9 | Post
Ganoon ba siya pumorma sa mga babae niya? Ang corny naman. Well, nagpasalamat pa din ako dahil sa good luck. Bukas na ang finals at nararamdaman ko na ang pressure.
After nang laro nila ay dumiretso ako sa mall kung nasan ang mga tropa. Gulat na gulat sila at pormado raw ako, buti nalang din daw pumunta pa ako, magtatampo na sana sila.
"How was the date?" Panguna ni Jordan. Ito nanaman tayo.
"Anong date? May nilakad nga ako importante lang. Malapit na 'yong finals, sa tingin mo may time ako para sa ganyan?" Natahimik sila.
"Saan ba lakad mo? Ginabi ka na ah"
"Basta." Ang kulit. Andaming tanong.
Kumain na kami at si Ate Kori na ang nagbayad, libre niya daw dahil bagong allowance siya ngayon. Bumili ako nang snacks para i-stock sa pantry ko, kumuha rin kami nang Pocari Sweat, mahal kasi kapag sa tindahan na bibili.
Nang makauwi na ako ay dumiretso ako sa banyo at agad na ring nagpahinga. Training nanaman bukas, kailangan kong maagang magpahinga para ma kondisyon ang katawan ko pero tinatawag ako ng cellphone ko.
Pag-on ko nang cellular data ay sunod-sunod na notifications ang lumalabas. May chats galing sa tropa at may galing din sa iba't-ibang social media platforms.
aports ⛹️♀️
Jordan:
Aba ang ogag nakipagkita pala sa bebe HAHAHAHDemi:
Sabi na e duda talaga kami jan sa may lakad na importanteTear:
Importante naman pala ang taong kinaiinisan niya. Grabe kana, Jandria Elise! Kaya ako sa'yo eJordan:
HAHAHAH @/Jandria ano na oi
Wala dawng time para sa ganyan kami pa talaga pinaglolokoDemi:
Akala ko ako lang mahal mo, baby? 🥹🥲😔😟🙁😫😢🥺😭Tear:
KUNG NALUSOT LANG AKO SA ISCREEN NA ITO TATAGAIN KITA
[Jordan, Demi reacted 😆 on this message]Jandria:
Ano ba? Iingay, maaga pa tayo bukas
Gagi kinuha ko lang yung towel ko nasakanya kasi nahulog noong last game natin,
importante yung towel sakin.Jordan:
Sabay nood nalang ano? Tama tamaJandria:
Hindi siya makakalabas kaya kailangan ko pumasok sa arena
Matulog na nga kayo
Pano niyo nalaman na nandon ako?Tear:
Hala siya, te ikaw nanaman usap usapan sa Twitter
Nag cap at mask ka pa, alam mo naman mga tao ngayon kahit walang gawin yung tao, kilala na kaagad.Jandria:
Anak naman ng pating oChineck ko ang Twitter, kaya pala andaming notifs. Ano ba naman ito parang araw araw akong laman ng Twitter dahil sa ganitong issue. Kinakailangan ko nang layuan ang bwesit na Beatrice na 'yon.
'Omg! Nanonood dito si Captain J! Sila na ba ni Bea huhu'
'balot na balot takot ma post in public'
'Baka naman supportive friend lang haha gaslight lang katapat nito'
'HOY MAGKAUSAP SILA TAPOS ANLAKI NG NGITI NI BEA'
'We were there, hindi kami umalis agad kaya naabutan namin silang nag-usap after the game. Mukhang nagkaka-mabutihan sila, they look so bagay irl'
'@/janelisemoreta @/beadevega more ayuda sana 🙏'
'Sa ngalan ni Kapitana Bea, nawa'y makahanap din ako nang isang Captain J'Ang dami pa nang tweets about us, sinapo ko ang noo ko at pumikit ng mariin. Nagkamda-bwesit na ang buhay ko dahil sakanya, nananahimik na nga lang ako. Well, may benefits naman ang ganitong sitwasyon, baka mas maraming makakakilala sa amin at suportahan kami sa laro.
Sa daming posts, nagsulat ako nang maip-post. Sasabihin ko lang ang ganap namin bukas.
@/janelisemoreta:
Tomorrow is D-Day! #MurrayUniversity #MurrayWillDominateKakapost ko pa lang at madami nang nakakita nito. Hindi ko ma-replyan isa-isa ang nagsasabing goodluck sa comments, pero may isang comment na kumuha sa atensyon ko.
'OH MY G! SABAY SILANG NAG POST NI BEA'
Tinignan ko ang profile ni Beatrice at magkasabay nga kaming nagpost. Nagsabi siya nang pasasalamat at nagpost ng mukha niya pati medals.
Ie-exit ko na sana ang app nang biglang napindot ko ang like button, agad ko itong binawi pero huli na ang lahat.
Kumalat ang isang screenshot na nakalike ako sa bagong post ng idolo nila, bakit ba ang bilis bilis nang mga ito. Hindi na ako kumontra pa at natulog na lang.
BINABASA MO ANG
Foulish Love | MikhAiah
Fanfiction[MikhAiah AU] Ю ●\(◕_◕\) Jandria Elise Moreta (Aiah Arceta), Team Captain of Murray University Women's Basketball is a boyish but at the same time girly enthusiastic woman. Living her life to the fullest while being at peace is her ultimate goal, bu...