Kabanata 15

191 8 0
                                    

15 | Together

Kumuha ako nang maliit na white bag at ginamit ko iyon, nagdala ako nang iilang bagay na kakailanganin ko.

Sa restaurant na kami mismo magkikita, gusto ko na sanang umalis pero si Tear ay inayusan pa ako. Nakakahiyang ma late ngayon lalo na't may mga head sa school.

Inangat ko ang tube dress na suot at inayos ang cyclings ko. Kapag inaangat ko ang dress ay umiiksi ang sa baba kaya dapat daw hindi ko na galawin ang ayos.

"Necessary ba talaga ito? Panigurado si Jordan casual lang ang suot."

Napakamot ako sa ulo ko, tinampal ito ni Tear at nagp-plantsa siya ngayon sa buhok ko. Hindi ko na makilala ang sarili, light makeup lang ang nilagay niya pero sa dress pa lang, hindi na si Jandria ito.

Habang nag-aayos si Tear sa sarili niya, nagscroll muna ako sa phone ko at chineck ang messages galing sa pamilya.

Hindi ko na binuksan pa ang ibang social media apps ko, mamaya ko nalang titignan.

Nag taxi na kami papunta sa restaurant na sinabi ni Coach, malapit nang gumabi. Hindi muna kami pumasok agad ni Tear at magp-picture nga raw muna.

"Sige na kase, kunyari naglalakad ka tapos tingin dito. Tingin sa maganda." tumawa ito. Sinunod ko ang sinabi niya at ngumiti.

[alt

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[alt. Jandria Elise (Aiah) in a white tube dress, walking in the street]

"Ang ganda mo, Cap! Bagay na bagay sayo mga ganyang pormahan, sasabog ang social media kapag pinost mo 'to!" kinuha ko ang phone sa kamay niya at tinignan ang mga kuha niya doon.

Hindi ko akalaing ganito pala ang itsura ko kapag nag-aayos, nasanay na kasi ako sa boyish fit. Nakakapanibago nga ngayon. Astig kung maglakad, tapos ang suot pang princess.

Pumasok na kami sa loob nang mamahaling restaurant at nakita namin ang iilan sa team na nasa loob na, buti nalang at nauna kami kaysa sa mga head.

"Sino yang kasama mo, Tear? Hala gagi! Cap?" agad tinakpan ni Demi ang bibig ni Lee nang pasigaw itong nagsalita.

Lahat sila nagulat, tinanong ko sila kung anong meron. Akala mo naman talaga kung sinong artista ang dumating, ako lang 'to.

"Ang ganda mo, Cap!" tumayo si Demi at pinaupo ako sa tabi niya.

"Anong nakain mo ngayon, 'tol? Disney princess lang ang atake." si Jordan, naka formal suit ito.

"Basketball player nga kayo, galing mambola." hindi ko nalang sila pinansin at naghintay nalang kami sa mga bisita.

Habang naghihintay nga ay puro pictures lang ang ginagawa nila, siguro kung handaan lang ito na kami kami lang ay hindi na ako pupunta sa sobrang sakit at pagod nang katawan ko.

"Ngiti naman diyan, Cap! Pang clout lang natin." sabi ni Tear. Inayos ni Demi ang damit at buhok ko, ngumiti ako sa camera. Iilang take pa ang ginawa nila kahit nangangalay na ako sa kakangiti.

"Post niyo na, sa page mismo natin!" may access ako sa Exclusive Page naming members sa tea, kaya ako ang pinapost nila at si Tear na ang nag-isip nang pwedeng i-caption. After niya itong mai-post ay binalik niya sa akin ang phone ko na ginamit.

 After niya itong mai-post ay binalik niya sa akin ang phone ko na ginamit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[alt. Tweet from Murray Women's Basketball Team with attached picture of the team and Jandria (Aiah)]

"Grabe! Kakapost ko lang andami na kaagad likes, nagkakagulo na sa comment section. Ang ganda mo raw, Cap!" hirit ito ni Lee na medyo malayo sa amin.

Iilang minuto pa ay dumating na nga ang mga bisita, kasabay si Coach. Tumayo kami at isa-isang nakipag-kamay, ako ang panghuli at nakipag-usap pa ang iilan sa kanila sa akin.

"Team Captain po and ang MVP, Jandria Moreta." pakilala ni coach sa akin, humarap ako sa dalawang lalaki at isang babae na nasa harap ko. I shaked their hands and said my name.

"This is Mrs. Cruz, Mr. Tuazon, and Mr. De Vega, we are very pleased to dine with you tonight." sabi ni Coach. Nakangiti lamang ako pero may kumuha nang atensyon ko, ang panghuling lalaki na Mr. De Vega, imposible namang related sila ni Beatrice, diba?

Marami namang ibang tao na kaparehas nila nang apilyedo, ano nanaman ba itong iniisip ko. Bumalik na ako sa upuan ko at nagsimula na kaming kumain, sobrang tahimik lang namin pero minsa'y nagtatanong din ang mga head sa amin.

"Pst, Cap! Parang meet the parent na rin ito, ha? 'Yan ang dad ni Beatrice. Nagtataka nga rin ako bakit siya naging head sa school tapos yung anak niya nasa kabilang skwelahan." si Demi. Siniko ko siya at medyo malakas ang boses nito.

"Parang hindi sila magkamukha?"

"Adopted nga sabi si Beatrice, diba? Nakilala mo pa bigla ang future in law mo." siniko ko siya at natahimik naman ito. Pasmadong bibig!

Mga dalawang oras rin kami doon bago nagsi-uwian, kakagaling ko lang sa Bathroom nang bago ako makapasok sa lounge namin ay sinalubong ako ni Mr. De Vega.

"Jandria, right? Nac-curious lang ako kasi nabanggit ka nang kaibigan nang anak ko, huwag kang mag-alala at mabait 'yon si Beatrice." biglang sabi nito.

"Ho?" nagtataka kong tanong.

"You're together, right? Ikaw at si Beatrice." nakangiti pa nitong saad.

Author's Note:

Charing hehehe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Charing hehehe

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon