Chapter 10

612 40 0
                                        

SHIYA'S POV.

Nagising ako dahil sa ingay na narinig.

Tsk, ano ba meron? Bat ata ang ingay sa labas?

Inaantok na bumangon ako atsaka dumiritso sa banyo. Nanghilamos ako atsaka sinuklay ang buhok. Nag toothbrush narin ako atsaka pinunasan ang basang mukha ko.

Sinuot ko ang tsinelas na nasa gilid ng pinto atsaka lumabas ng kwarto.

Bumaba ako papuntang salas at nagulat nang makitang hindi lang sina Jake, Zark at Khiel ang nasa sala.

Napalingon naman sakin si Jake at saka napasipol.

"Woahhh! Andito na pala si Shiya, the war of Khiel's life HAHA!" tawang sabi nito kaya napalingon silang lahat.

Napanguso naman ako atsaka umupo sa tabi ni Zark.

Tiningnan ko ang apat na di ko kilalang lalaki at isang babaeng nakatitig.

"Tama! Ikaw yun!" biglang bulalas ng babae kaya nagtaka ako.

"H-huh? Anong ako?" takang tanong ko kaya ngumisi sya.

"Diba ikaw yung tumutol sa kasal namin ni Quick? Ay mali! Na wrong church karin pala HAHA!" tawang sagot nito na ikinataka ko lalo.

Huh? Wrong church? Waitttttt????? Sya yung bride?!

"Ikaw yung bride?!" gulat kong tanong kaya natawa sya atsaka tumango, kumapit pa sya sa braso ng lalaking katabi.

"Oy Khiel! Pakilala mo naman kami dito sa magandang asawa mo!" sabi naman ng isang lalaking nakasuot ng blue tshirt at tottered jeans na may kasamang white rubber shoes.

"Tsk" yan lang ang sagot ni Khiel kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Pfttt! Jake! Ikaw na ngalang magpakilala samin" tawang singit naman ng nakasuot ng Gray shirt, white jeans at black rubber shoes.

"HAHA osige! So guys! This is Ashiya Unique Siason-Gil, asawa ni Khiel HAHA" pakilala sakin ni Jake kaya nakita kong nangunot ang noo ng naka blue.

"Shiya? Akala ko ba Stella? HAHA" tanong nito na ikinatawa ko.

Nilingon ko pa si Khiel na masama ang tingin sakin.

"Shiya, ito pala si Lexus, wag kang madadala sa ngisi at ngiti nya baka madala ka nya sa langit HAHA" pakilala ni Jake sa naka blue na panay nga ang ngiti!

"Gago!"singhal nito na ikinatawa lang ni Jake.

"Ito naman si Jaydee, wag ka ring madadala sa kindat nyan at may jowa nayan HAHA" pakilala naman nya doon sa naka gray na kumindat pa sakin, napangiwi ako.

"Wag kang kindat ng kindat, Jaydee at isusumbong kita kay Desiree!" singit naman ni Zark na ikina-nguso ni Jaydee.

"At ito naman si Stone, wag kang madadala sa kasungitan at kacold nyan dahil maraming nahuhumaling dyan!" napalingon naman ako sa lalaking ngumisi, nakasuot sya ng black shirt, black jeans at white rubber shoes. May nakasabit pang headphone sa leeg nya.

Shit! Ampogiiiiiii!!! Matutulala na ata ako!

"Shiya! Wag kang magkacrush dyan at lagot ka kay Ms. Daldal HAHAHA" tawang sabi ni Lexus kaya napalingon ako.

"Huh? Sino naman si 'Ms. Daldal'??" taka kong tanong.

"Si Ice! HAHA" sabay na sagot nina Lexus at Jaydee.

Napairap naman si Stone.

"At ito namang si Mr. Lover boy na masungit rin at tahimik, sya si Silver" napalingon naman ako sa lalaking katabi ng babae.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon