Kabanata 10

195 4 2
                                    

10 | Kiss Cam

Maaga pa lang nasa campus na kami, nagpapa kondisyon kami at nag-announce si coach nang reminders. Hindi masyadongn maganda ang kondisyon ni Demi ngayon, sinisi niya ang kinain namin kahapon.

Buti nalang at hindi ito nag LBM, pero weak ang katawan niya. Pinagpahinga muna siya at pinainom na ng gamot.

Andami kasing kinain kagabi, pagkatapos namin maghapunan ay humirit pa ng ice cream pagkatapos.

"Last one. Hindi natin maabot ito kung hindi dahil sa pagpupursigi nang lahat, ito ang pangarap, diba? Maglaro tayo ng patas while enjoying the game. Maiuuwi natin ang panalo!" si coach.

Kasali ako sa first 5 mamaya, kabado ako pero hindi ko pwedeng ipahalata iyon dahil bilang Captain, responsibilidad kong maging kalmado para ganon rin ang maramdaman ng mga kasama.

Dumating na kami sa arena at ngayon ay nags-stretching kami at mags-shooting na din mamaya. Nagpapasok na ang arena nang mga tao, I interacted with some.

Few minutes left at magsisimula na ang game, kinausap ulit kami ni coach bago magsimula ang laro. Nagsalita rin ako pagkatapos ni coach, nga konting paalala at motivation lang.

I love my position as their Team Captain, draining at napakalaking responsibilidad pero makita ko lang ang mga team mates ko ay nakakapuno ito ng puso.

The arena screamed which caught my attention, tumingon ako sa taas at nakita ang sarili. I slightly smiled and looked away. Ako lang 'to.

I scrolled on my phone at nakita ang inspiring messages galing sa pamilya ko, the reason why I stand here.

Hindi pa nags-start ay nagm-mention sila ngayon nang mga known personalities na nanonood. Kadalasan ay mga model na siyang boyfriend or girlfriend ng mga ibang players.

"Well, we also have here the all time Best Setter, Kapitana Beatrice dela Cerna!" Natigilan ako. Nandito nanaman siya?

Tumingon ako sa taas at nakitang nandoon nga siya. Wearing a black leather jacket and naka-cap, nakalugay ang pula niyang buhok. She smiled at the camera and waved, nag-ingay tuloy ang arena.

"I wonder whose team is she supporting today?" sabi nung announcer, bigla namang siyang nag peace sign. Does that mean anything?

"Titig na titig nanaman 'yan siya sa kinaiinisan niya." sumulpot sa tabi ko si Jordan at Tear. I frowned at balak na sanang umalis pero inakbayan ako ni Jordan.

"Nagagalit, Tear. Halata ka masyado boi, palihim kang nanood nung laro niya tapos ngayon hinard-launch ka niya!" Tumawa sila parehas, muntik ko nang masiko ang sikmura ng dalawa.

Malapit na ang simula nang biglang may pa kiss cam ang segment. Angas naman.

"Nag-request akong isali tayo sa kiss cam" Akbay ulit ni Jordan na nanggaling sa kung saan.

"Kadiri ka ogag" Tumawa lamang siya.

Nagusap lang kami ni Jordan tungkol sa game at mga strategies na pwedeng gawin nang nagsigawan ulit ang arena.

"OMG SI BEA AT CRIS"

"NASA KISS CAM SILA! MY SHIP!"

Sigaw noong nasa likod namin kaya tumingin ako sa screen, nandoon si Beatrice at 'yung babaeng kalaban nila. Nasa kiss cam!

Wow. Dinala pa talaga ang babae niya dito, ang galing din naman. Date pala ito, at least ang tapang niya para mag public, ibang breed ang pagkababaero.

Uso pala ang date sakanya?

Umiling-iling silang parehas sa camera pero ginawa rin kalunan, si Beatrice ang unang lumapit sa babae na Cris 'ata ang pangalan.

Dinampian niya ito ng kiss sa buhok. Ang tapang nga naman, ano namang pake ko? Buhay niya 'yan.

Dito pa talaga naglandian, sana sa restaurant niya man lang dinala at doon nag-date. Bakit kailangan dito pa? Para makita nang lahat, for clout ba?

Hinalungkat ko ang bag ko at nakitang hindi ko nadala ang pantali ko ng buhok, buti nalang at nasa pulsohan ko yung binigay niya saking pantali.

Ginamit ko iyon at tinalian ang buhok ko. Napansin 'ata ng team ang pagkawala ko sa mood pero sinabihan ko nalang sila na okay lang ako. Okay naman talaga ako, bakit naman hindi?

The game started at pinakilala na ang bawat players. Mas lalong umingay ang arena.

"At 5'6" height, wearing Jersey Number 27—Captain J Moreta!" Dumiretso na ako sa loob ng court at nag-focus na.

"Jojowain!" narinig kog sigaw ni Luis. Walang palya ito at laging present sa game ko. Hindi na nga kami masyadong nagkikita dahil sobrang busy ko lately.

Nagbigay ako nang pabirong flying kiss kay Luis, nagakto naman itong mukhang nahimatay.

"Nasaan yung sakin baby?" isa pa to si Jordan, lakas din nang amats. Binigyan ko rin siya, kung wala lang sanang ibang tao pinakyuhan ko na ito.

Na capture sa camera ang ginawa namin kaya nag-ingay ulit ang arena, hindi na ako magtataka kung aatakehin ako nang mga fans ni Jordan lalo na ang mga babae.

Umiling-iling ako at nilibot ang tingin sa mga tao, nahanap ko ang mga mapupungay na mata ni Beatrice. Umiwas ito nang tingin at sinuot ang glasses niya.

Anong problema niya?

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon