi ngumiti masungit naman?
It's been 2 hours hindi pa rin nagreply, may balak pa ba itong isoli ang gamit ko? Baka naman na addict na 'yon sa amoy ko.
@/janelisemoreta:
Hello. May balak ka pa bang ibalik?
Genuine question yan@/beadevega:
slr hahaha nakaidlip ako
Medyo busy ako these following days, when ka ba free?@/janelisemoreta:
Free ako next next bukas.@/beadevega:
Uh game day namin yan
Pwede ka namang pumunta sa venue para kunin yong towel 😅
Para naman mapanood mo rin ako
BINABASA MO ANG
Foulish Love | MikhAiah
Fanfiction[MikhAiah AU] Ю ●\(◕_◕\) Jandria Elise Moreta (Aiah Arceta), Team Captain of Murray University Women's Basketball is a boyish but at the same time girly enthusiastic woman. Living her life to the fullest while being at peace is her ultimate goal, bu...