Kabanata 23

430 5 1
                                    

23 | Figure it Out

I'm now sitting on the shotgun seat, Jordan is arranging her things at the back. Nakuha ko na rin ang ilang gamit ko at napwesto na 'yon sa likod, idadaan nalang daw ako ni Jordan sa apartment.

Habang hinahatid niya ako papuntang apartment ay naramdaman niyang umiba 'ata ang ihip ng hangin, bigla akong tumahimik pero hindi naman siya nagtanong kahit nakikita ko minsan ay tumitingin siya sa akin.

"Una na ako, ingat ka. Thank you." sabi ko bago bumaba sa sasakyan.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad bumagsak ang katawan ko sa higaan. Nakatulala lang ako ngayon sa kisame.

I looked at my back to check my surroundings. Wala naman sigurong ibang nakarinig sa sinabi niya, diba? Gabi na rin naman na.

"Hey, okay ka lang?" nagsalita siya ulit. Nakatayo lang ako, gulat at hindi ma-proseso ang lumalabas sa bibig niya kanina.

"H-huh?"

She sighed heavily at pinull ang cap para matabunan ang mukha niya. Tinanggal niya rin ito at sinuot patalikod, giving me a clearer view of her face. Namumula na ang magkabilang pisngi niya pero hindi siya umiiwas sa eye contact.

"Gusto kita, I know it's so sudden but—"

"Bakit ako?" I cut her off. She frowned at me.

"Andami mong pwede gawing babae, de Vega. If you think I can be one of them, diyan ka nagkakamali."

"Wait, wait. There you are again with your accusations, I told you na hindi naman 'yon totoo, give me a chance and I'll prove that to you. No, I'll prove that to you so that you'll give me a chance."

Sandali kaming natahimik at naramdaman kong lumapit siya sa akin pero hindi naman sobrang lapit para masapak ko siya.

"This started when I got hit by the ball, literal na tinamaan ako sayo. You're just my type, not just someone like you but it's you itself. Fiery, confident, matapang and men, you're beautiful."

Yumuko siya at narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. Hindi naman siya mukhang lasing so is she for real?

I never knew she felt this way towards me, hindi ko alam paano mag-react.

"Hindi kita type." Well, maybe that was half a lie.

Kasi kung kasinungalingan lahat nang 'yon ay sana hindi siya ang nasa isip ko nung sinabi sa akin nang pamilya ko kung may nagugustuhan ba ako.

"I'll make sure to change that. I'll show it to you, and I hope you'll be able to figure it out, eventually."

Kinuha ko ang unan ko at tinabunan ang mukha ko, paano ako makakatulog nang mahimbing nito ngayon?

Kasalan mo 'to lahat, Beatrice! You have now fully occupied my mind.

Malapit nang mag ala una pero hindi ko pa nararamdaman ang antok kaya imbes na matulog ay nag-impake nalang ako nang mga gamit na dadalhin para sa trip namin. Wala na akong ibang magawa kulang nalang linisin ko ang buong apartment kahit malinis na ito.

Alas tres nang umaga ay unti-unti na akong nakaramdam nang antok hanggang sa nakatulog na ako nang tuluyan.

10 am na ako nagising dahil sa cellphone ko, sunod sunod ang notifications galing doon. Mga messages lahat galing sa tropa.

aports ⛹️‍♀️

Tear:
Magdala kayo swimsuit ha
Lunurin natin isat isa
Humanda ka Jordan Gil 😛

Demi:
Si Jordan pa talaga inaya eh magaling yang sumisid

Jordan:
Gago?

Tear:
HOY HAHAHAH RAULO

Mga siraulo talaga itong tatlo, nagchat ako sakanila at sinaway dahil baka ma-offend si Jordan, hindi na kasi nag-reply.

Chinat ko siya at hindi niya naman daw dinibdib 'yon, alam niyang joke lang at nag-reply pa talaga ito sa'kin nang totoo naman sinabi ni Demi.

Jordan:
Okay ka lang ba? Wala ka sa mood kagabi nung pauwi na tayo
Sino umaway sa Captain namin ☹️

Ako:
Kadiri ka
Oks lang ako, pagod lang sa byahe

Kumain ako nang breakfast saka nag-impake ulit ng essentials na dadalhin ko. Ayoko sanang madaming bag pero bibili pa ako ng mga pasalubong.

Dala-dala ko ang isang luggage at isang duffle bag. Ipapa-baggage ko yung luggage at hand carry nalang ang duffle at shoulder bag.

Damit pa rin ang laman sa duffle ko pero mas magaan na ito, paguwi ay paniguradong puno na ito nang souvenirs.

Habang busy ako sa ginagawa, pagkatapos kong maligo at inopen ang data sa phone ko ay sunod-sunod nanaman ulit ang notifications.

Beatrice sent you a message!

Kumunot ang noo ko at nilong press ko lang ito pero ang pasmado kong kamay ay tuluyan nang binuksan ang chat.

Kung hindi ko lang cellphone at hindi ako gumawa 'non baka tinapon ko na ito sa katangahan.

Pilit ngang iniiwasan pero tinataksil ako nang mga galamay ko. Kaya dapat ko na ring ikadena ang isip at puso ko para hindi masaktan.

My phone turned off kaya binuksan ko ulit ito para basahin ang message niya.

Beatrice:
Good Afternoon
Have you eaten na?
Jwu hindi agad ako nakatulog kagabi, may nag overnight jogging kasi sa utak ko 😅

Author's Note:
Ang tagal ko na pala hindi na-update ito, busy talaga with acads and extracurriculars pa plus graduating ang author na ito 🫠 Votes and comments are highly appreciated po!

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon