7 | Kapitana
The game will start at 5:00 pm. I got ready around 2:00 dahil may kalayuan ang location kung saan gaganapin ang laro.
I wore my denim mom jeans and a white halter top. Nagsuot din ako ng cap at face mask, I don't want to be the talk of their feed ulit. Konting gawa mo lang ngayon ay magiging issue na.
Nag-commute ako papunta sa venue, napag-desisyonan ko nalang na mag jeep, para na rin makamura. Naka face mask ako kaya hindi halata ang mukha ko.
Pinadala ni Beatrice thru Lalamove ang ticket noong isang araw, may kasama pa talaga itong banner. Akala mo naman talaga ang laro yung pinunta ko.
Pagkababa ko ay nilakad ko na ang pagitan namin ng entrance. I lined up, medyo madami na rin ang nandito.
There are lots of banners everywhere, yung iba solo banners for Beatrice. She is that known, huh? Lalo na sa mga babae.
"Hello. Ticket, please?" the girl on the counter said. Binigay ko naman ang ticket na ito.
She looked up at me and smiled.
"Patron seat 1-A. This way po, miss. We have guides to assist you to your seat. Thank you and enjoy!" I nodded and went down.
Bumaba naman ako at hinanap ang seat ko. The players are already doing their warm-ups, hinanap ng mga mata ko si Beatrice. Sa sobrang bright nang buhok niya ay ang bilis ko siyang nakita.
May kausap siya ngayong babaeng kalaban nila, mukhang close ang dalawa kahit magkalaban ang teams nila ngayon.
Kamukha niya 'yong nasa picture na sinend sa akin ni Beatrice, nakalagay sa jersey niya ang pangalan ng school pero iba ang kulay nito.
If I'm not mistaken, libero siguro ang position nito. May konting alam naman ako sa volleyball dahil mahilig manood si Tear, lalo na dun kay Ran Takahashi ba 'yon.
Nilibot ko ang paningin ko sa arena, dumadami na ang tao. Noong lumingon ako pabalik sa dalawang nag-uusap, may tinuro yung kasama niya sa katabing side. Tila may hinahanap.
Naka akbay yung babae sakanya, ngumiti si Beatrice at kinawayan ang kung sinong nandoon. Angas nga, babaero talaga.
Lakas ng loob, masasabi mo talagang immune na sa mga ganitong bagay. Kung gaano katingkad ang kulay nang buhok niya ang siyang kinatingkad din nang pagkatao nito. Pulang-pula.
@/janelisemoreta:
Lingon ka sa left side mo.When she went on their seats, kinuha niya ang phone niya. She stood up and looked at my side, when our eyes met, I raised my cap pero sinuot din ito kaagad. Kumunot ang noo niya and she squinted her eyes, she signaled me to come down.
Hindi ako nakita agad na malapit lang pero sa iba klarong-klaro kahit napakalayo.
She took something from her bag. Bumaba pa ako nang iilang steps bago mapalapit sakanya. I handed my hand and she took it and shaked my hand.
"Tanga. Hindi ako nakikipaghand-shake sayo, where's my towel?" I took my hand away from her.
She smirked before handing me the paper bag. She looks decent and formal right now, hindi ako sanay sa buhok niyang naka highbun.
"No goodluck?" She spoke.
"Asa ka. I thought you're confident?"
"I always am. Just thought you'll support me at least by saying goodluck? Ang heartless mo naman po, Kapitana." She has that teasing smile plastered on her face.
Tinawag na siya nang coach niya, pati nung isang kasamahan niya. She looked back at them and said wait, tumingin siya ulit sa akin.
"Gotta go. Enjoy the game." She tapped my shoulder, nakahakbang na siya ng isang lakad nang tumigil siya at lumingod ulit sa sinabi ko.
"Break a leg, Kapitana de Vega."
She smiled at may gusto pa sanang sabihin pero inunahan ko na siya.
"Not literally." I flashed a fake smile.
"Thanks, Kapitana Jem." Tinaas niya ang isang kilay at ngumiti bago naglakad papunta sa court.
BINABASA MO ANG
Foulish Love | MikhAiah
Fanfiction[MikhAiah AU] Ю ●\(◕_◕\) Jandria Elise Moreta (Aiah Arceta), Team Captain of Murray University Women's Basketball is a boyish but at the same time girly enthusiastic woman. Living her life to the fullest while being at peace is her ultimate goal, bu...