Kabanata 2

352 8 0
                                    

2 | de Vega

"Hala! Oh my God! Sino yung natamaan?" si Demi. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw.

Lumapit ang mga tao roon, kaya dahan dahan na naglakad ako patungo roon, kinakabahan. Sa tanang buhay ko, ngayon palang ako naka tama nang tao.

"OMG! Diba siya yung taga Yates Univ?"

"Si Captain Bea de Vega 'yan!"

"The audacity of that boyish girl hit her!" sinamaan ko nang tingin ang maarteng babaeng taga Yates. Halos lumuwa na ang kaluluwa nito dahil sa tube na suot, hindi na siguro naayos dahil sa galit sakin.

People are whispering around, nung lumapit ako, nagsitabihan silang lahat. At doon, nakita ko ang isang chinitang may kataasan na may itchura rin. Namumula ang noo at ulo nito. Lumuhod ako at dumukwang sakanya, tinitigan niya naman ako.

"Sorry po. Ako yung naka tama. Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa babae. Tumayo ito, inalalayan siya nang iba pang mga babaeng naka Jersey nang kaparehas sakanya. Sa kabilang team pala 'to.

"Sa tingin mo okay pa ako sa lagay kong ito? Huh?" nagulat ako sa sinabi niya. Umatras ako nang konti, dahil ang lapit na talaga nang mukha namin. More like 4 inches.

Mas matangkad siguro ako nang ilang pulgada. Tinignan ko siya, halata ang inis sa mukha niya.

Kinakapa niya ang ulo niya, ino-obserbahan kung may dugo ba ito. Nakangiwi siyang tumingin saakin. Kinuha nang kasama niya ang bag niya.

"'Di ko naman sinasadya. Pasensya na, 'tol." hingi ko nang tawad at tumingin sa ibaba. Paano ko ba 'to malulusutan?

"Tss. Di porket nanalo kayo, nagyayabang ka na!" Ano? Tinitigan ko siya nang masamang mukha. Nakakunot-noo akong tumingin sakanya.

"Ano? Nagmamayabang? Hindi ako mayabang! Tsaka, kasalanan mo 'yon. Sino bang taong nasa tamang huwisyo ang pupunta sa may ring habang may naglalaro doon? Shinoot ko yung bola kasi yun ang laro! Hindi ko naman alam na may tao palang gustong magpakamatay. Tapos ngayon ako sisisihin mo? Nagmamayabang?" natahimik siya. Umalis na ako roon, pero ilang hakbang pa ay narinig kong sumigaw ang nakakainis na iyon.

"Paano ako makakapaglaro nito ngayon?" Ang kulit nito! Dinaig pa si Luis sa kaartehan. Akmang sasagot pa ako nang pigilan ako nila Demi at Tear. Umalis nalang kami roon at dumiretso sa bus na sasakyan namin papuntang skwelahan.

"Hindi mo naman yun sinasadya, eh."

"Kaya nga, pero Ikaw ang Team Captain nang team, Moreta. Hindi kaaya-ayang tignan sa ibang tao iyon, pero naiintindihan kita dahil ipinaglaban mo lang naman ang paninindigan mo." sabi ni coach. Nag-uusap kami habang sabay nang bus.

"Sino ba yung taong 'yon?" tanong ni Lee.

"Si Beatrice de Vega 'yon, or much more known as 'Bea de Vega'. She's the adopted daughter of Mr. De Vega, yung may ari nang C Incorporation. Team Captain din nang Yates University sa Women's Volleyball. Trained sa labas nang bansa, she's also a boxing expert." sabi ni coach Mak.

"Ay, papi! Iba yung kinalaban mo, girl. Buti nalang at 'di ka nun binalibag." sabi ni Tear.

Tinawanan ko siya, "Hindi ako takot dun."

"Sintangkad mo siya tsaka sobrang pogi pa, Cap! Nakita mo ba yung titigan niyo kanina? Inis na inis siya pero ang pogi pa rin!" sabi naman ni Tear. Sinimangutan ko lamang sila.

"Tinawag mo pa talagang 'tol, ano."

"Eh, ano naman? Pektusan ko pa 'yun! Hindi ko kasalanan. Naglalaro pa tayo diba? Bakit siya dumaan? Magpapakamatay ba siya?" Inis kong sabi bago kinuha ang damit ko sa locker. Buti nalang daw hindi masyadong pinansin ng ibang tao kaya hindi usap-usapan sa social media.

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon