Kabanata 22

254 6 0
                                    

22 | Confession

Habang nasa himpapawid na kami ay ang utak ko rin ay lumilipad. I don't get myself for feeling this way, may parte saking gustong harapin si Beatrice at kumprontahin ito.

Sinundo ako ni Jordan at dumiretso kami sa campus, may gamit kasing kukunin si Jordan sa locker namin. Kung hindi niya binangit ito ay hindi ko rin maalala na may ibang gamit akong kailangan dalhin.

While we were on the way sa campus, na siyang 3 hours drive ay minsan lang kami nag-uusap. Ang radyo lang ang bumabalot sa buong sasakyan, paminsan ay sumasagi rin sa utak ko ang messages na natanggap kanina.

Ngayon ko lang siguro gustong palagi nakakausap si Jordan para hindi ko na maisip ang mga bagay na hindi ko naman dapat pinoproblema. I'm fully aware na babaero siya and alam kong nagbibiro lang 'yun, pero kahit siguro hindi, ayoko sakanya.

Dumaan muna kami sa isang convenience store para bumili nang snack. May nadaanan kaming gasoline station kaya nagpa-gas si Jordan habang ako naman ay pumasok sa convenience store at bumili doon.

Kumuha ako nnag chichirya at biscuit, pati na rin tubig at juice. Nilabas ko ang wallet ko at pumunta na sa counter para magbayad.

"Cap J?" napataas ang ulo ko nang marinig ang pangalan. Ang cashier pala ang tumawag kaya ngumiti ako sakanya. Nakilala niya ako kahit naka-cap ako at hoodie. Ngumiti ako sakanya at tumili naman ito.

"Pwede po bang magpa-picture? Omg! Crush ko po kayo pero supporter din ako sa ElTrice, bagay po kayo!" umikot siya palabas sa posisyon niya at nakipag-selfie sa akin. Bumalik din ito kaagad sa puwesto at nilagay sa plastic bag ang pinamili ko.

Ang daldal nito kausap pero hindi naman nakakairita, buti nalang at hindi na niya binanggit pa ang pangalan na dapat redacted.

Kinuha ko ang pinamili pagkatapos inabot ang bayad, naghintay ako sa sukli at saka na umalis. Hawak ko na ang pintuan at palabas na pero may hinabol pang salita ang cashier at natagpuan ko nalang ang sariling nakangiti.

"Stay strong sa inyo ni Manok na Pula, Cap!"

Dumating na kami sa campus at nag-park na si Jordan. Buti nalang pinapasok pa kami ni kuya guard, kahit gabi na. Dumiretso na kami sa may gym, nilakad namin ang 5 minutes walk lang.

Nag-ayos na kami sa mga gamit na nasa locker, bumalik pa si Jordan sa sasakyan at may nakalimutan siyang dalhin. Mag-isa ako ngayon dito sa lockers room, lumabas ako sa gym at naupo sa bleachers, minamasdan ang court.

May ilang kaluskos akong narinig kaya napukaw ang atensyon ko, mukhang galing sa labas. Lumabas ako at tinawag ang pangalan nang kasama at baka isa nanaman ito sa pakulo na prank.

"Jordan? Lumabas kana, mukha kang timang!" sabi ko at lumiko papunta sa likuran, buti nalang at naka-on ang lights.

Ilang metro ang layo ay may natanaw akong sasakyan na madilim sa loob pero bukas ang trunk at parang may kinakarga. Nilapitan ko ito, medyo malapit lang siya sa gym.

"Sino 'yan?" tanong ko, mukhang narinig naman nung nasa kotse at lumingon ito. Hindi ko matanaw ang mukha dahil sa hoodie at cap nito. Mukhang harmless naman kaya nilapitan ko. Unti-unting naglalapit ang gap namin nang maklaro ko na kung sino ito dahil tinanggal niya ang cap.

"Hey, ikaw yung may crush sakin diba? Red-haired chicken, no, manok. Chicken sounds baduy and just weird."

Sa lahat nang araw ngayon pa talaga siya magpapakita? Ngayong sobrang gulo na nang isip ko at dadagdag nanaman ito. Ang malas ko na ba talaga at parang laging may paraan para magkrus ang landas namin ni Beatrice.

"What are you doing here? Hindi nakakapasok ang hindi nag-aaral dito, lalo kapag gabi na." mahinahon kong sabi at tinaasan siya nang kilay.

"My dad's an investor here, may pinasuyo sakin na kunin." she crossed her arms on her chest, leaning on the White Land Cruiser VXV8 that she's probably driving. Tinignan ko ang ilan pang box na nasa baba at kinarga niya agad iyon, my instinct instantly told me to help.

Lumapit ako sa isang box at kinarga ito, paglingon ni Beatrice ay agad siyang lumapit para kunin ang karton na buhat ko.

"What are you doing? Kaya ko na 'to." she said, last na rin naman iyon na box kaya binigay ko nalang sakanya, nagdampi pa nga ang kamay namin. Pagkatapos niya ay sinara niya ito at tinignan ako.

"Ano?" tanong ko. May sumilay na ngiti sa labi nito.

"So...Betriz, huh? That's the first time someone called me that, it sounds like the hair gel— Vitress." anito at natawa sa sariling joke. Tumikhim siya nang ma-realize na hindi ako tumawa.

Tumalikod na ako at babalik na sana sa gym baka magtaka pa si Jordan. Hindi pa ako nakakatatlong hakbang papalayo ay may humila sa pulso ko.

"Can we talk for a moment? About what happened last night and discuss it." hinarap ko siya at nagulat sa mapupungay na mata nito. Ang expressive nang mata niya at dama ko na kinakabahan ito pero may ibang pakiramdam na hindi ko alam.

"Might as well take this opportunity to talk with you because you keep on ghosting me. I don't know how to explain this, it's my first time. Last night, I wasn't able to sleep because my head was too preoccupied of you, alam ko lasing ka pero I stand with the saying 'nalalabas ang lahat kapag lasing ka'. I felt like a kid again when sinabi mong mas crush si Betriz because I instantly thought you meant me." bumuntong-hininga siya at yumuko bago tumingin ulit.

"I like you."

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon