Kabanata 4

243 6 1
                                    

4 | Deleted

Nakita ko 'yon. Ano ba talagang trip ng taong ito? Kung akala niya joke time lang itong lahat ng ito, pwes! Hindi ako natutuwa, muntikan pa kaming ma disqualified sa maling paratang nila.

Ako na nga itong nags-sorry kahit hindi naman ako yung nagtulak, naglalaro lang naman ako. Naging kasalanan ko pa? Galing ah?

Naiinis ako sa mansanas na 'yon. Porket alam niyang maraming kakampi sakanya kasi sikat na sikat siya. Bakit nga ba sumikat 'yon? Ang pangit ng ugali.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili kaya minessage ko siya sa Twitter.

@/janelisemoreta
:I don't know what you are trying to do pero kindly stop it.
:Kapag kami na disqualify sa semis dahil dito sinasabi ko sayo,
:Hindi porket sikat ka siguro dahil jan sa buhok mong kasing pula ng mansanas
ay ganyan kana at ano yung dinelete mo? sungit haha? Anong trip mo.

@/beadevega
:Hello rin po sayo
:Mali ka po, 'haha sungit' yun
:Are you aware that I can actually send this to the Legal Team? You're threatening me, Miss JEM.

@/janelisemoreta
:Huwag mo akong tawaging Jem, hindi tayo close
:At ano babawiin mo yung statement mo? Kaninong kasalanan
ba 'yun? Papasok ka sa court ano change career ganon?

@/beadevega
: Woah grabe hahah sungit talaga. I'm just kidding, apology accepted.
: Damang-dama ko po ang sincerity ninyo po. :)

Hindi ko na siya nireplyan pa, ang sarap i-block pero baka maging issue nanaman. The following days, I focused on the Semifinals. Kapag napanalo namin ang game na ito, pasok na kami sa Finals. Ilang taon na ring hindi naiuwi ng Murray ang trophy sa pagkapanalo, kaya chance na namin ito.

Today is the day. It's the semifinals for UTU, sobrang chill lang ng atmosphere ngayon. Ganado rin ang team dahil pinaghandaan namin ito nang maigi. Ang laking responsibilidad bilang Kapitan ang pag handle sa team, never in my life I imagined to be the Captain of Murray at this point in my life.

Ang paglalaro ang naging paraan para makapasok ako sa dream school ko, hindi ito naging madali. Hindi kailanman naging madali ang pagabot sa mga pangarap, pero ito na ako ngayon. Ang dating akala nila hanggang tambay lang dahil sa gusto kong mag basketball kahit babae ako na siyang hindi magandang tignan ay kapitana na ng malaking unibersidad.

Galing akong Cebu, hindi kami mayaman at hindi rin kami mahirap. Pero ang mahal talaga ng Murray kung iisipin, malayo pa. Muntik ko nang sinukuan ang pangarap na ito pero kinuha ako ni Coach para maglaro, kasama na ang scholarship ko nito na covered ang kalahati ng tuition ko.

Nagkanda-utang pa sila papa para sa pagpunta ko ng Maynila, mabuti nalang at mabait ang mga kapatid ni mama at sinuportahan ako. Sa pagapak ko sa basketball court, agad nagsigawan ang mga tao. Kasali ako ngayon sa first five, habang nagw-warm up, nagsalita ang sports commentator para batiin ang mga audience.

Binabati nito ang known personalities na nanonood. Tumawa ako nang nakitang muntik na matamaan sa mukha si Jordan dahil nakatunganga ito. Lumakas ang hiyawan sa court kaya tinignan ko sa taas kung anong meron, ako ang pinapakita sa screen.

Nakatitig lang ako doon hanggang sa lumipat sa ibang angulo ang nasa screen, pinakita doon ang babaeng nakatalikod at kitang kita ang mahaba at pula niyang buhok. Humarap ito at bumungad doon ang kinaiinisan ko sa lahat ng nakakainis na tao. Nandito si Beatrice! Anong ginagawa niya dito?

"Oh and look who we have here? Our very own Kapitana from Yates Sailors, Lady in Red—Beatrice de Vega." announce ng commentator. Binaba ko ang tingin ko, buti nalang dahil nilipat nila ang camera sa banda ko ayun sa sabi ni Jordan kaya sumigaw lalo ang mga tao.

Ano naman kung nadyan 'yan? Balak niya bang magpatama ulit ng bola? O baka seseryosohin niya na yung change career na sinabi ko.

I didn't mind other people and totally focused nalang sa game, alam kong kaya namin ito. Sobrang laki ng tiwala ko sa mga kasama ko, with everyone's enhanced skills, knowledge and sportmanship, we can enter the finals.

First quarter ay lumamang na kaagad kami, lagi akong binabantayan ng Captain ng kabila kaya si Demi ang shooter, Jordan's known for her rebound skills. Magaling itong maglaro pero may hinahalo itong pisikalan, pala asar pa.

Dati'y muntik pang masuntok ng kalaban kasi palagi niya itong inaagawan ng bola. Yung sa isa naman, nagtakip siya ng ilong habang kaharap ang kalaban kasi ang asim daw.

Sa second quarter ay lumabas na muna ako, pinalit sa akin si Ate Kori, ang ex ni kuya. Magaling din ito sa rebound, pati si kuya hindi pinalagpas at ginawang rebound.

Muntik nang maabutan ang score namin buti nalang at nagawan nang paraan, pumasok ako saglit para palakihin ang agwat ng scores.

Umupo ako sa bench nang marinig ko ang malakas na cheer sa likuran namin. Sa sobrang lakas ng pagkasigaw ay umingay ang buong court.

"Let's go Green Leviathans!" Liningon ko ito at nakitang ang mga babaeng kasama nung Beatrice ang sumigaw, pati siya ay sumigaw at nilingon ako. Halatang nang-aasar.

56-67 ang standing ng score, in favor of our team. Pumasok ako ulit sa 4th quarter, hawak ko ang bolang ipinasa ni Tear. Binabantayan ako ng captain nila, ilang segundo nalang naman at tapos na ang laro.

"10 seconds to shoot," announce nila kaya nag-dribble ako, walang bakante sa mga kasama ko kaya nag trick pass ako saka pumuwesto at shinoot ang bola habang nasa central round banda.

"Could Moreta get this point and— counted! What a great shot by the one and only Captain J! End of game, congratulations to Murray University for making it to the Final3!"

Nag-announce na sila kung kailan ang finals at sino bang makakalaban namin. We thanked the crowd and inaya ako ng courtside reporter for an interview.

"We have here the Player of the Game. Captain of Murray University Women's Basketball Team, Jandria Elise Moreta. How did you come up with that skills and tactics?" ngumiti ako at bumati muna sa mga manonood.

"Our opponent really is good kaya medyo nahirapan din kami but I guess given the skills of each member and practices each day, we were able to enhance our tactics po and also teamwork which is the key to a progressive game." I said, narinig kong naghiyawan ang ibang tao sa kabilang court.

"Truly that was one flawless game. Now, anong masasabi mo sa mga fans ninyo?"

"Uh, as always, thank you so much po. Sa mga nandito ngayon at sa mga nanonood, we will always do our best and aim to make you guys proud. Wala po kami rito kung hindi dahil sa inyo." I bowed at the camera as a sign of gratefulness.

"Last question lang Captain," I nodded and listened attentively.

"A little personal. We have here in the house Beatrice de Vega, and with your previous talk about an incident, are you now in good terms? Is her appearance somehow the answer?"

Shit. Ano ba 'tong tanungan na ito. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nab-bwesit, naiinis, naiirita ako sa buong pagkatao niya.

"The problem has been resolved with both our legal teams." Obviously, hindi ko sasagutin ang tanong, baka saan pa ito mapunta.

"Have you talked to each other personally? Marami ring nags-ship sa inyo. Team ElTrice." The reporter laughed. Baka makamura ako ng tao dito.

"Uh, yes nag-usap din kami about sa issue and okay naman po kami." I tried to smile, peke nga lang.

Foulish Love | MikhAiahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon