Kabanata 18

192 7 0
                                    

18 | Thinking of Who

18 | Thinking of Who

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[alt. Janelle's (Denise Julia) post of her and Beatrice (Mikha) photo]

She could pull anyone and she grabbed the opportunity so well. Hindi na ako magugulat pa kung sasabihin nanaman nito na kaibigan niya lang itong Janelle. Bagay naman silang tignan, mukhang mabilis silang magkakasundo.

Ang friendly naman pala nang Kapitana nila.

Natawa ako sa sariling inisip, labas na ako sa kung anong mayroon ang dalawa. Kahit sino pang kaibiganin ni Beatrice, wala naman akong pake. I don't even think friends kami, I never thought of that and never considered it as well. Magkasalunggat ang personalities namin.

Tinawag ako nila mama kaya lumabas ako at sinamahan sila sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay nakita ko ang mga pinsan kong naglalaro nang beach volleyball.

Porket nakakita lang ako nang nagv-volleyball biglang sasagi sa utak ko ang hindi naman dapat iniisip.

"Ate! Dula ta." (Ate, laro tayo) tumango ako sakanila at nagpaalam muna sakanila ni mama na sasamahan ko muna sila.

Nagpasa-pasahan sila sa bola nang volleyball. Sumali ako sa kanila at nakipagpasahan, warm up lang daw muna bago mag laro talaga. I missed these kind of moments with them, habang lumalaki na kasi kami ay hindi na kami masyadong nagkikita. Buti nalang at yung iba kong pinsan ay sa Cebu lang din lumaki.

"Game na!" sabi ni kuya ko. Ako at ang isang babaeng pinsan na kasing edad ko ang kasama ko pati na rin ang sampung taon na pinsan ko, sa kabila naman ay si kuya at ang pinsan din naming ka-close namin.

Tig-tatlo kami, yung iba naming pinsan ay hindi naman dito nakatira. Although, nakikita ko sila minsan sa Maynila kapag inimbita ako tuwing may handaan.

Nagsimula na kami at masaya naman kaming naglalaro, hindi ko inexpect na kaya ko rin naman palang mag-volleyball. Masaya naman at puno nang tawanan ang laro, sa sobrang competitive nga nang kapatid ko ay nag-dive ito sa buhangin. Namukbang niya tuloy ito.

Pinagpagan muna ni kuya ang sarili kaya tumigil muna kami at nagpasa-pasahan lang nang bola. Habang hawak ko ang bola ay sumagi nanaman sa isip ko ang message ni Beatrice, hindi ko pa ito na replyan kaya naka seen lang ako doon. Pagkatapos nang mga sinabi niyang kung ano ano ay biglang may post nanaman kasama ang for sure, 'kaibigan'.

"Hapit na mahiyos ang bola, te. Kalma ka lang, sakin na." (Mukhang maf-flat na yung bola) sabi nang isang pinsan ko, kinuha niya naman ito galing sa kamay ko. Lutang pa rin ako.

Hindi ko alam kung ano bang dapat i-reply, mukhang hindi yata siya ang kausap ko kanina. Habang nakatulala at iniisip ang mga iyon ay natamaan ako nang bola sa mukha at muntik pa nga akong matumba kung hindi lang ako hinawakan noong pinsan ko.

"Dahan dahan lang, okay ka lang ba, Jan?" tanong nito, tumango ako at makikipaglaro na sana ulit pero tinawag kami nang auntie ko para daw mag-meryenda. Agad kaming tumungo doon at tumabi ako kay mama.

Ilang araw lang ang stay ko dito, kaya tina-try kong sulitin ito. Panigurado pagkatapos nang trip namin ay back to the court nanaman kaya mab-busy na ulit ako at hindi nanaman makakauwi.

"Jandria, anak. Pumunta daw ang tauhan ni Mayor sa atin kanina, hanap ka at inimbitahan ka sana sa munisipyo para bigyang parangal." sabi ni mama. Tumango-tango ako at nasiyahan, isang malaking bagay ito para sa akin.

Sinabihan ko si mama na bukas nalang ako pupunta at uuwi naman kami kinabukasan. Bago na rin pala ang mayor dito, ang anak nang dating mayor namin ang pumalit.

Pagabi na nga at nag-dinner nga kaming lahat sa harap nang dagat, ngayon lang ulit kami nakapagdasal bago kumain nang kumpleto ulit. Makita ko palang ang mga ngiti nang magulang ko ay busog na agad ako.

Ngayong nakakaluwag-luwag ako dahil sa panalo namin ay lahat nang ito'y libre ko, ang pera nababawi naman pero ang mga ganitong ganap ay paminsan lang. Pagkatapos naming kumain ay nagsibalikan na kami sa kanya-kanyang kwarto.

Share kami ni mama, sila kuya at papa naman magkasama sa kabilang room. Pagkatapos nang mga gawain ko ay umupo ako sa kama, si mama naman ay nanonood nang TV pero in-off niya rin ito kalaunan at tinignan ako.

"Anak? May tanong lang ako, hindi kita araw-araw nakikita kaya kumusta ka naman? Huwag kang magpapapagod, ha?" tinabihan ko si mama at magkaharap kami ngayon habang nakahiga siya at ako'y nakaupo.

"May problema ba, anak? Kilala kita at nanay mo ako, kanina ay parang may halong pag-aalala ang mukha mo." si mama, natawa ako sa sinabi niya. After how many tiring days, ang 'okay ka lang ba?' ni mama ang kahinaan ko.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko, niyakap ako ni mama kaya mas lalo akong naiyak.

"Anong problema ba 'yan? Sa school ba, sa basketball o baka naman sa love life na?" hindi ko nga rin alam bakit ako umiiyak, bigla lang itong tumulo.

"Namiss ko lang kayo, ma." sabi ko at yumakap ulit nang mahigpit.

"Anak, hindi naman sa nangingialam ako pero may relasyon ba kayo nung volleyball player na pula ang buhok?" tumawa si mama bago nagpatuloy.

"Nakalimutan ko ang pangalan, lagi iyong binabanggit nang pinsan mo sa akin, magkasama daw kayo palagi." natigilan ako sa sinabi ni mama. Tumikhim ako at humarap kay mama.

"Hindi ko alam, ma. Naguguluhan din po a-ako..."

"Gumawa ka rin nang para sa sarili mo, kilala kita. Suportado ka namin sa lahat, anak. Basta ingatan mo ang puso at kapag handa ka na, sana'y ibigay mo ito sa tamang tao."

Author's Note: I'll try to update agad habang wala pang school. Double update ito, I'll post yung isa later! Votes and comments are appreciated, drop your thoughts po 🥹

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon