Chapter 59

354 15 1
                                    

ASHIYA'S POV.

"Glad to meet you, Mr and Mrs. Gil." sabi ng isang magandang babae pero alam kong may edad narin ito.

Ngumiti kaming dalawa ni Khiel sa dalawang matanda, they looked elegant at alam kong mayaman din sila.

We are all okay now, ay hindi pa pala. Hindi ko pa nakikita ang lola ni Khiel,siguro ay mamaya magkikita na kami at sana ay hindi na siya againts sa amin ni Khiel. I mean, Stella has her happy ending now, unfair naman kung kami ni Khiel ay wala.

"Glad to meet you too, Mr. and Mrs. Zyfrius." sabi ni Khiel habang hawak ako sa bewang, he's holding a glass of wine on his left hand while holding my waist on his right hand.

Si Skhyler ay kasama nina Akirra doon sa mahabang mesa. We are enjoying ourselves.

"Anyway, I'd like you to meet my son, Zeus and his wife, Hazel." sabi pa ng matandang lalaki at lumapit naman sa amin ang isang lalaking walang emosyon habang hawak sa bewang ang babaeng panay ang ngiti sa bisita.

"Hi! I'm Hazel Raquel--I mean, Zyfrius na pala kasi kinidnap--este nagpakasal na kami ng hubby ko HAHAHA!" tawa ng babaeng si Hazel kaya di ko maiwasang matawa.

Kita ko kasing masama ang tingin sakan'ya ng lalaking si Zeus at pinipilit na 'wag kilitin ang buhay nito.

Hubby huh? Pusta ko, hindi sila totoong mag-asawa.

"Nice to meet you, Hazel. I'm Ashiya, Khiel's wife." ngiti ko kaya ngumiti din siya sa 'kin at sinuri ang kabuuan ko.

"You're pretty! Pero mas maganda ako." sabi nito kaya di ko maiwasang matawa. Ang hangin ah! Though, maganda naman talaga siya.

"Tsk, shut up, woman." seryosong sabi nong Zeus.

Ngumuso naman 'yong Hazel at umalis nadin sila sa harapan namin kasama ang dalawang matanda kanina.

Nagulat ako nang biglang pumunta si Khiel sa mini-stage kasama ako. Hawak niya parin kasi ang bewang ko kaya hindi ako makalayo sakan'ya.

Nagulat ata ang ibang mga bisita at biglang nagbulungan, kahit na children's party ito ay hindi parin maiwasan na umattend ang mga business partners nila at mga parents ng mga bisita. They all looked expensive.

"Attention, everyone." panimula ni Khiel nang hawakan niya ang mic sa kabilang kamay. Wala na pala ang wine na dala niya kanina, baka nilagay niya sa tray ng mga waiter. Bat pala may wine? Diba pang children's party 'to? Char.

Napatingin naman lahat ng mga bisita sa 'min lalo na ang mga kaibigan namin. My Mom and Dad also stop talking and looked at our way. They smiled at me and I did the same.

"I want you all to meet my lovely wife, Ashiya Unique Gil." sabi ni Khiel sa mic kaya napasinghap ang iba.

"What? I thought she's dead?"

"Really? Kaya pala pamilyar siya, akala ko ibang babae na ang dala ni Mr. Gil."

"Bakit siya pa? Mas maganda naman ako sakan'ya."

Napairap nalang ako sa mga bulong-bulungan nila. Ayoko namang ikwento sakanila kung pan'o nangyaring buhay ako at baka umabot ng ilang oras ang mauubos kaka-kwento ko.

N'ong ikinasal kasi kami ni Khiel noon ay hindi naman madami ang mga bisita. Sobrang dami lang.

Oo, sa sobrang excited ata ni Tita Ky ay halos lahat ng kakilala nila ay inimbita niya, well that's the time that we hated each other. Naalala ko pa nga ang vow namin noon, masyadong childish. Hindi pala nag-attend ang lola ni Khiel n'ong araw na'yun. Sabi ni Tita ay nasa ibang bansa siya that time kaya hindi siya nakapunta, well wala naman akong pakealam noon. Masyado nga lang siyang harsh n'ong una naming punta sa bahay niya.

I Got The Wrong Key [WRONG TRILOGY#2] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon