Kabanata 14

178 14 0
                                    

14 | White

After nang awarding ay dumiretso na ako sa service bus namin, nagpalit lang ako nang damit at sa school gym na nga lang daw kami magaayos.

Bago pa umusad ang bus ay may pa announcement si coach, may mga theory na kami kung tungkol saan ito.

"Congrats once again, Team! Proud na proud ako sa inyong lahat, all of the hardwork has finally paid off. Just as promised, manalo man o matalo, we will be having a trip, para maka relax ang lahat."

Screams and claps filled the bus, nagtatalon pa ang iba. Natawa na lang akong nakatingin sakanila, hinila pa ako ni Ate Kori sa sobrang saya nito.

Nadawit ako sa celebration nila.

"Coach, saan ba gaganapin ang trip?" a teammate asked.

"Trip to Jerusalem." sabi ni coach at tumawa ito sa sariling coach. Siya lang ang tumawa sa sarili niyang joke, naging matamlay ang lahat kaya tumikhim si coach at sinabing joke.

"Buti nalang joke, 'wag mo na ulitin coach ah." awat ni Jordan. Tumawa kami at nakinig na sa sasabihin.

"This week, pwede kayong umuwi muna sa inyo. May 2 days kayo, withink next week, babalik kayo dito at sabay tayong lilipad papuntang Boracay." nagsigawan ulit kami sa saya.

"Hindi pa ako tapos. You are the best team and you deserve the best kaya after Boracay, magpapa-Singapore tayo. All paid expense trip."

Sa narinig pa lang namin ang sabi ni coach na deserve namin ang the best ay nagsilapit na kami para yakapin ito.

Si coach lang naman ang humasa sa aming lahat, sobrang pasasalamat ang iaalay ko sakanya dahil nagtiwala siya sa akin nung ni-recruit niya ako.

Hindi lang siya coach lamang, tumayo siya bilang isang magulang kaya kahit malayo ako sakanila mama at papa ay siya ang nagparamdam sa akin na may magulang akong kasama dito.

May mga students na taga Yale ang nag-abang sa amin pagkababa namin sa bus. Kinawayan ko ang ibang tumatawag sa akin, ang lagkit na nang pakiramdam ko kaya diretso na ako sa Shower Room.

"Cap. Pinuntahan ka talaga, ah? Kayo na ba? Promise, wala akong pagsasabihan." biglang lumapit sa akin si Jordan. Chismosa talaga nito.

"Pinagsasabi mo?"

"Si Beatrice!" inakbayan niya ako.

"Wala. Bakit ako papatol sa babaero? Kung sino-sino na siguro fini-flirt 'non, ang iba naman ang bilis magpadala. Nab-bwingit kaagad."

"Bakit? Nabwingit ka na ba, Cap?" sinamaan ko nang tingin ito kaya napalayo ito kaagad.

Ayoko munang pagusapan ang mga bagay na ganyan, nagf-focus ako sa mga pangyayari kanina. Ang pagkapanalo namin at ang MVP award ko.

Pumasok ako sa isang cubicle at isinabit ang tuwalya at gamit ko sa hook. Inabot ko ang mahaba-haba kong buhok at tinanggal ang tali ko sa buhok.

Nang matanggal ko ito ay ilalagay ko na sana sa sabitanan nang may napagtanto ako.

Lucky charm, huh? This was the hairtie she gave, baka nga maswerte ito. Habang hawak ko ito, hindi ko namalayang may ngiting sumisilay sa labi ko.

Agad ko itong nilagay sa may hook at naligo na. Sa sobrang saya ko 'ata sa pagkapanalo ay kung ano ano nalang ang nginingitian ko.

Itinext ko si mama na uuwi rin ako kaagad bukas. Mga apat na oras siguro ako bago makarating sa bahay, kakayanin naman ngayon pero may pa dinner si coach mamaya kasama ang iilang head sa school.

Pagkatapos kong mag freshen up ay umuwi muna ako at kumuha nang damit, kasama ko si Tear. Tinamad na itong umuwi, buti nalang at may dalang disente na damit.

"Mag dress ka dali! Anong dress ba meron ka jan? White dress isu-suot ko." si Tear. Naghalungkat pa nga ito sa closet ko.

"Ayoko! Wala namang dress code, bahala ka jan. Casual lang ako."

"Casual lang ako. No be. Don't say that. You're more than just a casual. Everytime na maiisip mo na "casual lang ako" Huwag! You're a wonderful person and we appreciate you so much. Hindi biro maging casual. It must've been tough pero you did it because you are so strong kaya sobrang proud kami sayo." tinitigan ko siya, mukha itong nagr-recite at with feelings pa ang pagkabigkas.

"Siraulo ka ba. Ito nalang susuotin ko."

Kinuha ko ang isang white halter top at black denim pants. Nakangiwi si Tear habang tinitignan ang suot ko.

"Magd-dinner tayo te, sa mamahaling restaurant na may bar pa! Ngayon lang ito, mag dress ka na! Akong bahala sayo." pilit nito at naghanap nang dress sa closet ko, umupo ako at nagpaubaya.

Nakita niya ang dress na pinadala ni mama sa akin, sa dinamirami, 'yan pa talaga na sobrang iksi.

"Ayoko." tumayo ako at kukunin sana ang damit at ibabalik pero nilagay ito ni Tear sa likuran niya.

"Try mo lang, okay? Twinning tayo tonight, white dress. Sige na, please." pagmamakaawa nito. Masasapak ko 'to eh.

Tinulak niya ako sa banyo at sinuot ko ito. Paglabas ko ay naghihintay si Tear sa labas nang CR nakapikit.

"Ready na? Excited nako, Cap! Titinigin na ako ha." lumingon siya at sobrang OA nito kung maka react habang ako ay nahihirapan na dito.

At this point, gusto ko nalang magpahinga at hindi na sumama pa pero pupunta ang head ng school, hindi ako pwedeng wala.

"Oh to the My to the Gosh! Cap, ang ganda ganda mo! Ikaw ba 'yan? Partida walang make up yan ah! Make-upan kita, Cap. Baka manginig sa ganda yung iba 'pag nakita ka nila." inirapan ko siya at tinignan ang sarili sa salamin.

Parang ibang tao ako sa suot kung tube dress na parang ruffled ang ends sa baba. Pinasuot ako ni Tear nang sandals na hindi ko alam mayroon pala ako.

Pahamak talaga itong animal na ito, sana naka pants at blouse lang ako ngayon kung hindi ko ito sinama.

Author's Note: Votes and comments are highly appreciated :D Nakaka-inspired mag update hahahah

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon